Chapter 2

5 1 0
                                    

Day 28

Maaga akong gumayak para maaga akong maka alis. Ayaw kung makita si Mommy, at baka umusok na naman ang ilong nito sa galit.

Mabuti na nga lang at wala nang tao Dito sa ibaba Maliban Kay Manang, na hinintay akong umuwi.

"Kumain ka Muna, Bago umalis" Sambit ni Manang, nag Makita akong uminom ng tubig."Pinaghanda na Rin kita ng baon kung ayaw mo kumain Dito"

"Salamat Manang. Sa paaralan na po ako, kakain" tumango siya at binigay sakin Ang paper bag sakin.

Nakita pa ako ni Kuya, na paalis pero hindi ko siya pinansin. Kailangan kung dumaan mamaya sa happy Mart, dahil turn ko nang mag trabaho..Day off ko lang kahapon Kaya Wala akong trabaho.

"Sheila" Sambit ni Faith, ng Makita ako.

"Hindi ka na Naman kumain sa inyo?" Tumango ako."Nag away kayo ng mommy, mo?"

"Nag kasagutan lang" hindi na siya nagsalita at sinabayan na ako mag lakad.

Pinag usapan namin Ang mga nakaraan lalo na Nung highschool. Ang dami namin memories sa last school namin. Ewan ko nalang talaga.

"Papasok ka ba mamaya sa shift, mo?" Tumango Naman ako. Wala akong pasok ng 12pm Kaya nasa  Happy Mart, na ako Nyan."Mag ingat ka. Huwag kalimutan Ang gamot mo"

Bigla akong nahilo Kaya napahawak ako ng mahigpit Kay Faith. Huminto Muna kami saglit at kinalma ang sarili ko. Hindi pwedeng nangyari ito, Dito.

"Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Hospital?" Ngumiti lang ako bilang assurance, Saka bumaba.

Habang nasa store, nag re- review ako ng mga notes dahil Meron kaming exam bukas. Hindi porket binabayaran Nina Mommy, Ang pag aaral ko aty kailangan ko na mag pabaya. Istudyante parin Naman ako. Responsibility ko Ang mag aral ng maayos.

"Ito lang ba, sir?" Tanong ko sa lalaki na Ngayon ko lang nakita. Tumango siya Kaya Pina scan ko na Ang code at nilagay sa plastic Ang mga binili nya.

Naka alis na siya pero hindi maalis sa utak ko Ang mukha nya. Ang gwapo nya. Umiling iling ako sa mga ideyang pumasok sa isip ko. I need to control my self.

"Self, ma mamatay kana. Please huwag ka na lumandi. Just be happy at Buhay kapa Ngayon"

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at baka mag drawing na lamang ako ng mukha nya pag nag kataon. End shift ko na akya nag ligpit na ako.

"Sigurado ka ba?" Rinig kung sambit ng dalawang tao na nag uusap sa Isang sulok.

"Kailangan ko ng extra income, Nicolas. Paano ko ma pa- pagaling Ang sarili ko kung aasa lang ako sayo. Oo mayaman ka but how about myself? I was left with nothing. Wala akong mga magulang. Ikaw lang Meron ako, so please allow me to do this. Promise, I will be safe here" hinayaan ko na lang Silang mag usap since, hindi Naman ako chismosa.

"Fine. Basta su- sunduin kita bukas after ng shift mo"

Mga kabataan nga Naman Ngayon. Akala mo hindi bata. Malaki na Naman ako but I'm still have the young mindset pero Minsan lang.

"Hi" napa angat ako ng tingin sa nagsalita "I'm Eve. Ako Ang ka shift mo"

Nakalahad Ang kamay nya kaya tinanggap ko ito.

"Sheila" tipid kung sagot.

"Saan ko pwedeng maiwan Ang gamit ko? Saka mag papalit na Rin ako ng damit" tinuro ko sa kanya Ang mga basics, para hindi na siya ma hirapan.

