14

78 0 0
                                    

Akala ko wala na talagang pag-asa para sa aming dalawa ni Máron and looking back at it, I never really thought that this will be possible with him right now.

He got into so many on and off relationships. He got engaged twice. First to the woman that I thought he will finally end up with and second to the woman that his family wanted for him.

But.. in the most very unexpected time, instead of leaving me just like what I wanted him to do.. he pursued me.

Tandang tanda ko pa nga kung paanong nasaktan ang puso ko noong nalaman kong magpapakasal siya sa babaeng una niyang minahal at kung paanong pinagtabuyan ko siya nang paulit ulit.

(Flashback..)

"Girl! Alam mo na ba ang tungkol dito?"

"About what?" Kunot noo kong tanong kay Chanri

"Eto oh." Aniya saka pinakita ang cellphone niya kung saan may live streaming nang isang showbiz news.

"Breaking News!!! Lampros Clan Heir ikakasal na sa isang international model! "

"CEO of Lampros Empire, Mr Volter Lampros just got engaged to Yana Milano the young and famous international model which was said to be the long term girlfriend of him. Narito ang live footage sa naturang engagement party na nangyayari  ngayon."

Nang makita at marinig yon ay hindi ko nakuhang gumalaw manlang at kasabay non ay masaganang tumulo ang mga luha ko habang naninikip rin ang dibdib ko.

Akala ko tanggap ko na. Akala ko kaya kong makita at masaksihan na nagtatanong siyang pakasalan ang ibang babae pero hindi pala. Hindi ko kaya ang nakikita ko dahil sobrang sakit pala. Sobrang nakakapanghina pala pero paano pa kaya kapag oras na nang kasal niya?

Kasi naman! Bakit ba sa lahat nang lalaki sa mundo ay sa kanya pa talaga ako nahulog nang sobra sobra?

"Girl.."

"Haha! Sabi na nga ba at siya parin talaga hanggang ngayon. Tsk! Tama lang talaga ang desisyon kong layuan siya nang tuluyan kasi kapag pinagpatuloy ko pa ang pagkakaibigan namin ay masasaktan at masasaktan lang ako nang sobra sobra kasi hinding hindi niya ako mamahalin pabalik!" Umiiyak at tumatawang sambit ko habang pilit naman akong inaalo ni Chanri.

"Bakit ganon Cha? Bakit lagi nalang akong ganito? Hindi ba pwedeng hindi ko nalang to maramdaman ngayon? Ang sakit sakit kasi eh! Gusto ko lang namang sumaya pero bakit ganito?? Bakit ang malas malas ko sa mga taong minamahal ko? Bakit!!"

"Shh..tahan na Niques..malalagpasan mo rin to at nandito lang ako para sayo. Siguro ay mayroon talagang totoong taong nakalaan para sayo at hindi siya yon."

"Nakalaang tao para sa akin? Hah! I don't think so! Ayoko nang maniwala sa bagay na yon kasi lagi lang akong nabibigo sa huli!" I said then I cried my heart out until I felt so numb.

Ginusto kong masaktan kaya dapat kong panindigan ang desisyon kong layuan siya kasi yon ang kailangan. Nakakapagod na kasing umasa nang paulit ulit.

Instead of doing my usual overtime ay umuwi nalang ako dahil hindi na talaga ako makapagtrabaho pa nang maayos.

Pero..sa halip na sa sarili kong penthouse umuwi ay dinala ako nang mga paa ko sa dug-out at doon ay pinagpatuloy ko ang pag-iyak.

D*mn this tears! Bakit ba hindi to matigil tigil sa kakatulo?? Lord! Paano ko ba makakalimutan ang lalaking yon?

Para pansamantalang maibsan ang sakit na nararamdaman ko ay agad akong kumuha nang beer at ininom ito. Pero, hindi ko paman ito nangangalahatian nang biglang may umagaw nito sa akin. At nang tingnan ko kung sino ay agad bumakas ang gulat sa mukha ko

Waves of Love Series 3: Colliding Waves (Tremendous Love)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon