KABANATA 38

2 1 0
                                    

KABANATA 38

PAGSAPIT\*\*\* pa lamang ng alas nueve ng gabi ay maraming fireworks na ang syang bumibida sa kalangitan. Mangha namang nanunuod si Bethany mula sa top deck ng yate. Madilim ang paligid at tanging mga fireworks lamang ang syang nagliliwanag sa gabing iyon. Halos mapaigtad si Bethy ng maramdaman ang mainit na bisig ni Teyrone na yumakap sa kanya mula sa likuran.

“Nagustuhan mo ba ang surprise ko?” he whispered.

Bethy smiled. “Thank You Teyrone. Gumastos ka pa talaga ah.”

Teyrone kissed her on her shoulder bagay na nagbigay ng kiliti sa buong katawan nya. “Willing ako gumastos at bumili ng ticket kahit saang bansa just for you baby. I want to make sure na magiging masaya bonus na lang na ako na ang nasa puso mo ngayon.”

Natawa naman si Bethany. “Namimiss ko 'yung pagiging down to earth mo Teyrone. Nitong mga nakakaraan kasi parang super confident ka na sa sarili mo.”

Bigla namang bumitaw si Teyrone sa pagka kayakap sa kanya dahilan para magtaka sya at harapin ito. “Masyado na ba akong naging boastful baby?”

“No. That's not what I mean. Hindi naman in a bad way ang ibig kong sabihin doon. Let's just say na siguro kasi noon torpe ka pa.”

Napahawak naman si Teyrone sa batok. “Kasi ayoko na sayangin 'yung moment ko e. Gusto kita Bethy. Gustong gusto kita noong una pa lang na magkita tayo. Noong kinu kwento ka pa lang sa akin ni Elison at iniimagine ko pa lang ang mukha mo base sa mga description ni Elison atat na atat na akong ma-meet ka. Mula ng ikwento ka sa akin ni Elison wala na akong ini-date na ibang babae kasi ang gusto ko lang ng mga panahon na 'yon ay ang ma-meet ka, kaya nung dalhin ka ni Elison sa table kung nasaan kami ni mommy doon ko naramdaman 'yung feeling na parang sasabog 'yung puso ko sa kaba. Medyo nakaramdam pa nga ako ng panghihinayang ng hiramin ka ng kaibigan mo kasi akala ko maisasayaw kita or makakausap ng mas matagal pa. You look stunning that night of all girls that I've dated before sa'yo lang ako humanga ng ganon. Kaya inumpisahan ko sa pagbisita sa'yo. Wrong timing ako 'non pero kinausap mo pa ren ako kahit na suspended ka sa trabaho. Ngumingiti ka ng totoo sa akin kahit pa may problema ka and you look more prettier without a make up.”

Nananatili lamang na nakatitig si Bethany sa nagpapaliwanag na binata. Pinipigilan nyang matawa sa mga confession nito.

“Nung ako ang tinawagan ni Jiyan ng gabing malasing ka sa bar. Tuwang tuwa ako at hindi sinasagot ni Elison ang tawag kaya ako ang hiningian ng tulong ni Jiyan. I really hate drunk woman, pero pagdating sa'yo willing akong bantayan ka 24/7 just to make sure you're okay. Hindi ako sigurado noon sa mapapala ko sa lahat ng ginagawa ko for you pero okay lang sa'kin 'yon baby basta makita kitang safe at masaya, masayang masaya na rin ako. Kaya 'nung malaman ko ang ginawa sa'yo ni Aid hindi ako nagdalawang isip na mag book ng flight pa-canada para lang kausapin sya na tigilan ka na. I punch him for you. Because I love you. I hate seeing you crying kaya kapag napapangiti kita parang tatagos 'yung puso ko sa bilis ng tibok. At y-yung garter na isinuot sa'yo ng pinsan ni Aleb.. i-ibinalik ko iyon sa kanya.” natawa naman si Bethy sa huling inamin ng binata. Kaya pala nawala ang garter na iyon sa hita nya.

