Chapter 04
When I calmed down I looked at Paula. "Kamusta si Tita?" I asked about her mother when we were enveloped by a silence.
"Okay naman, ganon parin naman siya." Paula just said before drinking her beer, do'n ko napansin na mukhang malungkot siya.
Ang mama kasi ni Paula ay may Alzheimer's Disease kaya pumupunta tala siya ng Mindoro dahil kung minsan ay hindi kinakaya ng mga kapatid niya ang pag-aalaga.
I've known Paula since college we are both in the same class, kung ako ay nag ta-trabaho sa isang kumpanya si Paula naman ay isang registered CPA na.
Hindi kasi ako nakapasa sa board exam dalawang bes na kaya pinanghihinaan na 'ko ng loob, minsan iniisip ko baka hindi nga talaga para sakin ang pagiging CPA. Kaya hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob para mag take ulit ng exam. I'm just bearing the thought na ayos pa naman sakin ang kita ko sa kumpanya ni Mr. Flores.
"Isang linggo ka din do'n may improvements ba?"
When Paula didn't answer I already know the answer, I sighed at humilig sa gilid niya.
It didn't take long para makabawi si Paula sa naging usapan namin, she already changed the topic at ngayon naman ay binalikan ang nangyare sa amin ni Clayton kinulit niya pa ko na ikwento ko sakanya ang buong detalye ng nangyare samin, mukha pa syang tanga habang umiirit na para bang kinikilig sa mga pinagsasabi ko napapairap nalang ako sakanya.
Paula is just really bubbly hindi siya mahirap pakisamahan—siya kasi yung tipo ng tao na kahit kakakilala mo palang ay nagagawa niyang maging komportable ka sa tabi niya, kaya hindi talaga lalandas sa isip mo na may malaki siyang kirot na dinadala.
"Grabe sa card palang na 'to halata mong mamahaling papel ang ginamit."
I rolled my eyes at her nung nakita kong pinagmamasdan niya ang calling card na binigay ni Gerald sakin kanina, nakita niya kasi na itatapon ko na ang matigas na papel nayon. Kulay black na may touch of gold ang kulay ng papel—do'n ay nakalagay lang ang pangalan ni Clayton, cellphone number, at email.
"So... anong plano mo niyan?" Paula asked before putting the card at the coffee table.
"Iiwasan ko nalang at kakalimutan ang nangyare samin. Hindi ko din alam bakit nag mumukhang napaka big deal sa'kin ang nangyare samin kahit hindi naman ito first time sa'kin, I guess, dahil ang tanyag niyang tao kaya ganito nalang ang mga kinikilos ko pero makakalimutan ko naman siguro 'yon...just give me a week." mahaba kong eksplenasyon na para bang pinapaniwala ko rin ang sarili ko sa mga sinasabi.
Paula is just looking at me with her brows raised.
"Iiwasan mo? Eh, pano kong bumalik ulit sa hotel ng boss mo?" rinig ko sa boses ni Paula na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Iiwasan ko parin at saka hindi naman 'yon lagi nandon nagkataon lang kahapon, kasi baka masyadong importante ang sasabihin kaya pumunta do'n." paula just laughed at me.
"At isa pa it's not like magkikita pa kami! Hindi na kami magkikita non!" pagdedepensa ko dahil alam ko sa sarili ko na gusto kong umasa sa mga salitang kakabanggit ko palang— sana nga ay hindi na kami mag kita.
Nag kwentuhan pa kami ni Paula hanggang sa inabot na kami ng madaling araw hindi pa ata kami titigil kung hindi ko lang narinig ang cellphone ko na tumunog.
Nagkatinginan pa kami ni Paula pero she just shrugged her shoulders at me kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko, I admit kinakabahan ako hindi naman sa nag e-expect ako na si Clayton ang tumatawag sakin pero dahil malaki ang impluwensiya niya baka hindi mahirap para sakanya na malaman ang contacts ko.
BINABASA MO ANG
Chose (Dela Cruz's Hustle Duology #1)
RomanceDCH - Dela Cruz's Hustle Duology #1 Clayton Jim Dela Cruz the youngest of the Dela Cruz's; the tycoon and prodigy of the country, cited as one of the biggest gem on the business field. At such a young age he have reach a lot. Being graduated from H...