"Bago?" Tanong ng customer Kay, Eve. Tumango Naman si Eve.

"Maki- Kilala ka na nang customer kapag tumagal ka na Dito. Yan din Ang unang tanong nya sakin nung unang araw ko Dito" tumango Naman siya.

Hinayaan ko Muna siya sa cashier dahil mag handa na ako at aalis na Maya Maya. Dumating na Rin Ang ma ka- kasama nyang si Eva. Dalawa Kasi kada shift. Dapat Meron din akong kasama kaso hindi na dumating dahil Merong emergency sa kanila.

"Eva, Ikaw na bahala Kay Eve" same pa talaga Sila ng name. A at E lang Ang naiba sa dulo.

"Ingat" pag labas ko, uma ambon na kaya tinignan ko ang bag ko kung Meron ba akong dala, kaso Wala eh.

Tinawagan ko Rin si Faith, pero hindi Naman ma contact. Ano kayang ginagawa nya.

Tuluyan na ngang umulan. Mabuti nalang  at hindi pa ako naka alis baka, mabasa lang ako sa daan.

Marami na Rin Ang sumilong sa store, kaya tumabi na lamang ako. Labas pasok din kasi Ang mga tao dahil sa ulan.

"Gamitin mo Muna" Saka nya inabot sakin Ang payong.

Siya Ang lalaking naka usap ko kanina bago ako pumasok Dito sa trabaho.

"Pano ka?" Hinawakan ko Ang payong, Saka nya nilabas Ang hoodie Jacket nya.

"Ingat sa pag uwi" Saka siya sumabak sa ulan nang naka Jacket.

"Sandali" tumingin siya sakin Kaya ginamit ko na Ang payong at kaming dalawa Ang gumamit."Hatid mo nalang ako sa kanto, sasakay ako ng Jeep"

Hindi na siya nag salita dahil naka yakap ang kamay ko sa bewang nya habang naka hawak sa payong. Kinuha nya Naman Ang payong at siya na Ang humawak.

"San ka nakatira?" Ang cold nya talaga kausap. Kanina ko pa napapansin at Ang iksi mag salita. Tao ba to?? Baka Alien, hindi ko lang napa pansin. Lagot na.

"Sa Village. Marcus Village" bigla kaming lumiko sa kanto na syang pinag tataka ko."Saan tayo pupunta. Hindi Dito Ang daan"

"I have my car" Saka nya tinuro Ang gray na sasakyan.

"Hindi mo sinabi, hinayaan na sana kitang mabasa ng ulan." Natatawa kung sambit pero hindi man lang nag react."Alam mo, sayang yang ka gwapuhan mo kung hindi ka ngumi- ngiti. Pinag pala ka pa Naman sa mukha, hindi mo Naman pala kayang alagaan"

"I have my own way" Saka nya Pina tunog Ang sasakyan. Pinapasok nya Muna ako Bago umikot at pumasok.

Walang umimik samin dalawa habang nasa sasakyan. Para tuloy may patay sa subrang tahimik. Sana pala nag aya nalang akong mag pa tugtog.

"Block 2,  209" na hanap nya Naman kaagad Kaya aakmang ba baba na ako ng sasakyan ng hawakan nya Ang siko ko.

"Ako na" bumaba siya Dala Ang payong pinag buksan ako. Hinatid nya talaga ako papunta sa main door dahil binuksan na Nung guard ng Makita ako.

"Mag ingat ka sa pag dra- drive. Salamat sa pag hatid sakin"tumango siya at tumalikod na.

Nang Maka layo Ang sasakyan, hindi mawala Ang ngiti ko sa labi.

"Sino Ang lalaking nag hatid sayo?" Napa igtad ako ng magsalita si Kuya sa likod ko.

"School mate lang kuya" Saka ako umalis at dumiritso na nang kwarto.

30 daysWhere stories live. Discover now