KABANATA 27

2 1 0
                                    

KABANATA 27

Isang linggo na ang nakalipas ng magsimulang magtrabaho si Bethany sa Alaez Grand Cruise Ship marami na syang mga nakilala sa Cruise Ship na iyon na akala nya ay noong una ay nakakatakot. Unang salang nya pa lang kasi ay maganda na ang pakikitungo sa kanya ng mga nauna sa kanya roon. Bagong salta sya ngunit may posisyon agad sya. Head receptionist sya sa Cruise ship na iyon at sa gabi naman ay naka-assign sya sa pagbabar tending na inenjoy nya dahil sa dami ng nadadagdag na trick sa kanya.

“Ms. Bethany naayos na po namin ang set up sa banquet hall. Heto po pala ang guest list. May isa pa pong list ihahabol na lang daw po mamaya.” ani ng babaeng receptionist na naunang makilala at maka-close ni Bethany sa ALAEZ GRAND CRUISE SHIP.

“Thanks Uneese. Magpahinga ka na muna. Kanina pa kita inuutusan e. Nga pala pakisabi sa ibang crew na maglagay ng extra seats kahit mga 20 just incase. Thank You.” pakikisuyo nya sa babae habang abala sya sa pagbabasa ng mga pangalan na nasa guest list.

“Noted Ms. Bethany. Mag-sstart po tayo ng 6 p.m. see you!”

Mamayang madaling araw na ang pasko kaya naman ipina-ayos ni Bethany ang banquet hall na may christmas theme kahit pa hindi naman ito nirequest ng kanyang boss. Gusto nya lang kasi mafeel pa rin ng kanilang pasahero ang pasko kahit pa nasa cruise ship sila. Bago pa man sila umalis sa daungan ay nagpahanap na si Bethany ng banda na maaaring tumugtog habang nasa biyahe ang barko.

Abala si Bethany sa iisa isa ng mga pangalan na nasa guest list ng tumunog ang intercom na mula sa office ng kanyang assistant.

“Ms. Bethany may tawag po kayo. Nasa linya nyo na po.”

“Thanks Rick.”

“You're always welcome, Ms. Bethany.”

Agad nyang pinatay ang intercom nya at sinagot ang tawag nya sa telepono.

“Hello Good Afternoon— Bethany Alissaun speaking.”

“Merry Christmas Bethy.” malambing ang boses ng binatang nasa kabilang linya.

“Hey Teyrone. Merry Christmas too kahit mamaya pa 'yon.” natawa sya ng bahagya. “Nakauwi na kayo ni Tita Delaney? Ako maybe a day after tomorrow pa ako makauwe.”

“No worries. Si Manang ang kasama ko umuwi. Remember si mommy ay doon muna. Anyway I miss you so much. I can't wait to see you. I wanna hug you.” naglalambing ang boses nito na animo'y teen ager pa.

Namula naman ang pisngi ni Bethany sa sinabi ng binata. “Ewan ko sa'yo. Anyway nakauwi ka na nga?”

“Secret. See you when I see you. I have some good news— I don't know kung ikakatuwa mo. By the way, 'wag ka magpaka stress masyado. Magkita na lang tayo. Mag-iingat ka jan okay? Mwuah.” agad nitong pinatay ang tawag pagkatapos nitong sabihin ang huling salita.

Napasandal naman si Bethany sa swivel chair na kinauupuan at pangiti-ngiti habang inaalala ang mga sinabi ng binata. Hindi nya alam kung ano ang sasabihing good news ng binata pero ano man iyon ay tiyak na ikakatuwa nya kaya naman excited na excited na sya sa pagkikita nila.

\*\*\*NAPASULYAP\*\*\* si Teyrone kay Manang na kasama nya ngayon sa kanyang sasakyan. “Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti ng alaga ko.” panunukso ng ginang sa kanya.

“Manang…'wag nyo na po akong asarin.”

“Hindi naman kita inaasar ah. Ipakilala mo na kaya 'yan at ng makilala ko na ren. Nakita na ba sya ng iyong ina?” suhestyon ng ginang na nagpalapad ng ngiti ni teyrone.

“Syempre po at nang makikilala mo rin sya. Si mommy po kilala na si bethany kasi sya po ang nagpakilala sa'kin kay Bethany noong umuwe po kami ni mommy rito sa pilipinas. She's so stunning that night.”

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon