chapter 6 - Farm, My old home -

1 1 0
                                    

Bl's POV;

Ngayon ang araw ng uwi ni Ains galing sa hospital, pero himbis na sa bahay siya dadalhin, dadalhin namin siya sa farm namin sa cavite.

Hindi kami na tuloy noon dahil sa nangyari kaya napag isipan namin na duon mag celebrate ng birthday ni Kav.

Today is September 30, at sa October 11, ang birthday ni Kav...

Sakto at may two weeks break kami dahil sa campus gaganapin ang isang malaking event, pupunta ang ibang school sa event na yun, at kasali rin ang ibang students ng school sa event na yun.

Syempre alam niyo naman na I'm the president of the school kaya hindi ako pwedeng mawala sa event na yun..

Pati na rin si Kav dahil siya ang tutugtog sa event syempre hindi rin pwedeng mawala si Aj dun dahil siya ang captain ng basketball may laro din sila.

So nag tataka kayo kung bakit two weeks na walang pasok ay dahil ang event na to ay parang camping trip pero sa school nga lang.

At hindi lang basta studyante ang pupunta dun kundi mga incoming first year college.

Mag tuturo ng basketball si Aj sa mga gustong mag try out para sa maging member ng basketball team.

At si Kav naman ang mag tuturo ng mga instruments sa mga gustong tumugtog.

At syempre I'm the president of the school kaya kailangan present ako dun.

“Nandito na kami!”sigaw ni Kc.

Dumating na sila, sinundo nila si Ains sa hospital at kumuha na rin sila ng mga gamit nila.

Si Rafa, Kc,Nav, Jero,at Glade ang maiiwan dito kasama si Ains.

Uuwi rin kami sa araw ng birthday ni Kav... Pero babalik din agad sa school.

“Hi kuya!!”bati saamin ni Ains with a hug.

“Ains okay lang ba talaga sainyo na maiwan dito?”tanong ni Kav sakanila.

“Kuya okay lang talaga malalaki na kami ano, tsaka nandyan naman sila Jero at Glade para bantayan kami kaya wag kang mag alala!” sagot naman sakanya ni Ains.

“Alam mo Kav masyado kang nag aalala!”sambit naman ni Kc.

“Syempre mag aalala ako pano kung biglang atakihin sa puso yang si Ains tapos wala kami dito!”seryosong sabi ni Kav.

“Wag kayong mag alala kuya hindi ako gagawa ng ikaka atake ng puso ko!”kita sa mukha ni Ains ang pagiging malakas niya.

Ngayon alam ko na nakaya niya na ulit mag isa...

Wala na dapat kaming ipag kabahala...

“wag ka nang magalala Kav, may tiwala ka naman siguro kay Ains at sa iba, pa hindi ba?”biglang sulpot naman ni Aj.

Tama siya dapat may tiwala kami sa kanila..

Lalo na kay Ains...

__________
Astroains POV;

alam ko kung gaano nag aalala sila kuya saakin, pero hinding hindi ko sila bibigyan ng kahit konting takot para saakin.

Dapat stay positive lang ako...

Nandyan naman ang mga kaibigan ko kaya alam ko na hindi rin nila ako pababayaan.

“Kuya wag na kayong mag alala kaya ko naman na ang sarili ko! Sige na umalis na kayo baka gabihin pa kayo sa Daan!”masaya kong sabi sa kanila.

Hindi ko dapat I pakita na mahina ako, at takot rin ako....

Kailangan maging malakas ako para sa kanila.

PhosphenesWhere stories live. Discover now