KABANATA 11

4 2 0
                                    

KABANATA 11

Nakikinig lamang si Bethany sa Team Building Instructor, katabi nya si Elison na nasa left side nya habang si Jiyan naman na nasa right side nya ay katabi si Aleb na magka-angkla pa ang mga kamay.

Ilang sandali lamang ay nakita nyang tumabi si Aiden kay Elison. Magka-crossed ang kanyang mga braso ng bigla na lamang sumulpot mula sa likuran nya si Ady. Kung noong hindi nya pa nakikita pareho ang dalawa ay inaakala nyang iisa lamang ito.

Ngayon ay buong-buo na sa kanyang isipan na si Ady at Aiden ay magkaiba. Napatunayan nya ito ng habang nasa biyahe sila ay nag gitara si Aiden habang kumakanta, habang si Ady naman ay nabanggit sa kanya noon na wala itong talent kahit saan.

“Hi, okay ka lang?” nagulat pa sya ng ipatong ni Ady sa balikat nya ang dalawa nitong kamay. “Ops. Sorry akala ko sanay ka na sa presence ko.” bigla nitong inialis ang kamay sa balikat nya ng makitang nagulat sya.

She smiled. “Okay lang. Nabigla lang ako sa'yo.”
Muli silang nagbalik ng atensyon sa TB Instructor na nagpapaliwanag ng kanilang mga gagawin sa activities. Sinasabi ren nito ang mga Do's and Don't.

Nakita ni Bethany ang nagngangalit na panga ni Aiden na kaaalis lamang ng paningin sa kanila ni Ady. Hindi nya sinasadyang mapatingin kay Aiden kaya naman bigla syang nailang sa naging reaksyon nito.

\*Is he jealous?\* \*Oh god please 'wag nyo po akong hayaang madala ulit sa mga pa-caring at pa-selos reaction ni Aiden.\*

And the activities starts.

Sa ikatlong activity na gagawin nila. Kailangang by two's ang partner. Kinabahan si Bethany sa sinabing iyon ng TB instructor kasi what if maunahan sya sa mga kukunin nyang partner? Paano sya?

Tataas pa lamang sana ng kamay si Bethany ng magsalita si Jiyan.

“Sir. Si Aiden at Bethany po ang partner.” nanlaki ang mga mata ni Bethany sa isinigaw na iyon ni Jiyan.

\*No! Aayaw na ako e.\*

“S-sir. Napapag—” hindi na ulit nya natapos ang sinasabi nya ng pumito na ang TB instructor para ipaliwanag ang gagawin nila sa last activity.

Nakatayo na silang lahat magkakatabi ang magkakapareha. Ngunit sila ni Aiden? Hindi sya nakadikit dito na kagaya ng sa ibang magkakapareha. Wala na si Ady dahil pagod na raw ito.

May asthma kasi si Ady kaya naman pinagpahinga na muna sya sa loob.

Matapos ang pagpapaliwanag ay naglayuan muna ang bawat magkakapareha upang magplano sa kanilang gagawing activity.

Iritang irita si Bethany dahil lahat nang mag kakapares ay nag-uusap usap na pero sya ay nagsolo sa isang gilid at iniwan si

Aiden sa kabilang sulok ng beach na iyon.

“I thought partners are suppose to make a plan together. Bakit nag sosolo ka jan?” nakapamulsa si Aiden habang nakatitig sa kanya na nakaupo sa white sand.

Bethany rolled her eyes. “Hindi kita gustong makapareha. So make your own plan. Kaya ko ang sarili ko.” tumayo ito at akmang aalis pero hinila ni Aiden ang wrist nya.

“Don't go. Makinig ka. Here's our plan.”

“I already told—”

“Sumunod ka na lang wifey..” iginiya sya nitong muli paupo sa buhanginan.

“Bakit ba ang kulit kulit mo Aiden? Sinabi ko na sayong 'wag mo akong tawag—” nagulat sya ng hapitin nito ang kamay nya kaya naman napalapit ang mukha nya kay Aiden.

