H E L L A R I A N
Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang napakalamig na likidong bumuhos sa akin. Dahan-dahan ko idinilat ang mga mata ko sapagkat ramdam kong basang-basa ang buong katawan ko.
Pagkamulat ng aking mga mata ay sobrang labo ng aking nakikita. Mayamaya ay naaninag ko na ang ilaw na nakasabit sa kisame. Sa tingin ko’y narito ako ngayon sa isang abandonadong silid dahil bukod sa bako-bako na ang kisame at sira-sira na ang mga bintana ay may nakikita rin akong mga sirang upuan.
Napadaing pa ‘ko sapagkat naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo at likod.
Agad akong napatingin sa aking gilid nang may biglang sumipa ng malakas sa tagiliran ko. Sinamaan ko ito nang tingin at handa na sana siyang sapakin ngunit napagtanto ko na nakagapos ang aking paa at kamay habang nakaupo sa sahig.
“Gising na pala ang mahal na prinsesa,” rinig kong wika ng taong kapapasok pa lamang sa abandonadong silid na ito.
Hindi ko makita ang mukha nito sapagkat nakasuot ito ng itim na maskara subalit sa tindig at lalim ng boses nito ay mahahalataan mong isa itong lalaki.
Umupo ito sa isang upuan na tila isang hari. Pwe!
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Maraming kababaihan at kalalakihang estudyante na na nakasuot ng uniporme ng school namin. May ilan naman na ibabang suot na uniporme, sa tingin ko’y galing sila sa ibang university.
Paano ba sila nakapapasok sa university na ito? Akala ko ba’y malakas ang seguridad dito!
“Sino kayo?” mahinahong tanong ko ngunit may diin sa mga binitiwang salita.
Narinig ko ang sunod-sunod na yapak mula sa likod ko.
“Hm.. kami?” rinig ko namang tanong ng boses babae kaya dali-dali akong lumingon dito sapagkat pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Pakiramdam ko’y napunta sa aking ulo lahat ng dugo ko nang makita ko ang pagmumukha nito. Bakit nandito siya? Akala ko ba’y suspended ang grupo nila ang dalawang linggo? Hindi ba talaga siya nadadala sa ginawa ko sa kaniya.
Nasa likuran niya sina Abby, Clover, Dora, at ang ilang babaeng kampon niya.
“Kumusta?” nakangising tanong niya. Tinignan niya ako nang mapang-asar bago siyang muling nagsalita, “miss me? Ilang araw lang naman akong nawala.”
Ngumisi rin ako.
“Why would I? Mas mabuti ngang hindi kita nakikita nang mabawasan naman ang mga nakakasalamuha kong tanga,” mapang-asar na banat ko rito.
“Wala ka talagang k’wentang kausap!” iritadong saad niya at nagdabog pa ito.
Natawa naman ako ng nakaloloko.
“At least, wala lang akong k’wentang kausap. Ikaw, wala ka talagang k’wenta.”
Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin kanina pa ako bumulagta. Galit na galit itong tumingin sa akin, parang akala mo’y dragon na anumang oras ay bubuga na ng apoy.
YOU ARE READING
Perilous Lady of Apollyon
ActionA LADY WITH A FIERY AND DANGEROUS CHARACTER. MESS WITH HER AND YOUR LIFE WILL BE IN DANGER. Hellarian Achlys, is a certified badass girl. She's always been kicked-out in different schools for being a troublesome and ill-tempered lady. Because of her...