CHAPTER 8

10.3K 182 15
                                    

Tampolan kami ng mga tukso matapos ang ginawa ni Lyall. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na araw-araw talaga gagawa ng issue ang hudyo. Hindi bale, babalik naman na ako sa Italy. Lyall will no longer disturb my mind and heart.

Patuloy pa rin ang kantahan nila. Pinapakanta nga nila ako, but I refused. I'm not confident in my voice anyway. Besides, I preferred dancing.

"Hi, Lyall!"

Napalingon kami sa tumawag kay Lyall; morena, hanggang balikat ang buhok, at medyo pandak. Naka-yellow dress siya at sandal. Her presence really boils my blood, and I don't know why.

"G*go, bumalik na naman siya, tsk!" dinig kong sabi ni Elizabeth.

"Papansin na naman iyang empaktang 'yan! Goodness!" inis na sambit ni Rhea at pinaypayan pa ang kanyang sarili gamit ang kamay niya.

"Who is she?" kuryosong tanong ko.

They turned to look at me.

"Naku, girl... anak 'yan ni Kapitan!" sagot ni Rhea sa akin.

Napatango naman ako.

"H'wag kang papadala diyan, Nathalie. Maamo lang ang mukha niyan pero nasa loob talaga ang kulo!" bulong ni Autumn.

"Yeah! Tsaka, inggitera 'yan," dagdag ni Carla.

"Nathalie, patay na patay 'yan kay Lyall. No'ng nag aaral pa kami nila ni Lyall no'ng highschool, naging fling niya 'yan si Nicole. Frankly speaking lang ha, babaero 'yan si Lyall noon. Pero nagulat nalang kami isang araw, nagbago siya." Kwento ni Elizabeth sa akin.

Napamaang ako.

"What do you mean about his sudden change?" tanong ko.

She gestured for me to come closer, which I did.

"Kasi hindi na siya babaero! Tapos girl, kahit landiin mo pa siya, wala na talaga siyang pakialam," sagot niya.

I took a sip of juice because I couldn't handle what I was hearing. "Are you classmates?" I asked her again.

Tumango siya.

"Anim kaming magka-batch, Nat. Me, Rhea, Autumn, Erick, Yves, and Lyall. We're just one year ahead of Yuki and Carla," paliwanag niya.

"What about Xander?"

"During our college days, Xander and Yves transferred to Manila, and we didn't know why. That's where they met Xander. But after they graduated, Lyall came back to Cebu to work, while Yves stayed in Manila," sagot ni Autumn. "About naman kina Nicole at Lyall, matagal na silang hindi magka-fling."

"I thought he didn't have a girlfriend?" I blurted out without thinking.

"Wala naman talagang girlfriend si Lyall. Hanggang landi lang 'yan noon e," sagot ni Rhea sa akin.

Napanguso ako

Bahala sila siya diyan. Basta para sa akin, liar siya! He told me he didn't have a girlfriend, but he had a fling, hmph! But wait, who am I to complain? But it's still unfair! He knows about my past, but I don't know anything about him.

"Kaya nga sobrang gulat na gulat kami no'ng hinanap ka ni Lyall sa gym at tinawag ka pang asawa!" tumitiling sabi ni Elizabeth sa akin.

Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya.

"How are you, Lyall?" nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang niyakap ang katabi ko at hinalikan pa sa pisngi.

Kaagad itong 'tinulak ni Lyall. Narinig ko naman ang mahinang pagbungisngis ng mga kaibigan ko nang muntik ng matumba si Nicole dahil sa pagkakatulak nitong katabi ko.

LYALL'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon