Chapter 03

5 0 0
                                    

Chapter 03

Dumagundong ang buong sistema ko sa tanong niya, nakayuko lang ako hindi pinapayagan ang sarili kong tignan siya.

I gulped harder when I remember him asked me that exact same question two weeks ago, before he asked it breathlessly.

Tapos ngayon tinatanong niya ako sa ma-authoridad na tono na para bang hindi siya papayag kung hindi ko pa sasabihin sakanya ang pangalan ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya, nakita ko sa peripheral vision ko na gumalaw siya sa upuan niya pero 'di ko na masyado naaninag ang sunod na ginawa niya.

"My name is Clayton..."

Napalunok ako ng marinig siyang mahinang sinasabi ang pangalan. Like he's encouraging me to do the same.

I completely let go of myself at agad napa tingin sakanya. Our eyes met he's looking at me like I'm a big puzzle that he can't never solved.

"C-celene..." hindi ko naitago ang nginig sa boses ko nung sabihin ko ang pangalan ko kaya bahagya ko pang nakagat ang labi ko.

I saw how his eyes traveled to my lips when I did that naka ngiti tuloy siyang sumandal sa upuan niya. He averted his gaze saka bumuntong hininga.

"I-" he was about to say something but got cut short when Gerald interrupted.

Sa likod ni Gerald ay pumasok ang mga employee ng hotel at agad nag serve ng mga pagkain, hindi ko mapigilan hindi ipakita ang nalilito kong ekspresyon.

Napatingin tuloy ako kay Clayton na ngayon ay masama na ang tingin kay Gerald.

Ayokong mag dinner na kasama siya tama na yung nag breakfast ako sa bahay niya, ayoko magkaroon ng utang na loob sa lalaking 'to, pumayag akong makipag kita sakanya para matahimik ako.

"Mr Dela Cruz... I'm not here to have dinner with you." I said, nung matapos mag lagay ng mga pagkain at kami nalang dalawa ang nandoon.

Clayton just look at me inaabangan kong ano ang susunod kong sasabihin.

"I went here to have peace of mind." I honestly said while looking at his eyes.

I saw how amused he looked right now. "Same here, Celene." he said calmly, hindi inuurungan ang matapang kong titig sakanya pero sa huli ay ako ang naunang umiwas.

I remember clearly that I've said that I liked his...lips and tongue but right now...I also like his voice. I love how he said my name, I never knew my name could be that beautiful not until he called me.

"That's good then, edi alam ko rin na gusto mo ring matapos ang koneksyon natin." I said bravely.

His eyebrows knotted after that he looks confused now.

"Oh..." he said like he just realized what I meant earlier. "It's the other way around for me, babe."

Tumigil ang mundo ko sa narinig, Rinig na rinig sa boses niya ang pangungutya lalo na sa tinawag niya sa'kin he said it the way I've said it two weeks ago.

I was so sure that he's mocking me... but he looks so serious.

Matagal bago ako nakabawi sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip—trying hard to hide my nervousness.

"Well... Mr Dela Cruz, nag punta ako dito para marinig mula sayo na walang kaso sayo ang nangyare satin dalawa." I said straightly not even thinking of what I just said, sinabi ko yun na parang wala lang.

Nag-init ang mukha ko sa inis ng makita kong pano niya tinawanan ang sinabi ko.

"You're funny, Celene." he said still trying to contain his laughter, madiin rin ang pagbigkas niya sa pangalan 'ko.

Chose (Dela Cruz's Hustle Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon