chapter 4- blueberry cake -

2 1 0
                                    

Pov; Astroains

“Astro!”sigaw ni Nav.

“Oh Nav, anong problema?”tanong ko sakanya.

“Dali sumama ka saakin may ipapakita ako sayo”hinila niya ako bigla.

Habang tumatakbo ay kinuha ko ang camera ko at vinideo ang pag takbo namin ni Nav.

Papunta kami sa rooftop pero hindi ko alam kung bakit kami pupunta dun, pero hindi pa kami nakaabot sa taas ay pinatigil ko muna siya dahil hingal na hingal na ako at medyo naninikip rin ang dibdib ko.

“Okay ka lang?”seryoso niyang tanong sabay abot ng tubig.

“umhh... Okay lang, mabilis lang akong mapagod ngayon!”sagot ko naman.

Inalalayan niya ako at hindi na kami tumakbo at nag lakad nalang kami.

Pag dating namin sa rooftop ay nakita ko na nanduon silang lahat except kay Jero.

“Anong ginagawa niyong lahat dito, mga kuya anong meron at nandito rin kayo?”tanong ko kila kuya.

“bakit hindi ba kami pwedeng pumunta dito, at hindi ba kami kasali sa barkada?”sabi ni kuya Bl sabay smirk.

Mag sasalita pa sana ako ng....

“Halikana wag ka nang marami pang tanong!” sabi ni Nav sabay dahan-dahang tulak saakin palapit sa lahat.

I noffer saakin ni Glade ang inuupuan niya at tinanggap ko naman.

_______________
Pov; Nav

“Halikana wag ka nang marami pang tanong!”sabi ko sabay dahan-dahang tulak kay astro palapit sa iba.

“Okay nandito tayo para pag usapan ang birthday ni Jero”naka ngiting sabi ni Rafa.

Birthday na kasi ni Jero sa sabado, September 9, kaya gusto namin siyang  i surprise kaya nag meeting kami para dun.

“mag suggest kayo kung anong pwede nating gawin”sabi naman ni Bl.

“ano kaya kung pumunta tayo sa farm namin sa cavite, tutal wala naman tayong pasok nang Sabado, linggo at lunes! Let's bring him there” suggestion naman ni astro.

“Pero hindi kaya malaman niya na may surpresa tayo sa kanya?”sabi ko naman.

“Ganito nalang hindi natin siya babatiin at kunwari hindi natin naalala na birthday niya at ang dahilan ng pag punta natin sa farm ay parang bonding lang nating mag kakaibigan!”aniya naman ni astro.

Nag kasundo kami na gawin ang suggestion ni astro at pinag usapan na rin namin kung sino ang bibili ng cake at mga ingredients ng mga iluluto naming handa ni Jero.

Si Kc at Rafa na ang bibili ng ingredients ng pansit, at si Kav at Aj na ang bibili ng ingredients ng iba pang iluluto at kami na ni Bl ang bahala sa mga iinumin namin, at si astro at Glade na ang bahala sa cake.

_______________

Pov; Astroains

Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming classroom, napa daan ako sa faculty room at narinig ko ang pinag uusapan ni prof. Kai at ang isang babae.

“Hindi ko siya pwedeng iwan dahil walang mag aalaga sa kaniya dito, kaya isasama ko siya sa London sa ayaw at sa gusto niya”sabi ng babae.

“But Mrs. You need to consider her own decisions, dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng maging epekto sa kaniya ng pag sama niya sainyo, lalo na at hindi niya gusto ang stepfather niya”aniya naman ni prof. Kai.

PhosphenesWhere stories live. Discover now