KABANATA 2

38 1 0
                                    

Amara POV


"MAMA"


"MA"


"MAMA"


Paalis na sana ako ng mapansin kong may pumipigil sa laylayan ng suot kung dress. Noong tingnan ko, ito yung bata na nasa kabilang lamesa. 

Ako pala tinatawag nya , pero wait wala pa naman akong anak

Takang tiningnan ko ang bata.

"Mama" muling tawag nya sa akin

Tinuro ko pa ang sarili ko para masiguradong ako ang tinatawag nya. Cute na tumango sya.

Ang cute nya talaga, akin ka nalang baybe.

Alanganin akong tumingin at nagsalita "Yes po, ano yung baby"

"Mama"

Napansin ko na hindi nya kasama yung Mommy nya . Nag CR siguro. 

Asan na ba yun?

Titig na titig sya sa akin , na tila kinikilala nya pa , tapos biglang ngumiti sya, kaya naman lumabas ang dalawang dimple nya sa pisnge. Napakaganda ng batang ito, ganda siguro lahi ng magulang..

Palahi kaya ako , joke lang hahahahaha

Kulot ang buhok nya na hanggang balikat. Nakasuot sya ng yellow na dress na sobrang bumagay sa kutis nya. May hawak syang teddy bear na maliit at nakasukbit sa kanyang balikat ang pink nyang bag. 

"You're my Mama" tila sigurado nyang wika

Umiling ako " No baby I'm not your Mama" 

Nalungkot ang kanyang mukha at ilang oras na lang ay iiyak na sya. At hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang syang pumalahaw ng iyak. Napapatingin na sa gawi namin ang mga taong nasa loob ng store. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ibinaba muna ang mga gamit ko sa lamesa at binuhat sya.

Isinubsub nya ang kanyang mukha sa leeg ko "Hush baby, dont cry " pagpapatahan ko sa bata.

Maya-maya.......

"Mia"

"Mia"

Napansin ko yung babae kanina na tila may tinatawag. Wait syang yung ina ng bata.

Itinaas ko ang kamay ko at kumaway sa kanya "Here"

Agad nya namang napansin ako. 

"Mia"

Tila narinig ng bata ang boses ng kanyang ina, dahil bigla na lang itong bumangon mula sa pagkakasubsob sa aking leeg.

Ibinababa ko sya mula sa pagkakabuhat ko at tumakbo yung bata sa kanyang Mommy.

"Mommy" sabi nung bata na tila nagsusumbong sa kanyang Mommy.

May pinaguusapan sila pero diko na sila marinig dahil lumayo sila mula sa pwesto ko.

Napansin kong tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko itong tiningnan . Nag text na pala yung driver ko . Binuhat ko muli ang aking mga gamit ko. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ng biglang may humablot sa kamay ko. Unang hawak nya palang sa akin parang lilibong bultahe na ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

It's that what they called spark. Pero hindi pwede babae sya at babae din ako. Hindi naman ako Homophobic pero .. ay basta

Hindi ko pa ito nararamdaman sa kahit kaninong mga manliligaw ko, bukod tanging sa kanya lang. Hindi ko din alam kung ang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Miss wait" 

Humarap ako sa kanya. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam na sya ang may kagagawan. Tila na estatwa ako ng makita ko sya sa malapitan. Sobrang ganda nya rin, sa kanya siguro nagmana yung anak nya. Kulot din ang kanyang buhok, mahahabang pilikmata, matangkad pero mas matangkad parin ako, parehong may dimple ang pisngi at higit sa lahat sexy hindi halatang may anak na.

Bumalik lang ako sa wisyo ng tinawag nya ulit ako.  

"Miss, Im sorry" hingi nya ng paumanhin.

"No it's okay, maybe your daughter misses her another mama, kaya napagkamalan nya ako" 


Nang ibaling ko ang aking paningin sa kanya, iba't ibang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata, lungkot, pangungulila at higit sa lahat PAGMAMAHAL.

Pagmamahal, imposible dahil ngayon ko lang sila nakita. 

Ewan ko ba  kung bakit dama ko yung lungkot nya, lalo na yung lungkot na makikita sa mata ng bata. Bakit parang gusto ko palagi silang nakikitang masaya at higit sa lahat gusto ko ako yung magiging dahilan para bumalik yung saya sa mukha nilang dalawa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Kailangan ko na bang magpatingin sa Doctor.

Oh my God!! Na-love at first ba ako.... No..no, erase .. hindi pwede to

Matapos ang 10 years na pakikipagtalo ko sa isip ko at bumalik na rin ang wisyo ko, agad akong nagpakilala sa kanya. 

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya para magpakilala "Xia Amara nga pala but you can call me Amara" 

Nakatitig lang sya sa kamay ko ng tila walang balak na abutin, ng akmang ibaba ko na ay bigla nya itong hinawakan. Ito na naman ang pakiramdam ng mahawakan sya, andun parin ang kuryente at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko na tila tumakbo ako ng ilang kilometro.  

"Ellie Maddison and this my daughter Mia" sabay baling sa kanyang anak na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa akin. 

"Hi Baby Mia, Im your Tita Amara " wika ko sabay smile sa kanya

"Hello po Tita Amara, Im sorry po kanina" 

"No it's okay baby"

Ramdam ko na rin ang pag vibrate a cellphone ko mula sa bag ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito nararamdaman. Pakiramdam ko kasi ayaw ko silang iwan, parang gusto ko pa silang makasama. Nalilito na ako sa nararamdaman ko hindi ko alam kung tama pa ba ito. Sinasabi kasi ng isip ko na umalis na kasi hindi ko naman sila kilala, pero salungat ang gusto ng puso ko dahil ang gusto na puso ay manatili muna at makasama sila. 

Tama pa ba itong nararamdaman ko, dahil kung mali bakit ang sarap sa pakiramdam. 

"Ahmmmm, i have to go kanina pa kasi ako iniintay ng driver ko" pagpapaalam ko sa kanila

"Okay, nice meeting you Amara, Im sorry ulit kanina" 

Ngumiti lang ako sa kanya at saka hinarap ang batang buhat buhat nya . 

"I have to go na baby, see you when i see you, hayaan mo makikita mo rin ang Mama mo, okay" pangungumbinse ko sa kanya " You better smile baby , because your beautiful when you smile, just like your Mom" 

Pareho kaming nagulat dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman maiwasang mamula dahil sa kahihiyan. 

My God Amara wala talagang kafilter filter yang bibig mo

Kumaway na lang ako sa kanila, dahil ayoko na magtiwala sa bibig ko dahil baka kung ano na naman ang masabi . 

Bago ako pumasok sa sasakyan at lumingon muli ako sa gawi nila. Nagulat ako na nakatingin parin sila sa akin. Kumaway na lang ulit ako. Hindi ko maiawasang mapangiti ng ikaway ni Mia ang maliit nyang kamay..

Hayyyy sana magkita ulit kami, bye for now Ellie and Mia....


______________________

AN: Hindi ko alam kung tama yung grammar ko , pag pasensyahan nyo na pagmali hahahaha




BETRAYER OF MY HEART [Prof x Student]Where stories live. Discover now