Chapter 9 - Ave meet astro-

2 1 0
                                    

Glade's POV;

Hindi ko maintindihan kung paano nalaman ni astro ang tungkol kay Avery?

Ano bang iniisip mo glade bakit ka na in love sa dalawang babae...

Hindi ko sinasadya...

Mahal ko si Ave mahal na mahal...

Pero mahal na mahal ko rin si astro dahil siya ang babaeng nag bigay saakin nang isa pang chance para mabuhay pa.

Siya ang nag turo saakin kung paano hindi sumuko. Kaya hindi ko kakayanin na mawala siya.

At hinding hindi ko rin kakayaning mawala si Avery, wala akong isusuko sa kanilang dalawa.

“Glade!! Nasaan si Ains!”nag mamadaling tanong ni Aj.

“Ginagamot na siya ng doc at ng mga nurse at inooperahan na din siya, papalitan na ang puso niya!”kinakabahan kong sabi sa kanila.

Biglang dumating si Jero at naisip ko na baka siya ang nag sabi kay astro ng tungkol kay Avery.

Hinawakan ko ang dalawang kwelyo ng damit niya, “Ikaw ba ang nag sabi kay astro ng tungkol kay Avery? Sagutin mo ako!”sigaw ko sakanya.

“tama na yan!! Ano ba glade!” awat naman saamin ni Rafa.

“Sandali sino si Avery?” nag tatakang tanong ni Kav.

Natigilan ako nang maalala ko na hindi rin pala nila alam kung ano ang nasa isip ni Astro kung bakit siya umalis.

“Fiancé ni Glade!” sagot naman ni Jero.

“Ano naman ang kinalaman niya kay Ains?” nag tatakang tanong rin ni Bl.

“Oo nga pala hindi niyo pala alam! Boyfriend lang naman ni Astro si glade!” hindi ko na napigil at sinuntok ko kaagad si Jero.

Mabilis namang umawat si Rafa at si Aj.

“Ano ba Tama na!!” sigaw ni Rafa.

“Anong ibig mong sabihin!”tanong ni Kav.

“Ako na ang mag papaliwanag!” Sabi naman ni Rafa.

Tumayo ako sa gilid at ipinaliwanag na ni Rafa ang lahat nang nangyayari.

“Si Avery Villanueva siya ang fiancé ni Glade, classmate ko siya nung Elementary at high school pero nadisgrasya siya nung Gabi ng High school graduation ni Glade, at hanggang ngayon naka coma parin siya, ang patient sa katabing kwarto ni Astro ay si Avery,!”paliwanag ni Rafa sa kanila.

Tumingin saakin ng masama si Bl na parang handa niya na akong patayin. Lumapit siya at aandang susuntukin na ako pero hindi niya ginawa.

Pinigilan siya ni Nav na kararating lang. “Bl wag! Tama na! Satingin mo pag sinuntok mo si glade magiging masaya si astro? Hindi kasi mahal niya si glade, kaya Pag sinaktan niyo si glade parang sinaktan niyo na rin si astro!”aniya naman ni Nav.

Hindi niya na tinuloy ang pag suntok saakin, Buti nalang at dumating si Nav para awatin siya.

Umupo na sila at sabay sabay naming hinintay ang pag labas ni astro....

Mayamaya lang ay nag bukas na ang pinto ng operation room lumabas na ang doctor at mabilis namin siyang nilapitan.

“Doc kamusta na po ang kapatid namin!?”kinakabahang tanong ni Aj.

“succeful ang heart transplant niya, but because of the accident, she is in a critical condition now! And we don't know we she can make it, because she also have a blood clotting in her head!”paliwanag nang doctor.

PhosphenesWhere stories live. Discover now