chapter 2-meet my new friends-

2 1 0
                                    

Pov; astroains

Ang saya sa pakiramdam ng hindi ka tinatawanan at hindi ka tinatawag na nerd.

Ang saya ko dahil tinulungan ako nila kuya, napakasaya ko dahil hanggang ngayon tinutupad pa rin nila ang pangako nila na lagi nila akong proprotectahan.

Sana masaya nalang kami lagi at hindi na kami iiyak at hindi na kami masasaktan pa.

Nakatingin ako sa bintana iniisip ko parin kung sino yung lalaking tumulak kay katirina nung araw na yun.

(Bell ringing)

"Okay page 153 to 155 is your assignment for tomorrow! Good bye class!"sabay sabay kami tumayo.

"Good bye, and thank you prof.!-- sabay sabay naming Sabi.

Nakita kong paalis na si katirina kaya sinundan ko siya para kausapin.

Pero habang sinusundan ko siya ay nakita ko na hinarang siya ng Isang lalaki sa may gate at parang pinapasama siya nito at sumunod naman siya.

Susundan ko sana sila dahil parang ang lalaking yun ang kaparehas na lalaking tumulak sa kaniya ng araw na inapakan niya ang paa ko.

Pero hindi ko sila nasundan dahil hinarang ako ni Rafa.

" boo!!"panggugulat niya na hindi naman ako nagulat.

"Oh Rafa, akala ko nakauwi kana?"tanong ko sakaniya.

Niyakap niya ako salikod at dahan-dahan akong tinutulak.

"Kain muna tayo sa labas nagugutom na ako, wag kang mag alala libre naman ni Glade"bulong niya naman saakin.

Ano daw kakain kami sa labas kasama si Glade? Pero wala namang mali dun kaibigan ko rin naman si Glade.

Pero kasama kaya namin si Jero sana kasama siya.

"kasama rin ba si Jero?"tanong ko kay Rafa.

"hindi ko alam, pero tawagan mo tapos papuntahin mo siya, tapos papapuntahin ko rin sila Kc at Nav para makilala mo rin sila!"aniya naman ni Rafa.

"Ah sige tatawagan ko si Jero para makasama siya!"nag iba ang tingin ni Rafa dahil sa sinabi ko.

"Sandali may number ka ni jero? Ako na pinsan niya ang tagal bago ko makuha number ni jero tapos ikaw may number ka na niya agad!"reklamo ni Rafa.

Tinig nan niya ako ng deretso sa mga mata ko na parang nag hihinala siya.

"wait nga anong meron sainyong dalawa?"lumayo ako sakaniya at hinampas ang braso niya.

Ano bang sinasabi nitong babaeng to, wala namang meron saamin ni jero ah, aaminin ko cute siya mabait sweet pero hindi ko naman siya type 'no.

Pero hindi nga ba?

"ano ba...-

Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil biglang may familiar na boses akong narinig na tumawag sa pangalan ko.

"Ains!?"nakita ko si kuya xylem.

Best friend nila kuya slash pinsan namin. Hindi ko inaasahang makita siya dito sa lugar na malapit sa school dahil malayo dito ang school na pinapasukan niya.

"Kuya Xy!? Anong ginagawa mo dito?"nakangiting tanong ko kay kuya xylem.

"ah pupunta ako sa coffee shop"sagot niya naman sabay yakap saakin.

"coffe shop? Wala bang coffee shop na malapit sa school niyo at na karating ka dito?"natawa nalang siya sa sinabi ko.

Bakit naman siya tumatawa bakit may Mali ba akong sinabi? Pero ganiyan naman siya lagi niya nalang akong tinatawanan.

PhosphenesWhere stories live. Discover now