KABANATA 3

8 2 0
                                    

KABANATA 3

“Hi Elison, sorry we're late again. Eto naman kasing si Bethany sa dinami-rami ng oras na makakatulog sa oras pa mismo ng pag alis namin.” paninisi pa ni Jiyan kay Bethany pero tumawa lang ito at nag peace-sign kay Elison.

Elison sighed. “What do I expect? Kahit naman saang lakad late si Bethany. Kaya tignan mo pati lovelife late" pang-aasar pa nito na ginatungan naman ni Jiyan.

Bethany's eyes crinkled. “Jan kayo magaling e”. Nagdare-daretso na sila sa loob ng party hall. “Oo nga pala Jiyan. May naghihintay sa'yo sa loob. Mauna ka na ipapakilala ko lang si Bethany sa ibang friends nila Mommy at Daddy”. Pahabol pa ni Elison saka hinila sya papunta sa isang large table kung saan mga sosyaling guest ang nakaupo.

“Hey si Jiyan.” pag-aalala nya ng bigla nilang iwan ito.

“Don't worry about Jiyan. Hindi naman sya pababayaan ng pinsan nya doon. Halika bilis ipapakilala kita sa anak ng kaibigan ni Mommy.” atat na atat ito habang hila hila sya.

Maya-maya lamang ay tumigil sila sa isang table na may nakaupong maedad na babae ngunit maganda pa rin ito. May kasama itong isang lalaki na alam nyang kasing edadan lang nya or baka mas matanda pa nga ito ng isa o dalawang taon sa kanya.

“Hi Tita Delaney. Naaalala mo po yung sinabi ko sayo na ipapakilala ko ngayon sa inyo yung kaibigan ko? Here she is— Bethany Alissaun.”

Ngumiti ang ginang sa kanya saka tumayo ito at inagaw ang kanyang kamay. “Such a beautiful woman. Are you single?” natatawa pa ang ginang sa itinanong nito. Siguro ay nakita rin
nito ang pagkabigla sa mukha nya.

“Okay, sorry feeling close ako masyado, Hija.” Inaya sya nito na maupo sa tabi nila.

Naupo naman sya at tinapik tapik ni Elison ang balikat nya ng senyasan sya nitong aasikasuhin lamang ang iba nilang bisita at maiwan muna sya roon kasama nila Tita Delaney.

“Hmm. Btw hija, I want you to meet my son— Teyrone. Kanina ka pa nya tinitignan siguro.” panunukso ng ina sa kanyang anak na medyo nangunot pa ang noo.

“ Teyrone. I'm glad youre here. Palagi kang kinukwento sakin ni Elison.” nakangiting pakilala nito sa sarili. Nginitian rin sya ng dalaga.

“Ganun ba? Nako baka kung ano-anong pinagsasabi sayo ng baklitang yon.” natatawang sambit ng dalaga kay Teyrone na hindi na yata kumukurap ang mga mata.

“Hindi naman. He's always flexing you. You and your paintings.” Teyrone smiled widely habang sinasabi iyon.

“P-paintings ko? Nako pang libangan ko lang yon kapag wala na akong maisip gawin” napatingin naman sya sa likuran upang tignan kung nandun na si Jiyan pero wala ito. Naiilang na kasi sya sa atmosphere dito sa table kung nasaan suya ngayon.

Tuloy-tuloy pa rin ang masayang tugtugan sa loob ng party hall ng mga Buencito. Abala ang lahat ng mga nasa table sa pag-uusap.

Naaninag pa nga ni Bethany ang mga magulang ni Elison sa harap na kausap ang iba pang nagdaratingang bisita.

“Bethy? Sorry ngayon lang kami napasarap ng kamustahan sa loob e. Are you okay?” biglang sulpot ni Jiyan mula sa likod.

Napatayo naman si Bethany dahil ito na ang pagkakataong hinihintay nya. Ang maka-alis sa nakakailang na table na iyon. Pero mukhang mas lalo syang hindi mapapakali nang lingunin nya si Jiyan.