Halos dalawang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't - isa. Nakahawak ang kaliwang kamay ni Aiden sa likod ng ulo nya habang ang kanang kamay nito na nung una ay nakakapit sa wrist nya ay dumako sa kanyang bewang at hinapit sya palapit.

Nanlaki ang mga mata nya sa pagkakabigla. Hindi nya nagawang gumalaw kanina ng may konting espasyo pa sa pagitan nila dahil natatakot syang sa maling pag-galaw nya ay magdikit ang mga labi nila.

Ngunit kahit pala 'di nya gawin iyon ay maglalapat at maglalapat ang kanilang mga labi dahil sa ginawang pag-hapit ni Aiden sa kanya.

Ilang segundo syang nananatiling walang emosyon habang nagkalapat ang kanilang mga labi. Nananatili syang nakamulat ngunit parang nakalutang lamang ang katawan nya.

Naalala nya ang mga taong nasa pampang din ng nga oras na iyon kaya naman nagkaroon na sya ng lakas ng loob na makakilos. Itinulak nya si Aiden papalayo sa kanya.

Sa halip na magulat si Aiden ay nakangisi lamang ito. Tarantang tumayo si Bethany ng makitang wala ng tao sa pampang.

“Tapos na ang Activities okay? Yung last activity kanina. Pakulo lang 'yon. Gusto lang kitang masolo kahit sandali. Kinausap ko yung instructor at si Jiyan. That's why Jiyan suggested na tayo ang pag- partnerin. Don't you like the kiss?”

Bethany's eyes crinkled in anger. “Bastos! Paano mo natitiis magloko sa girlfriend mo? Ganyan ka na ba talaga? Akala mo kung sino kang gwapo? Ano bang akala mo hanggang ngayon patay na patay ako sa'yo kaya kaya mo akong halik-halikan kung kailan mo gugustuhin?” nagsimula ng tumaas ang boses ng dalaga.

Aiden sighed. “Calm okay. Hindi ko iniisip kung patay na patay ka sa'kin or what. Wala rin akong girlfriend. At hindi kita hinalikan dahil gusto ko lang.”

Bethany started to cry. “I don't care about you. Just don't ruin my life Aiden. Matagal ka ng wala rito bakit bumalik ka pa? And really? Until now nagdedeny ka pa rin kahit alam mong nakita kita sa hotel kasama yung babaeng humingi ng tulong sa'kin?”

Tumayo si Aiden ng makitang umiiyak na si Bethany. Madilim na ren dahil 7 p.m. na ng gabi. “Look. Hindi ko alam na nag-tatrabahonka sa hotel na 'yun. Hindi 'yun nabanggit sa akin ni Jiyan. Isa pa I'm not there dahil lang nag check-in ako para makasama ang babaeng 'yon. Dahil kung gusto kong may makasiping hindi ko na sya kailangang dalhin pa sa kung saan saan—may bahay ako. So hindi kagaya ng iniisip mo ang pakay ko kaya ako nandun.”

“Bakit ginagawa mo sa'kin to Aiden? H-hindi ka ba naawa sa'kin? Bakit pinaglalaruan mo ako?” Bethany wiped her tears.

“I thought hindi mo na ako mahal. But why are you reacting like that? Bakit hindi mo nalang amining mahal mo ako? Bakit kailangan mo pang umiwas at tumanggi?” Aiden's face was serious. Lalapitan sana nya si Bethany ng umatras ito.

“Don't ruin my life again Aiden. Leave me alone.” madiin na pagkakasabi nito saka tinalikuran si Aiden.

Hindi na napigilan ni Bethany ang pag-iyak na pinutol nya kanina. Habag na habag sya sa sarili nya. Pakiramdam nya hindi nya man lang naipamukha kay Aiden na hindi sya ganoon kapatay na patay rito para gawan sya ng ganon. Na hindi nya kailangan ang talipandas na iyon sa buhay nya.

She really hate Aiden so much. Kung maaari nya lamang patayin ito ay pinatay na sana nya ito sa sobrang galit.

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon