KABANATA 9

3 2 0
                                    

KABANATA 9

Abala si Bethany sa pag-aayos ng mga magazine na nakakalat sa ilalim ng mini table ng kanilang sala. Malakas ang ulan kaya naman hindi rin sya makalabas ng bahay. Iniwan na naman kasi sya ni Jiyan dahil nagpunta ito sa parents nya para maayos ang planong Team Building na naisip ni Jiyan at Aleb.

Dito na ren isasabay ang engagement party nilang dalawa.
Hindi sya nangakong makakadalo sya roon dahil unang-una ay ayaw nya makita si Aiden at Ady. Pangalawa ay baka biglang makabalik na agad sya sa work nya hindi na sya maaaring magpa easy-easy na naman.

Nakakahiya pa nga ang nangyare sa kanya dahil naturingang head receptionist sya ay nasuspended sya sa mababaw na reason. Hindi nya deserve ang position nya kung ganoon.

Maya-maya lamang ay nakarinig ng katok mula sa labas si Bethany kaya naman nagmadali syang puntahan iyon. Pagbukas pa lamang nya ng pintuan ay bumungad na sa kanya ang basang basang si Ady.

“Ady—sandali kukuha ako ng towel. Pumasok ka na.” dali dali syang nagtungo sa itaas at kumuha ng malinis na towel saka iniabot iyon kay Ady.

“Thanks.” matipid na sagot nito.

“Ano ba kasing naisipan mo at sumugod ka sa ulan? May sasakyan ka naman ah bakit basang-basa ka?” magkasunod na tanong nya rito habang tinutuyo ang ulo nito.

“Wala akong sasakyang dala ngayon. Iniwan ko sa—kay Aiden. He borrowed my car kanina. Nagkita kasi kami so nagmamadali sya kaya naman pinagamit ko na.” paliwanag nya rito saka sandaling tumigil.

“Where's Jiyan?” agad na tanong nito.

“Ah nagpunta sa parents nya pina-uusapan 'yung about sa teambuilding at engagement party nila ni Aleb.” pagpapaliwanag nya rito saka nag-iwas ng tingin ng titigan sya nito.

Ady became weird— sa palagay ni Bethany. Para itong kakaiba ngayong araw dahil kahit naman iwas sya rito ay hindi pa sya nailang ng ganun ka-sobra.

Parang natataranta sya sa mga titig nito ngayon, ngunit binaliwala nya na lamang iyon.

“Can I use the bathroom?” tanong nito sa kanya.
She nodded.

Nang maka-alis na si Ady papunta sa banyo sa kusina ay umakyat na rin sya sa kanyang kwarto. Hindi nya gustong makasama sa baba si Ady. Napaparanoid na naman siguro sya kaya naman nagmukmok na lamang sya sa kanyang kama matapos i-lock ang pinto.

When he found the kitchen's bathroom ay agad syang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Lamig na lamig sya lalo ngunit pakiramdam nya ay narerefresh kahit papaano ang utak nya.

He didn't know that Bethany is here. He thought na nasa trabaho ito kaya dito sya dumiretso dahil gusto nya sanang makausap ang kanyang kambal at ang pinsan nya ngunit minalas yata talaga sya dahil wala ang mga ito rito.

Kitang kita nya ang pagkailang sa mga mata ni Bethany kanina ng titigan nya ito. Kung ganoon ay kahit pala sa kakambal nya ay ilag ren ito marahil. Hindi naman kasi talaga maikakaila ang pagkakapareho nilang dalawa ni Ady.

After he turned off the shower ay itinapi nya sa kanyang ibaba ang towel na iniabot ni Bethany kanina saka dire-diretso syang umakyat patungong guest room kung saan din malamang natuloy si Ady.

Madadaanan ang kwarto ni Bethany at Jiyan bago ang sa guest room kaya naman kinuha nya ang cellphone na ibinalot nya kanina sa plastic ng sumugod sya sa ulan.

Abala sya sa pagttype para tanungin kung nasaan ang kakambal pero nagulat sya ng makitang lumabas ng kwarto si Bethany. Maging ito ay nagulat ng makita syang nakatapis lang pero mas na-focus ang tingin nya sa paa nitong hindi nakalapat. Ang mga mata nito ay nagluluha.

“What happened?” tanong nya rito saka agad na naupo at tinignan ang paa nitong mukhang nasuklo dahil hindi nito mailapat. Iika ika ren ito kanina ng lumabas sa kwarto.

“May a-ahas kasi doon sa may bintana ko. N-nakalimutan ko isara kanina nung nandito ako sala. Hindi ko naman napansin agad na may ahas 'dun kasi nahiga agad ako. Napagtanto ko lang nung mapabaling ako sa window ko.”

Agad na pumasok si Aiden sa loob ng kwarto ni Bethany at nakita nya ang ahas na nakapasok na sa bintana. Mabagal lamang ang pag gapang nito kaya naman kinuha nya ang palakol na nasa dulong pader kung saan naroon ang guest room.

