Nathalie's POV
"Pasensya ka na Nathalie kung maliit lang ang bahay namin," wika ni Ninang.
I looked at their house in front of us. It's white and brown. Marami rin silang mga kapitbahay. Napansin ko ang ilan sa kapitbahay nila Ninang na halos lusawin ako sa titig. Naku-curious tuloy ako sa itsura ko ngayon. Baka mamaya, dugyot pala ako.
"You have a nice house, Ninang," puri ko. "Tsaka, hindi po ako maarte. Malaki o maliit man ay okay lang sa'kin," ngumiti ako sa kanya.
Actually, hindi maliit ang bahay nila. Sa katunayan ay dalawang palapag ito. Nasa labas pa rin kami habang si Ninong ay isa-isang ipinasok ang mga bagahe namin sa loob. They brought me here in Cebu to unwind, especially after what happened. My parents died because they were ambushed, and the culprit is my Uncle, dad's brother. He's already in jail now. He's also the reason why our company went bankrupt. May kasabwat siya sa loob ng kompanya at nagnakaw ng pera. I will never forgive those assh*les.
"Maganda talaga ang pagpapalaki sa'yo ng mga magulang mo. Hay, I miss my best friend." Lumungkot ang mukha niya.
I took a deep breath as my heart ached again, remembering Mommy and Daddy.
"I miss them too, Ninang." Pag-amin ko.
She immediately embraced me, and I couldn't hold back my tears. It hurts so much, I still can't accept that Mom and Dad are gone.
"We're here for you, Nat. We won't leave you. Magpakatatag ka, dahil ayaw din ng mga magulang mo na makita kang malungkot. Alam mo naman ang mga 'yon, mahal na mahal ka." I nodded and wiped away my tears before facing her.
"Huwag ka nang umiyak, Nathalie. Papangit ka niyan." Pagsingit ni Ninong na kalalabas lang galing sa loob ng bahay.
"Ninong talaga." Natatawang wika ko.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
"Hinding hindi ka namin pababayaan, hija. Alam mo naman na mahal ka namin ng Ninang mo. Tsaka, ayaw kong sakalin ni Leonardo sa panaginip kapag may masamang nangyari sa'yo," nakangusong aniya na ikinatawa namin pareho ni Ninang.
"Sasakalin ka talaga nun," pang-aasar ni Ninang sa asawa.
Niyakap ko silang dalawa.
"Mahal ko rin po kayo," sinserong sabi ko.
I was amazed when we entered their house. The interior designs were so beautiful, and it felt so refreshing.
"Ang ganda," I praised as I looked around.
"Nambobola ka pa talaga, Nathalie."
Napasimangot ako.
"I'm telling the truth, Ninong. I'm not sinungaling," sagot ko at lumapit sa mga picture frames.
"I'm not sinungaling." He was teasing me again.
"Ninang, nang-aasar na naman po si Ninong Lach," sumbong ko at kinuha ang isang frame na may picture ng isang batang lalaki.
I think he's nine years old? In fairness, he's handsome. Carbon copy niya si Ninong.
"Hoy, Lach! Tigilan mo nga ang pang-aasar kay Nathalie," saway ni Ninang. "Jujumbagin talaga kita!"
Napatawa ako sa sinabi ni Ninang Janaya.
"Naintindihan mo ang sinabi ng Ninang mo?" gulat na tanong ni Ninong sa akin habang prenteng nakaupo sa sofa nila.
I can understand and speak Tagalog. But sometimes I stumble on my words, and my accent is a bit conyo. My cousin always teases me about it. I'm half Italian. Filipina ang Mommy ko, habang si Dad ay Italian.
BINABASA MO ANG
LYALL'S OBSESSION
RomanceLyall Walter Trigueros is a 28-year-old man, and he's now a successful Engineer in Cebu City. He had that appearance, which could make him stand out in the crowd. He was fair, almost pale white. His ocean eyes were so deep and expressive that you co...