CHAPTER 09

654 45 18
                                    

H E L L A R I A N 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N 

   Nakatayo ako ngayon sa daanan, papasok sa loob ng Stygian Forest. Ito ay matatagpuan sa Morana Street, ang ika-apat na kalye rito sa SDU.

Naka-puyod ang aking buhok. Nakasuot ako ng itim na leather jacket at itim na leggings, pinaresan ko ito ng itim na lace-up boots. Nakatakip din ang bibig ko ng itim na tela. Sa kaliwang hita ko ay may nakakabit na thigh pocket holster—rito nakalagay ang mga dagger.

Madilim na ang kalangitan subalit kita ko pa rin ang masukal na lugar na aking tatahakin dahil sa liwanag na ibinibigay ng bilog na buwan. Kung pagmamasdan nang maigi ay para lamang itong pangkaraniwang kagubatan na talaga namang nakakapagpanindig-balahibo dahil sa mapanglaw na paligid nito. Idagdag pa na sa loob nito’y may naghihintay na panganib.

Matatayog at mayayabong mga puno ng pino, katamtamang taas ng mga damo, iba’t-ibang uri ng halaman, naghahabaang mga baging, at dalawang oak-trees ang makikita sa nagsisilbing entrance ng gubat.

Maglalakad na sana ako papasok sa loob nang makarinig ako ng mahihinang yabag na sa tingin ko’y papunta rin sa gawing ito kaya mabilis akong umakyat sa itaas ng malaking puno.

I saw a woman with a braid hairstyle, wearing a coffee brown hoodie and black leggings. Hindi ko mas’yadong maaninag ang mukha nito sa kadahilanang medyo nakatalikod ito sa ‘kin.

Nagpalinga-linga ito na tila kinukumpirma kung may tao ba sa paligid hanggang sa huminto ang paningin nito kung saan ako nagtatago. Pasalamat na lamang dahil madilim na, at malabong makita niya ‘ko rito dahil sa malalagong dahon ng puno.

Pero teka...

Pamilyar ang itsura niya.

Nang tuluyan itong humarap sa gawi ko ay roon ko nakumpirma kung sino ang babaeng ito.

Hayila. Again.

“What the heck is she doing here?” bulalas ko.

Nang makita niyang walang tao ay dagli-dagli itong pumasok sa gubat.

Biyernes ngayon, indikasyon na ngayon ang araw ng tinatawag nilang, ‘The Friday Night’—ang gabi kung saan mas nagiging mapanganib ang gubat. Balak ba niyang isugal ang buhay niya? Tsk.

Naalala ko ang pag-uusap nila ni Dean Roger sa Dean’s Office. Ibig sabihin lamang no’y sinuway niya ang pagbabawal ni dean sa kaniya.

Naghahanap ata ng kamatayan ang isang ‘yon. Sana sinabi na lang niya sa ‘kin, para ako na ang gagawa no’n para sa kaniya,’ sarkastikong saad ko sa aking isipan.

I noticed someone was hiding in the woods, watching Hayila’s every move. Isa rin itong babae.

Mukhang sinusundan nito si Hayila dahil pagpasok na pagpasok ni Hayila sa loob ay patago itong sumunod. Nakasuot ito ng itim na t-shirt kung kaya’t nakita ko ang kutis nito. Bago ito pumasok sa gubat ay nahagip pa ng aking mga mata ang kaliwang braso niya, may gasa ito at halatang sariwa pa ang sugat niya sapagkat nakita ko ang matingkad na kulay pula mula roon. Ang tindig din nito ay kapareho ng isa sa mga naka-engkwentro ko.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now