Pinalakol nya ito kaya naman naiwan ang stain ng dugo nito sa wall ng room ni Bethany nasira rin iyon ng bahagya. Matapos nyang pang gigilang paghahampasin ito. Hindi naman ganoon kalaki ito pero sapat na para ikataranta ni Bethany.

“Halika muna sa sala.” binuhat nya ito na parang bagong kasal saka iniupo sya sa sofa.“ Intayin mo'ko dito babalik ako after ko magbihis. Titignan ko ang paa mo.” tumalikod na ito at dali-daling umakyat.

Nakalimutan na ni Bethany ang tungkol sa ahas na naging dahilan ng pagkakasuklo nya dahil ginugulo sya ng isip nya ng buhatin sya ni Ady. Napaka gentleman talaga.
Ilang sandali pa ay bumaba na si Aiden at may dala-dalang benda ito at ointment.

“Next time 'wag kang magpapanic. Try to look sa paligid mo baka may magamit ka para sa suliranin na kinakaharap mo. 'Wag ka padalos-dalos like this.” Anito habang hinahaplasan ang kanyang kaliwang paa.

“What if wala ako rito kanina? pa—” hindi na nyanatapos pa ang sasabihin ng ibuga ng pintuan na iyon ang kakambal nya. Napatayo sya agad.

“Aiden, anong ginagawa mo rito?” pagsalubong agad ni Aiden kay Ady na gulat na gulat ng tawagin syang Aiden nito.
Bigla namang sumama ang mukha ni Bethany ng makita si Ady na ang akala ay si Aiden ito.

“A-ah p-pinuntahan  lang kita ADY.” nagbigay diin pa ito sa pangalan na 'yun. “And si Jiyan? Nandito ba sya? I want to talk to her.”

“Excuse me,aakyat na muna ako.” dali-dali itong umalis roon kahit pa iika-ika ang paglalakad.

Iiling-iling si Ady ng makapasok sa loob. “Ano na namang pakulo mo Aid? Trespassing ka na. Nag panggap ka pang ako? What brings you here?”

“Shut your mouth Ady. I need your help.” hininaan nito bahagya ang kanyang boses.

“Anong tulong naman ang kailangan mo?” walang emosyong tanong ni Ady kay Aiden.

“Help me to solve my problem. Gusto ko ng hiwalayan si  Lizete but I don't know how. Ayoko syang masaktan pero hindi ko na maramdaman yung spark sa pagitan namin. She's my girlfriend but I am thinking about Bethany.” mahinang paliwanag nito kay Ady na ngayon ay dare-daretso patungong kusina kaya naman sinundan ito ni Aiden.

“May gf ka tapos ibang girl ang iniisip mo? Ano sa palagay mo ang ginagawa mo Aiden?  Wala akong alam sa nakaaran nyo ni Bethany but yeah sometimes I saw in her eyes na galit sya everytime mababanggit ang name mo o yung makita ka nya o ako dahil iisa lang naman ang itsura natin. Pero palagay ko pag-isipan mo munang mabuti ang tungkol sa pakikipaghiwalay mo sa girlfriend mo, dahil once you broke up with her at 'di ka na tatanggapin ni Bethany, sasayangin mo lahat ng pinagsamahan nyo ni Lizete.” Ady explained.

Ilang sandaling hindi naka-uma si Aiden sa sinabi ni Ady.

“H-hindi ko ganoon kamahal si Lizete. I was just attracted to her but I'm not inlove. Si Bethany ang laging naiisip ko kahit pa si Lizete ang kasama ko. I know it's unfair for Lizete pero naduwag ako e. Hindi ko magawang ayusin lahat noon. Akala ko kasi kapag nagstay ako kay Lizete unti-unti ko ng makakalimutan si Bethany pero hindi. Akala ko noon kay Lizete talaga ako inlove at si Bethany naman ay attracted lang ako or nadala sa kantyaw ni Jiyan but no. It's always Bethany. Naging magulo lang ang isipan ko noon.”

Ady sighed. Ilang taon syang hindi nakasama ang kapatid, ni hindi nya ito kasabay na lumaki dahil bata pa lamang sila ay pinaghiwalay na sila. Si Aiden ay sa mama nila while si Ady ay sa papa nila.

“I'll get you another clothes. Umalis ka na rito at 'wag mo na akong idamay sa gulo mo. Hindi ako papayag na magstay ka rito para magpanggap na ako. We're different.”

“Naiintindihan kita Ady. Pero sana sa susunod na favor ko pagbigyan mo ako.” tinapik nito ang balikat ng kakambal nya saka inunahan itong umakyat upang makapagpalit sila ng damit.

Frustration shown on Aiden's face pero alam nyang 'di pa huli para makuha si Bethany ulit. Kaya naman hindi na sya nakipagtalo pa ng tablahin sya ng kakambal sa nirequest neto. Madadamay pa kasi ito sa problema nya at lalo nya lang pasasamain ang dating nya sa iba kapag tinuloy nya pa.

WHEN THE HEART BEATS [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon