CHAPTER 23

6.1K 108 25
                                    

"Lolo, ang pogi niyo po!" Nakangiting puri ni Nixie kay Ninong.

Pagkarating ko dito sa private room niya ay naabutan ko siyang gising na at nilalaro si Nixie. Lumaki naman ang ngiti ni Ninong, habang si Ninang ay napaismid na ikinailing ko nalang.

"I know, apo. Thank you!" Sagot ni Ninong at hinalikan sa noo si Nixie. "Kaya nga patay na patay sa akin ang Lola m—"

"Anong patay na patay!? Baka nakakalimutan mo, na ikaw 'tong lapit ng lapit sa akin noon? Hindi pa nga nag-iisang buwan ang pasukan nanligaw ka na sa akin!" Panglalaglag ni Ninang habang nakapameywang.

Sabay naman kaming natawa ni Lain. Wala sa sariling napatingin ako kay Nixie, at nakita kong nagpipigil ito ng tawa.

Humaba ang nguso ni Ninong.

"O, ano? Ba't 'di ka makasagot diyan? Kasi tama ako, 'di ba? Kung buhay lang si Leonardo baka binatukan kana!" Naiiling na sabi ni Ninang at bumalik ulit sa pagbabalat ng prutas.

"Ikaw Dad, ha... Ikaw pala 'tong patay na patay kay Mommy." Buyo ni Lain sa ama.

Napairap naman si Ninong.

"E, sa natamaan ako sa pana ni kupido." Sagot ni Ninong at nilingon si Ninang.

Napangiti ako nang makita kong namumula ang pisnge ni Ninang.

"Ninang, was Ninong your first boyfriend?" Kuryosong tanong ko.

Limitado lang kasi ang kinukwento nila Mommy sa akin noon about their college days. Sasagot na sana si Ninang nang unahan siya ni Ninong.

"Yes, hija. I'm her first boyfriend."

"Ang kapal! You're not my first boyfriend, that was Kendrick. Pangalawa ka lang. Tsk!" Kontra ni Ninang.

Sumama naman ang mukha ni Ninong.

"At least, I'm the one you married. And can you please not mention his name? It gives bad vibes!"  Reklamo ni Ninong.

Napairap si Ninang at nilapitan si Nixie na kumakain ng prutas na nasa tabi lang ni Ninong. Inayos niya ang buhok ng anak ko at nagsalita ulit.

"Hanggang ngayon ba naman Lach ay pinagseselosan mo pa din si Kendrick? Move on na, oy! Naka wheelchair na nga 'yong tao!"

"Why would I be jealous of him? I'm way more handsome than him, tsk," Ninong replied, glancing at Nixie, who listened quietly. "Ikaw apo, kapag may nanligaw sayo, 'wag mong sagutin, okay? Focus muna sa pag-aaral."

Kaagad naman tumango si Nixie.

"Opo, Lolo. Tsaka po, ayoko mag boyfriend, kasi ayokong masaktan." Napataas naman ang isang kilay ko sa naging sagot ng anak ko.

"Apo, saan mo naman 'yan nalaman?" Tanong ni Ninang, at bakas sa boses niya ang pagkagulat.

"E, kasi po Lola, nakita ko si Ate Mayet na umiiyak tapos tinanong ko siya kung anong nangyari? Tapos sagot niya sa akin dahil iniwan siya ng boyfriend niya. Kaya ayoko po mag boyfriend." Mahabang paliwanag ni Nixie, at nakanguso pa ito.

"That's right, baby."

Napalingon naman kami sa bagong dating. Si Lyall na may bitbit na mga paperbags na may tatak na Jollibee at sa likuran niya naman ay Yves na may bitbit din. Nagtama ang paningin namin ni Lyall, kaya kaagad kong iniwas ang aking paningin.

"Daddy!" Masayang tawag ni Nixie at dali-daling bumaba na kaagad naman tinulongan ni Ninang.

Nang makababa na ito ay kaagad tinakbo ang distansya nilang dalawa ni Lyall. Sinalubong naman ito ng yakap at halik ni Lyall. Binigay ni Lyall kay Lain ang mga dala niya bago kinarga si Nixie.

LYALL'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon