Chapter 02
It's been two weeks since the most embarrassing thing in my life happened.
As you can see I lasted for two freaking weeks, akala ko talaga katapusan na ng buhay ko pero siguro masyado lang akong nag-iisip.
Ever since that happened hindi na mawala-wala sa isip ko si Clayton, dati wala akong pake-alam sa mga ginagawa niya sa buhay at sa buong pamilya nila but after what happened between us bawat article o news na nakikita ko sa social media basta may kinalaman ang mga Dela Cruz ay walang tawad kong binabasa kahit minsan ay click bait lang ang iba, kinakabahan kasi ako dahil baka mamaya may ginagawa na siya laban sakin pano nalang kong sampahan niya ako ng kaso?
Is that even possible? Yes it is... Isang Dela Cruz ang binangga mo Celene!
Augh! Nakakainis na talaga mapapatay na ko ng sarili kong utak!
Sa loob ng dalawang linggo ang ginawa ko lang ay ang mag search tungkol kay Clayton kahit ang lahat naman na nakikita ko ay puro achievements niya lang, minsan nga natatawa nalang ako dahil puro good articles ang mayron sakanya tapos ang sa kuya niya naman ay puro katarantaduhan, which explains kung bakit ang aga niya humawak ng business ng pamilya niya.
I think I need some assurance from him na wala siyang pake-alam sa akin like kailangan ko marinig mula sakanya na what happened between us ay walang kaso sakanya. Yung sinabi niya kasing 'nagustuhan' niya ang nangyare nung na sa condo niya pa ako ay hindi naging sapat para kumalma ako.
Lalo na't hanggang ngayon wala parin akong nakakausap tungkol dito dahil ang kaibigan kong si Paula ay kinailangan lumuwas ng maynila para puntahan ang pamilya niya. Ayoko naman mag kwento lang sa telephono at saka mawawala narin naman siguro ang kaba ko dahil pauwi narin naman siya bukas, may paglalabasan na ko ng saloobin ko sa mga nangyayare sa buhay ko.
Nasa opisina ako ngayon. Balisa dahil hindi parin ako mapanatag at na pa-paranoid parin ako, hindi pa nakakatulong na nag ta-trabaho ako sa kompanya kung saan kalaban ng mga Dela Cruz sa larangan ng mga hotels.
I sighed, and look at my computer trying to fight the urge to look for some news about the Dela Cruz family again.
Dahil tapos na naman ako sa pinapagawang i-organize ang isang document, I just found myself searching about Clayton again online.
Should I went to that bar again para lang makita siya at kumuha ng assurance niya na wala siyang pake sakin?
Paranoid na talaga ako. Hindi naman kasi ako mapa-paranoid ng ganito kung hindi ko alam na virgin siya!
"Anak ng tokwa..." mahina kong bulaslas hindi makapaniwala sa nakita ng sinubukang i-search ang pangalan niya sa google.
Name: Clayton Jim Villacorta Dela Cruz
Birth: 19 December ****
Birthplace: San Antonio, Texas, USAAyon lang ang tinignan ko bago ko in-exit ang tab ng browser dahil hindi ko kinayang pati sa google ay naroon siya. Every day na ginagawa ko 'to ay pinapaalala lang sakin kung gano siya kayaman.
I sighed ang bite my nails nervously, mas matanda ako sakanya ng apat na taon baka kasuhan ako nito ng child abuse, shit!
Nawala ang isip ko kay Clayton ng marinig ang isa kong kasamahan na si Dan na tinawag ako.
"Celene! Kailangan ka sa meeting ni sir need daw ng assistant to jot down infos." he said, pertaining to our boss.
Tinignan ko ang gawi niya at nakita siya na naka dungaw sa pintuan ng opisina ng boss namin. Kaya alam kong naririnig din ng ibang kasamahan ko, na kahilera ko sa cubicle, na pinapapunta ako do'n.
BINABASA MO ANG
Chose (Dela Cruz's Hustle Duology #1)
RomanceDCH - Dela Cruz's Hustle Duology #1 Clayton Jim Dela Cruz the youngest of the Dela Cruz's; the tycoon and prodigy of the country, cited as one of the biggest gem on the business field. At such a young age he have reach a lot. Being graduated from H...