H E L L A R I A N
“Hello, Gem!” malakas na sigaw mula sa kabilang linya. Bahagya kong nailayo ang telepono sa tainga ko.
Ang aga mangbulabog ng isang ‘to.
Linggo na ngayon, at sobrang bilis ng araw. Pang-limang araw ko nang namamalagi sa paaralan na ito.
“Oh?” mahinang sagot ko, saka ako napairap sa kawalan. Umayos ako nang pagkakaupo mula sa pagkakahiga, isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama ko.
“Aga-aga, ang sungit-sungit mo na namang babae ka!” naiinis na saad naman nito.
“Ang aga-aga rin, ang ingay-ingay ng bunganga mo,” masungit na turan ko.
Natawa siya, “Heto naman. Gusto ko lang namang kumustahin ka.”
“Kalilipat lang ng school, as usual,” bored na saad ko.
“Hoy!—Na-kick out ka na namang babae ka?!” malakas na sigaw niya. Kaya napairap ako sa naging reaksyon nito.
“Can you please lower your voice?” nagsusungit na saad ko. “Ano pa bang bago roon?”
“Hindi na napakali ‘yang katawan mo kakalipat ng school, e. Sa susunod, ipapalumpo na talaga kita para hindi mo na magawang makipag-away,” masungit din na sambit nito.
“Okay.”
“Bwisit ka talaga!” inis na sigaw niya, saka ako pinatayan ng tawag. Bahagya akong natawa dahil sa inasta nito.
Ilang segundo lang ay tumawag na naman ito ngunit pinatayan ko agad ito ng tawag. Naka-tatlong beses siyang tawag ngunit paulit-ulit ko lamang siyang pinapatayan. Siguro’y nagsawa na siya kaya tumigil na rin ngunit isang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakatanggap ako ng mensahe mula rito.
Napapailing-iling ako habang natatawa sa nabasa kong mensahe nito pagkatapos ay agaran akong nagtipa.
YOU ARE READING
Perilous Lady of Apollyon
ActionA LADY WITH A FIERY AND DANGEROUS CHARACTER. MESS WITH HER AND YOUR LIFE WILL BE IN DANGER. Hellarian Achlys, is a certified badass girl. She's always been kicked-out in different schools for being a troublesome and ill-tempered lady. Because of her...