WARNING: Ang part na ito ay kathang-isip ko lamang kaya’t kung ano man ang inyong mababasa ay hindi ko alam kung talaga bang nangyayari sa totoong buhay o maaaring may pagkapareho sa scoring technique ng ibang klase ng martial arts. Gawa-gawa ko lamang din ang mga scoring and techniques. Kung ano man ang mababasa n’yong line ay pasensya na rin po, bigla na lamang pong nakisali ang dark humor ko.
···•···
H E L L A R I A N
Nagising ako dahil sa kaunting takas ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Rinig na rinig ko rin mula rito sa loob ng silid ang huni ng mga ibon na nanggagaling sa labas ng nakabukas na bintana.
Napatingin ako sa katabi ko nang bigla itong gumalaw upang talukbungan ng kumot ang kaniyang mukha. Ngayon ko lamang napansin na napagigitnaan pala ako ng dalawa kong kapatid, sina Haiden at Kuya Helios.
Dahan-dahan akong umupo at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Hindi ko alam kung kanino sa dalawang ito ang silid na ito sapagkat wala naman akong nakikitang kahit anong litrato sa paligid, bukod sa isang picture frame naming magkakapatid na nakasabit sa dingding.
Napatingin ko sa malaking orasan sa pader, ala-sais na pala ng umaga.
Walang ingay akong umalis sa kama upang hindi magising ang dalawa pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo nitong silid upang mag-ayos ng sarili.
Naalala ko na nakatulog nga pala ako kagabi sa rooftop—siguro’y rito na ako dinala ng mga kapatid ko nang mapansin nilang nakatulog na ‘ko kahihintay sa kanilang matapos.
Well, masasabi ko namang ‘ayos lang’ ang nangyari kagabi. Nakita ko ang other sides ng mga kaklase ko. Masaya, subalit hindi pa rin talaga maiiwasan na hindi ko makakasagutan sina Fynn at Bryant kapag nagkakasama kami.
Hindi ko rin talaga maintindihan sa dalawang ‘yon kung bakit ang init-init ng ulo sa ‘kin. . . Pero sabagay, kahit ako rin nama’y naiirita sa kanila. Makita ko pa nga lang ang pagmumukha nilang dalawa ay nasisira na ang araw ko.
Matapos kong mag-ayos ng sarili ay napagdesisyunan kong lumabas na sa silid na ito.
Pagkasaradong-pagkasarado ko sa pinto ay roon ko nalamang kay Kuya Helios pala ang kuwartong iyon—may nakaukit kasing pangalan niya sa pinto.
I started walking towards their kitchen. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkauhaw.
Pagkarating ko sa labas ng kusina nila, namataan ko ka’gad ang pigura ni Darius. Nakaupo ito sa isang upuan sa may hapagkainan habang tahimik na sumisimsim ng kape. Nakatingin din ito sa malayo, tila may malalim na iniisip.
Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya. Kinuha ko ang isang basong nasa mahabang lamesa at nilagyan ito ng tubig saka ko ito ininom.
Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagdapo ng tingin nito sa ‘kin.
YOU ARE READING
Perilous Lady of Apollyon
ActionA LADY WITH A FIERY AND DANGEROUS CHARACTER. MESS WITH HER AND YOUR LIFE WILL BE IN DANGER. Hellarian Achlys, is a certified badass girl. She's always been kicked-out in different schools for being a troublesome and ill-tempered lady. Because of her...