CHAPTER 08

786 65 41
                                    

H E L L A R I A N 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

H E L L A R I A N 

   Napatingin ako sa pinto ng Dean’s Office nang ito’y dahan-dahang bumukas. Iniluwa nu’n ang nakayukong si Hayila na tila hindi napansin ang aking presensya sapagkat panay lamang ito sa pagpahid ng kaniyang luha sa pisngi.

Iniisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Tumikhim ako upang makuha ang atens’yon nito na s’ya namang ikinaangat ka’gad ng kaniyang ulo. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako, at saka ito ngumiti sa ‘kin ng tipid bago dali-daling gumilid. Hindi ko na siya tinignan pa, dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina.

Narinig ko ang mga yapak nito palabas at ang pagsara ng pintuan.

Tinungo ko ang mini sala nitong D.O. kung saan naroon si Dean Roger na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nabaling ang paningin nito sa ‘kin na inismiran ko lamang. Umupo ako sa mahabang sofa; hinagis doon ang aking bag; at pabasag na umupo.

I’m tired.

“Mukhang pagod na pagod, ah? Wala ka naman atang ginawa,” natatawang panimula niya kung kaya’t napa-‘tsk’ ako.

Meron kaya akong ginawa. . .

Matulog sa klase.

“Narinig ko ang pag-uusap ninyo,” pag-amin ko; nakatingin sa kaniyang mga mata ng diretso.

Umiwas siya ng tingin. Mayamaya’y tumingin ito sa ‘kin ng may ngisi sa kaniyang labi, saka ito nagsalita, “Eavesdropping, ha?”

“Well, I’m not. ‘Sobrang hina’ po kasi ng mga boses ninyo kaya rinig na rinig ko,” puno ng sarkasmong saad ko rito.

Natatawa itong tumingin sa akin. “Fine. Ano bang gusto mong malaman?” tanong niya. Napangisi naman ako. Good for him! Alam na ka’gad niya ang gusto kong ipahiwatig.

“Ano ‘yung Stygian Forest?” mausisang tanong ko ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong ko ay tinawanan lamang ako ng loko. “What are you laughing at?” iritableng tanong ko habang nakataas ang kilay. Pinag-cross ko ang aking mga braso at ipinatong ko rin ang dalawa kong paa sa maliit ngunit babasaging lamesa.

“Hindi ko kasi alam na chismosa ka na pala ngayon.” Nagtaas-baba ang kilay nito na animo’y inaasar ako.

“Aw! Hindi ko rin naman alam na kailangan pa pala kitang i-inform,” sagot ko naman rito, nakangiti sa kaniya ng sarkastiko.

“So, chismosa ka na nga talaga?” kunwaring hindi makapaniwalang tugon niya. Nakahawak pa ito sa kaniyang bibig na tila’y nagulat sa kaniyang nalaman.

“So, interviewer ka na pala?” bawi ko naman rito. Ngumiti pa ‘ko lalo sa kaniya na halos sumingkit na ang aking mata. “Hindi mo na ba alam ang pinagkaiba ng chismosa sa curious, ha?” dagdag ko.

Perilous Lady of ApollyonWhere stories live. Discover now