"Para sayo" inabot nya sakin Ang paper bag na maliit. Ang cute naman pero bakit para sakin?
"Sakin?" Hindi ko Kasi alam kung bkit para sakin.
"Para sayo talaga Yan. Buksan mo na" kinuha nya Ang mga paper bag na hawak ko Kaya tinanggap ko na. Tinignan ko Ang laman. Merong box sa loob Kaya kinuha ko ito. Isang Kwentas.
"Actually Kwentas Yan pero pwede mung Gawin bracelet kung gusto mo. Matagal na sakin Yan, Ngayon ko lang talaga binigay sayo"
"Sakin? Bakit? Nathaniel, okay na sakin na magsakama tayo Ngayon. Okay na sakin na pinasaya mo ako. Pero ito? Hindi ko to ma ta- tanggap" subrang Ganda at mahal nito para ibigay nya sakin. Hindi worth it Ang pag bi- bigyan nya.
"Highschool pa lang tayo, nasa malayo lang ako naka tingin sayo Sheila. Hindi ko alam kung paano lapitan Yung babaeng gusto kung ma kasama habang buhay. Gusto kung makasama ka at mapadama sayo Yung saya na pinag kait sayo ng ibang tao. Ng sarili mung pamilya. Sorry kung binasa ko Yung Diary mo, pero thankful ako Kasi nabasa ko" nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba hindi nya binasa.
"Ang sabi mo, hindi mo binasa -"
"Binasa ko. Binasa ko Sheila, Kasi subrang curious ako. Pero subrang thankful ako kasi binasa ko Yung Diary mo. Nalaman ko lahat ng hinanakit at pag hihirap mo lalo na sa sakit mo. Nag karoon ako ng courage na lapitan ka at Maka usap Ka. Nagkaroon ako ng pag kakataon na makasama ka at mapasaya ka" hinawakan nya ang kamay ko."Maari bang ibahagi mo sakin Yung mga araw mo ng masaya kahit hindi na maging tayo. Kahit na Hanggang kaibigan lang atleast nagkaroon ako ng Chance na ipadama sayo kung gaano ako ka saya na makilala ka"
"Nathaniel"
"Sheila, mahal na mahal kita. Hindi mo lang alam pero araw araw akong humihiling na sana.. sana dumating Yung araw na makausap at mapasaya kita. Mahal na mahal kita, Sheila"
"Paano ka magiging masaya kung makikita mo akong ganito. Nathaniel, ilang araw na lang meron ako. Anytime pwede akong mawala sa mundong to" giit ko dahil walang ka siguraduhan kung mangyayari nga ba Ang 30 days na sinasabi ng doctor.
"Wala akong pakialam dun, Sheila. Gusto ko lang makasama ka at mapasaya. Handa akong Gawin lahat para sayo" pinunasan ko Ang luha ko sa subrang daming puma - pasok sa isip ko.
"Nathaniel, hindi mo alam Ang pinag sasabi mo-"
"Alam ko, Sheila. Alam ko. Please, bigyan mo ako ng Chance. Handa akong Gawin lahat"
"Pag iisipan ko" Saka ko kinuha Ang mga paper bag. Pumasok ako sa loob ng bahay na umiiyak.
Agad kung tinawagan si Faith, at Pina alam sa kanya. Nag set kami ng Oras na mag ki-kita sa labas ng bahay. Tulog na Naman Ang lahat Kaya makaka labas ako.
"San ka pu- punta, Sheila" bakit gising pa si Dad? Anong Oras na.
"Nasa labas po si Faith, Dad. Lalabas lang po ako para puntahan siya"
"Dito na kayo sa bahay mag usap. Gabie na"
"Sasabihan ko Dad, pero pag ayaw nya sa labas nalang po kami. Nandyan Naman Ang mga Guard sa labas Saka sa sasakyan lang po kami" tumango si Daddy, Kaya naglakad na ako.
Agad akong yumakap Kay Faith, ng Makita ko siya. Sinabi ko sa kanya ulit Ang lahat at nakinig na man siya.
"Anong balak mo? Tatlo na kaming na kaka- alam" alam na Rin Kasi ng Mommy, ni Faith, Ang tungkol sa sakit ko.
"Ewan. Hindi ko alam. Faith, alam mo Ang kalagayan ko. Hindi Naman pwedeng hayaan ko siya sa gusto nya. Ma wa- Wala at ma wa- Wala ako Dito sa mundo. Hindi ko kayang masaktan Rin siya. Iniisip ko palang na ma wawala ako Dito at iiyak kayo, hindi ko na Kaya. Ako yung nasasaktan" hinagod nya lang Ang likod ko.