“Ahm excuse me po. Hihiramin ko po muna si Bethany. Pasensya na po” pagpapaalam ni Jiyan sa kaibigan. Pero bago nya pa mahatak si Bethany ay tumayo si Teyrone.

“Bethany, I hope one day makita ko in actual yung mga paintings mo. It was nice meeting you.” nginitian pa sya nito saka inintay silang maka-alis.

Hinila na agad ni Bethany si Jiyan. “Hoy Bethany sino ba iyong gwapong lalaki na yon ah? Matagal mo na bang kakilala yon?” sunod sunod na tanong ni Jiyan kay Bethany pero nananatili ang gulat na mata nito sa lalaking nauuna sa kanila.

Nakapamulsa ito at nakasuot ng black suit pants na tinernuhan nya ng kulay white stripped polo long sleeves na itiniklop nya pa 3/4, habang white rubber shoes naman ang suot nitong sapatos idagdag mo pa ang mamahaling wrist watch nitong channel monsieur watch na lalong nagpalutang sa kaputian nito.

Napatigil si Jiyan ng makalabas na silang tatlo sa party hall na iyon para mag-usap usap. “A-Aiden? Anong ginagawa mo rito?” nautal pa si Bethany ng banggitin ang pangalan ni Aiden.

Nanaginip ba ulit sya? O talagang bumalik na nga si Aiden? P-pero nasaan ang girlfriend nito? Si Lizete?

“Sya yung sinasabi ni Elison pala na nag-iintay sakin sa loob. Akala ko nga kung sino e. Si Kuya Aiden lang pala. E ikaw yung gwapo sa loob kanina? Kilala mo?” pagbabalik muli nito sa kanina pa nito itinatanong.

Nabawi naman na nya ang pagkabigla kaya naman inayos nya ang tayo at sinagot si Jiyan. “Ipinakilala ako ni Elison sa kanila. Si Teyrone yung tinutukoy mong kausap ko kanina. Naikkwento raw kasi ako ni Elison palagi sa kanya kaya kanina pinakilala na ako ni Elison pati sa mother ni Teyrone na si Tita Delaney.”

Nakita ni Bethany ang namraso na si Aiden habang pinakikinggan sya. “Hmm ganun ba. Infairness ah ang gwapo! Type ka ba?” siniko nama ni Bethany si Jiyan kaya nanahimik ito. Si Aiden naman ay nakamasid lamang sa kanilang dalawa. Wala itong kibo at pasulyao sulyap lamang sa kanila.

Pumasok muli sila Bethany at Jiyan sa loob ng party Hall.

Dumiretso sila sa liqour bar ng hall at uminom. Tapos na ren kasi sila kumain kanina. It's already 11:45 p.m. at naguumpisa na ren mabawasan ang bisita.

“Next time wag ka magsusuot ng ganan ka-daring na damit. Malamig sa gabi.” laking gulat ni Bethany ng may coat na ipinatong sa kanyang magkabilang balikat.

“A-Aiden?”
He smiled. “Why do I have this feeling na hindi ka pa rin komportableng malapit ako sayo?”

Bethany rolled her eyes. “Pinagsasabi mo? Ayoko lang talaga ng kinakausap mo ako. Bakit ka ba nandito? Did Elison invite you here?” pagtataray nya rito.

Aiden grinned. “Hindi ako pupunta rito kung hindi ako invited at isa pa alam kong nandito ang pinsan kong si Jiyan that's why sinabi ki kay Elison na 'wag sabihin kay Jiyan na nakauwe na ako.” Aiden explained habang palipat-lipat ang tingin nya sa baso na may lamang alak at kay Bethany na redwine ang iniinom.

“Kumusta ka na?” bigla nitong tanong.

“I'm better. Very better.” agad na sagot nya sa binata at umalis na roon.

Not until you cameback

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon