KABANATA 36

3 1 0
                                    

KABANATA 36

MABILIS\*\*\* na naglakad patungong elevator si Bethany paakyat sa kanyang unit. Hindi na sya nag dine in sa restaurant na iyon sa ibaba kahit pa gustong gusto nya na tumambay muna doon. Sobrang bait kasi ng mga staff ng restaurant na iyon kaya naman expected na nya na maya't maya ay may eentertain sa kanya. Natutuwa sya doon pero wala sya sa tamang pagkakataon para makipag usap sa ibang tao ngayon, nasasaktan pa rin sya. 

Pero bakit naman ba sya nasasaktan? \*\*\*Ano ba sya ni Teyrone?\*\*\*

But he kissed me..

He let me paint him naked..

He told me those magical words.. \*\*\*i love you\*\*\*

Para saan 'yung mga 'yon? Laro lang rin ba 'yon?

Walang kabuhay-buhay na naglakad si Bethy patungo sa kanyang unit ng marating ang floor na kanyang paroroonan. Bitbit-bitbit nya ang tinake-out na pagkain mula sa ibaba. Nanag makapasok sa loob ng kanyang unit ay bagsak katawan syang naupo at sumandal sa sofa saka inilapag sa table ang dala-dala. 

Nagugutom na sya ngunit hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang nakita nyang tagpo kahapon sa reception. Naguguluhan na sya sa kanyang sarili. Aminado syang hindi mahirap mahulog kay Teyrone dahil napaka ideal type nito. Noong unang pagkikita pa nga lamang nila sa party ng kanyang kaibigang si elison ay nakaramdam na sya ng kaunting paghanga sa binata, ngayon pa kayang halos ituring syang prinsesa nito. \*Hindi kaya mahal nya na ang binata?\*

Umayos sya ng upo at sinimulang ilabas ang mga pagkaing kanyang binili. \*\*\*He treated me like his princess, but he's happy \*\*\* \*\*\*yesterday even without her..\*\*\*

Talaga bang pagpapaubaya na lamang ang role nya sa mundo?

Napairap na lamang sya sa hangin saka nagpasyang simulan na lamang ang pagkain ngunit hindi pa man sya nakakasubo ay agad na tumunog ang kanyang buzzer. Kunot noong sinulyapan na ang pintuan ng kanyang unit. Agad syang tumayo at dinako ang pintuan. Hindi nya na makita sa screen kung sino ang tao roon dahil pina-off nya na iyon sa maintenance ng building dahil napaparanoid sya sa kakapanuod nya ng horror movies.

Bahagya nyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakatayong si Teyrone, may dala-dala itong red box. Agad na sumeryoso ang kanyang mukha.

“Oh! You're going to pick up the painting? Wait a few. Excuse.” muli nyang isinara ang pintuan.

Hindi naman agad nakahuma si Teyrone dahil agad itong isinara ng dalaga. Nagulat pa nga ng bahagya ang kanyang ina na nagtatago sa gilid upang hindi makita ni Bethany. Sumama kasi ito upang kausapin ang dalaga at humingi ng pasensya. Kung ganoon ay galit nga ang dalaga sa kanya dahil ni ang pag-alok na pumasok sya ay hindi nito ginawa. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at agad na inilapag ni Bethany ang nakabalot na painting, gaya noong ipinangako nito matapos syang ipinta ng dalaga.

“Heto, hindi mo kailangang magbayad. Pasasalamat ko na lang 'yan sa lahat ng effort mo pa—” hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang magpakita ang ina ni Teyrone.

“H-hi Bethany!” her mom giggled ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang hiya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Bethany ng biglang sumulpot ang ina ni Teyrone na si Delaney.

“T-tita.. t-tuloy po.” binuksan nya ng malawak ang pintuan. Bumeso lamang sya sa ginang at iginaya na sya nito sa loob samantalang hindi naman nya tinapunan ni segundong sulyap si teyrone at iniwan ito doon na nakatayo.

“Teyrone! Ano pang hinihintay mo jan? Paano natin kakausapin si Bethy kung nanjan ka?”

“She didn't let me in.”

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon