AMARA POV
Maaga kaming pumunta nina Mommy and Daddy sa Hospital kung saan nakaadmit ang kakambal ko. Nasa likod lang nila ako.
Pagpasok sa kwarto, nakita ko agad ang kakambal ko na nakahiga sa kama, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa kalagayan nya ngayon, may benda sa ulo, naka cast ang leeg, kay daming aparatong nakakabit sa kanya, and dami nyang sugat sa mukha, braso maging ang kanyang paa ay nakasemento din.
Sobrang laki ng naidulot na aksidente sa kapatid ko. Hindi ko akalain na nagyari ito sa kanya.
Umupo ako sa upuan at inilapit ito sa kanya at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
"Sis ano na, ano ganyan ka nalang, sarap buhay mo ah pahiga- higa ka lang" natatawa kong wika. Napatawa na rin sila Daddy at Mommy.
Nakipagkwentuhan ako sa kanya, kahit hindi sya umiimik , tuloy parin ako sa pagkukwento sa kanya, dahil sabi ng Doctor mas mabuti at makakatulong kay ate kung palagi syang kinakausap. Kahit hindi sya sumasagot sa akin alam kong naririnig nya ako.
Nanatili pa ako ng ilang oras sa hospital bago ako nagpaalam. Hinalikan ko muna si Amari ganun din sina Mommy and Daddy bago umalis.
Kailangan ko pang kuhanin ang aking schedule at bumili ng gamit dahil bukas ay first day of school na. Nag enroll na ako online nung nakaraan para no hassle. Ayoko pa naman makipagsiksikan, paniguradong maraming estudyante dahil kilalang unibersidad yun.
After 20 minutes nakarating na rin ako.
RAINBOW HIGH UNIVERSITY
Basa ko sa pangalan ng School.
Pagpasok ko pa lang. Makikita mo na agad kung bakit napakadaming estudyante ang gustong mag aral dito. Napakaganda, hindi mo aakalaing school dahil sa mga structure ng mga building. May napakalawak ng ground, madaming puno na pwede mong tambayan kapag vacant mo. May mahabang hallway bago ka makapasok sa mismong buiding. Yung school parang yung napapanood ko sa mga korean novela.
Hindi ko rin naman masisisi ang mga estudyante kung bakit gusto nilang dito pumasok, bukod sa maganda ang environment, maganda ang education system dito. Sa katunayan No. 1 ang Rainbow High University sa pinaka maganda at mahusay na paaralan sa buong Pilipinas.
Tumatanggap din sila ng halos 1000 student to be their scholar, yun nga lang may kahirapan ang mga test na sasagutan mo , but becoming a scholar under this school appears to offer a complete package of financial support, covering tuition, living expenses, and accommodation. This not only facilitates access to education but also promotes a more conducive and supportive environment for the academic and personal growth of the scholars.
So balik tayo sa kwento ko,
Habang naglalakad ako, ramdam ko ang masarap na simoy ng hangin na nagiging dahilan ng pag alon ng aking buhok. Wow, this is what i need , fresh air, may fresh pa sayo , char HAHAHAHAH
Lakad lang ako ng lakad dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Bakit ko nga ba nakalimutan yung hard copy ko ng map ng school na ito.Asan na ba kasi dito ang registrar office?
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong Tatlong babae, mukang mga teacher dito, nakatalikod sila kaya di nila ako nakikita , binilisan ko pa ang lakad ko para maabutan ko sila at makapagtanong narin.
"Ah excuse po Maam" nakangiti kong tanong dun sa isang babaeng medyo maikli ang buhok, maganda rin sya pero mas maganda parin talaga si Ellie.
Wtf, bakit sya nasali dito, erase erase erase
Dun lang ako bakafocus sa babaeng maikling buhok, kaya diko nakikita yung dalawa nyang kasama.
"Yes Miss, How may i help you" Nakangiti nyang wika, meron din syang dimple katulad ni Ellie
YOU ARE READING
BETRAYER OF MY HEART [Prof x Student]
RomanceSINGLE MOM SERIES #1: BETRAYER OF MY HEART Xia Amara Garcia Flores x Ellie Maddison Vergara "I trusted you , but now your words mean nothing to me , because your actions spoke the truth, and believing you was the worst thing I've ever done"