"Ikaw lang Ang ma kakagawa ng decision, Beb. Nandito lang ako para sumuporta sayo" mas lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi niya.
"Wala kabang advice Dyan, Beb? Lalo mo lang akong nili- lito eh" tinawanan nya Naman ako kaya napangiti akong nag punas ng luha.
"Alam mo Kasi, sinabi na sakin ni Nathaniel, lahat. Hinayaan ko nga lang kayong mag bonding Ngayon. Tsk. Akala mo di ko alam? Nag paalam siya sakin kung maaring kayo Naman Ang mag date ngayong Sunday" nagulat Naman ako sa sinabi niya.
"Kaya ba hindi ka nag reply sa message ko?" Tumango Naman siya.
"Sabi niya, siya na bahala mag pasaya sayo Kaya hinayaan ko. Saka Beb, linggo ngayon mas lalong hindi ako ma kakaalis ng bahay kung hindi pu- punta ng simbahan" Sunday is church day Kasi talaga sa kanila. Both parents are religious Kaya hindi pwedeng humindi si, Faith.
"Meron pa akong hindi sina- sabi sayo" bigla namang kumunot Ang nko nya.
"Ano? Chika mo na. Dali!" Excited Naman nitong kasama ko.
"Ano Kasi... Mhhh. Paano ko ba sasabihin sayo-"
"Sheila!!!" Napa igtad ako sa sigaw nya.
"Putang Ina Naman, Faith. Wag mo ako gulatin" nakangiting nag ti- timpi si Faith, sakin. Alam ko na Yan. Hindi makapag hintay sa sasabihin ko kapag ganyan Yan. Mas la- lala pa Yan pag sinabi kung bukas na.
"Huwag mong sasabihin na bukas na at Hindi kita pa lalabasin ng sasakyan" Saka niya ni lock Ang pinto.
"Faith, naman" Saka siya kumuha ng chi- chirya at kumain."Fine. Nag kiss kami ni Nathaniel, kanina sa mall"
Bigla siyang na bilaukan sa sinabi ko Kaya inabutan ko ng maiinom. Agad nya Naman itong ininom at tumingin sakin ng seryoso.
"Sheila, nag kiss na kayo pero ayaw mung payagan na manatili sa tabi mo Yung tao. Sheila, naman" pinunasan nya Ang bibig nya Saka ulit tumingin sakin."French kiss? Turid kiss? Anong klaseng kiss?"
"Faith, umayos ka. Walang Ganon. Kainis ka" ngumiti siya na parang ng aasar.
"Ay sus. Ikaw huh. Meron na palang kiss na naganap pero nag pa pa cute ka lang. Ewan ko sayong bruha ka. Saka anong balak, mo? Nag kiss na pala kayo bakit ayaw mo pang bigyan ng chance na manatili sayo. Sabi nya Naman handa siyang gawin lahat makasama ka lang. Ang sweet nun, Beb " ito talaga pag usapang love, hype na hype. Kapag tinuruan ko sa sa project at homework, lagi namang Tina tamad.
"Umayos ka, Faith. Hindi ito biro. Merong ibang taong involve. Ayaw kung merong masaktan" hinawakan nya Ang balikat ko Kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso."Aray! Bakit mo ako Sinampal?"
"Masakit?"
"Bruha ka! Alam mo na ngang masakit, tinatanong mo pa" kainis. Ano bang kinain nya at Sinampal nya ako. Oo nga pala, chi- chirya Ang kinain niya.
"Yan Ang nararamdaman ni Nathaniel, Ngayon. Alam nyang ma sasaktan siya pero pinili niya parin na masaktan dahil handa siyang mag sacrifice basta ma pasaya ka lang. Handa siyang sumugal para sayo, Sheila. Ikaw? Handa ka ba?"
Kanina pa umalis si Faith, pero naiwan sakin Ang mga sinabi niya. Handang sumugal si Nathaniel, para sakin pero handa ba akong hayaan siya kahit na masasaktan siya sa huli?
Arghhh. Kainis. Bakit ba ako umabot sa puntong to. Tama pa ba to? Aishhh.
YOU ARE READING
30 days
RomanceA month to live was not my plan. It's God plan to me. Maybe he let me live in this world with a purpose and maybe, my purpose to this world are already done. Hindi ko man alam kung ano yun pero Isa lang Ang gusto kung nangyari Bago ako mawala sa mu...