PROLOGUE

3.2K 130 60
                                    

WARNING: You may encounter; grammatical errors, typos, vulgar or bad words, harsh words, and brutal scenes. Ang katangian ng bida ay hindi kaaya-aya kaya huwag gagayahin.

···•···

Sa unang pasok mo sa paaralan, naranasan mo na bang magkaroon ng mga kaklase na hindi ka kayang talikuran? Naranasan mo na bang magkaroon ng mga kaklase na handa kang tulungan? ‘Yung tipo ng mga kaklase na laging nasa tabi mo, handa kang damayan at gabayan. Mga kaklase na handa kang suportahan. Mga kaklase na handa kang ipagtanggol at handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.

Well, kung ako ang tatanungin? Oo ang sagot ko. Naranasan ko ng magkaroon ng ganoong mga kaklase. Hindi lang sila basta-bastang naging kaklase lang, kun’di kaibigan ko sila at tinuturing ko na rin silang parang isang pamilya. Naranasan kong magkaroon ng mga kaklase na handang makipagpatayan. Mga kaklase na handang magtulungan. Sa ngayon.

 “So, kayo pala ang bumugbog kay Jiroo?” malamig na tanong ko habang mariing tinitignan isa-isa ang pagmumukha nila.

Nasaan ‘yung tarantadong leader nila?

“Nandito na pala si Jiroo-ng lampa,” mapang-insulto na wika nitong lalaki sa harapan ko at nakipag-apiran sa katabi niya, bago sila buong magkakaklaseng tumawa nang malakas.

Kunotnoo ko silang pinagmasdan na patuloy pa rin sa paghalakhak.

Sa totoo lang, para silang mga timang kung tumawa. Nakakairita. Nakaririndi sa pandinig. Sa sobrang pagkarindi ko’y gustong-gusto ko ng tahiin ang kanilang mga bibig hanggang sa hindi na sila makatawa at makapagsalita pa.

Susugurin na sana ni Jiroo ang mga ito nang iharang ko sa harap niya ang aking braso at tinignan siya, pinapahiwatig na ako nang bahala rito. Tumingin din naman siya sa akin at marahang tumango.

Ibinaling kong muli ang aking paningin sa kalalakihang ito na ngayo’y tumigil na sa pagtawa at ngingisi-ngising nakatingin sa amin.

Sarkastiko akong tumawa. “Eh, ano ka pa kaya?” insulto ko rin sa kaniya at ipinilig ko ang aking ulo pakaliwa bago siya tinignan mula ulo hanggang paa.

Not bad! Malaki ang pangangatawan pero baka kapag sinapak ko ‘to, tumba agad.

Isang ngising nakaloloko ang pinakawalan ko sa aking labi na s’yang ikinainis niya.

“Ang yabang mo, ah!” inis na bulyaw niya sa akin.

Psh! Gano’n pa nga lang ang ginawa ko, nainis na siya. Paano na lang kung mas matindi pa ang ginawa ko, e’ di nag-a-alboroto na siya sa galit?

Nang-aasar akong tumawa. “At least, ako, kahit mag-yabang, may ibubuga. Eh, ikaw? Anong kaya mong gawin bukod sa kumuda nang kumuda?” nakangisi kong wika, gamit ang maangas na pananalita.

“Fvck you! Eh, ano kung binugbog namin s’ya, ha? May magagawa ka ba?” maangas na tanong niya, pilit tinatakpan ang pagkainis sa ‘kin.

Nginisian pa ‘ko nito nang mapang-asar dahilan para bumalik sa pagiging seryoso ang aking mukha.

“Bakit n’yo ginawa ‘yon?” tanong ko habang seryoso silang tinitignan. Alam ko at ramdam ko sa aking sarili na nagsisimula ng kumulo ang dugo ko sa maaaring maging sagot nito sa akin.

Ayusin mo lang magiging sagot mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo,’ naghihimutok kong saad sa aking isipan habang siya’y tinitignan ng matiim.

“Kasi trip namin. Angal ka?” maangas na sambit ng gago habang nakangisi.

Nanggigigil ang buong kalamnan ko sa kaniya. Gusto ko ng baragin ang pagmumukha niya ngunit hanggang maaari’y pinipigilan ko ang aking sarili upang hindi mapaaga ang pagpunta niya sa hospital.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now