She hugged Teyrone. “I love you too. Thank You Teyrone.” mas lalo pang humigpit ang yakap ng binata sa kanya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nagbukas ang ilaw sa yate na kanilang sinasakyan ganoon ren sa paligid at laking gulat ni Bethany ng makita ang nakahilerang floating cottage na isa-isa ring nagliwanag. Humiwalay sya kay Teyrone at nilibot ang paningin sa mga floating cottage kung saan naroroon ang mga kaibigan at pamilya ng mga ito na nakatayo at tila kanina pa nanunuod sa kanila. Nakita ren ni Bethany si Yunis na kasama ang ina ni Teyrone at kanyang ama na nanunuod sa ibaba ng yate. Nilingon nya ang binata para magpasalamat dito ngunit nanlaki ang mga mata nya kasabay ng paghiyaw ng mga tao roon. Lumuhod si Teyrone hawak hawak ang kulang pulang kahita.

Her tears started to fall. “Teyrone..”

“Alam kong ang bilis ko masyado, hindi ko alam kung paano kita liligawan but the only thing I am sure about is I kissed you not just once, and also pinilit kita na i-paint ako whole naked.. at mahal mo rin ako.. please say yes and I will court you everyday kahit pa maging kasal na tayo.” binuksan nito ang pulang kahita at tumambad sa kanyang harapan ang singsing na may heart ruby stone. Maliit lamang ito ngunit kitang kita nya ang pagkinang ng mga crystal sa paligid ng singsing.

She nodded in tears. “Ofcourse.. Y-yes.”

Isinuot ni Teyrone ang singsing sa kanya saka hinalikan nito ang kamay nya at agad na tumayos para yakapin sya. Napuno ng malalakas na hiyawan at palakpakan ang tahimik na dagat. Kasabay nito ang muling paglitaw ng magandang fireworks na nagsasabing SHE SAID YES!

“I love you so much it hurts Teyrone.. you're making me so much happy in tears.”

“If that happy tears will remind you of my love. I won't stop you. I am willing to be your crying shoulder. Thankyou for saying yes! Sobrang saya ko Bethany.” he kissed bethy's forehead.

“\*\*\*CONGRATULATIONS\*\*\*!” si Aiden ito kasama ang girlfriend na si Lizette na halatang halata na ang baby bump. Kinamayan nito si Teyrone.

She smiled at the couple. “Salamat. Hindi ko akalaing iimbitahan kayong lahat ni Teyrone. I thought his surprise was only the fireworks at hindi ko rin alam kung paano kayong napunta sa mga floating cottage na ito.”

“I told you Bethy.. Teyrone is willing to put an effort just to make you happy. You're so lucky. You two deserves each other.”

“Thanks man.” tinapik nito ang balikat ni Aiden.

“Bethy!” sigaw ni Jiyan na halos magtatakbo na sa atat na mayakap sya. “Oh god! I'm happy for you. Sinong mag-aakala na after ko ikasal ay susunod ka na ren pala? I thought magiging lonely ka for living alone sa unit mo knowing na sanay kang kasama ako. Tell me are you pregnant na ba?”

Nanlaki naman ang mga mata ni Bethany. “Loka! Anong pinagsasabi mo e nakita mong bantay sarado kami ni Papa.”

“Pupunta rin kami jan very soon..” dugtong pa ni Teyrone dahilan para mag tawanan sila roon.

Ilang sandali pa ay lumapit na ren sa kanila si Elison kasabay ni Ady na kasama ang nobya nitong si Alisha. “Hey! Congratulations! Meet my girl everyone.. Alisha.” nginitian at kinawayan sila ng babae.

Si Elison naman ay nakataas ang isang kilay habang iniinom ang champagne. “Hindi nyo naman sinabing couple party pala 'to. Sana masaya kayong dalawa. Don't worry I'm fine.. ako na ang susunod na ikakasal. Bethy remember pinakilala kita kay 

Teyrone.. sana naman 'wag mo ipagdamot sa akin ang bulaklak mo sa araw ng kasal mo.” niyakap nya si Bethany.

Nagtawanan naman ang mga naroon. “Teyrone do me a favor pwede bang kay Hyestin mo na lang ibigay ang garter?” mas lalo pang napuno ng tawanan ang cottage na iyon sa mga pinagsasabi ni Elison.

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon