ECHOES OF DESIRE

5.8K 110 12
                                    


A/N: Click n'yo ang multimedia para damang-dama ninyo habang nagbabasa kayo haha. Btw, favorite song ko ito. Ito ang palagi kong pinapakinggan kapag nagsusulat ako. Enjoy reading, kwinvies;)

Lyall's POV

"Bro, nag-aya sila Vanjo mag-bar later. Sasama ka? Siyempre, sasama ka talaga kasi maraming mga chex do'n!"

Lukot ang mukha kong nilingon si Yves, at naabutan ko 'tong panay kaway sa mga babaeng juniors. We're both in senior high and we just got out. We were supposed to be sent home around 4:48pm. But the teachers had a meeting, so we got out of school at 5pm.

"Tatanong tanong ka, tapos ikaw lang din naman pala ang sasagot. Baliw ka ba, ha?" naiinis kong sabi.

"You're being grumpy again, Lyall. Oh, is it because of Krisha? The grade twelve HUMSS student." Tumaas ang sulok ng labi niya.

I rolled my eyes and continued walking.

"Hi, Lyall!" bati sa akin ng mga ka-batchmates naming mga babae.

"Hello," tugon ko at kinindatan sila.

They squealed, which I just ignored. It wasn't new to me anymore. Some of them even gave me various gifts. Only Yves and Lain benefited from the chocolates because I'm not really into sweets.

"Grabe ka bro, ang lakas mo talagang makahatak sa mga chex!" sabi ni Yves at inakbayan ako. "Pero inayawan ka talaga nung HUMSS student?"

Wala naman akong pakialam do'n at hindi naman ako nasaktan. Na-a-attract lang ako sa kanya, that's it.

"Wala akong pakialam. Hindi naman siya kawalan, tsk!" sagot ko at inayos ang pagsukbit ng bag.

"Alam mo kasi bro... may mga babae talagang masyadong pakipot. Kaya feel ko, nagpapakipot lang din sa'yo ang babaeng 'yon. Gusto niya na habol-habulin mo siya. Pero t*ngina, ang swerte niya na uy! Ikaw na 'yan oh, ang nag-iisang campus heartthrob!"

Habang nagsasalita si Yves, wala sa sarili akong napatingin sa kabilang kalsada, at napako ang aking paningin sa isang magandang babae. She was wearing a creamy white dress and had a white ribbon in her hair. May kasama siya na isang babae at bakla tapos kinukuhanan siya ng picture. I don't know why, but at this moment, she's the only one I see. She's so fair-skinned, and d*mn... her smile is beautiful too. Even if you look at it for twenty-four hours straight, you won't get tired of it. I also noticed that many people were staring at her and taking her picture.

"Bro, are you listening?"

I turned to Yves when I heard his question.

"Huh?" natutuliro kong tanong sa kanya.

"Ang sabi k-Hoy! May poste!" nagulat ako nang walang pasabi niya akong hinila at muntik pa kaming matumba.

"Bakit ka ba nanghihila?" naiinis kong tanong at umayos ng tayo.

"Kung hindi kita hinila, mababangga kana sana ngayon sa poste!" turo niya sa harap.

Napatingin ako ro'n at kalaunan ay napangiwi nang makita kong may poste nga. Napatikhim ako sa pagkapahiya.

"Sorry, 'di ko alam. Anyway, thank you," sinsero kong sabi.

"Anong hindi mo alam? Sinabi ko nga sa'yo 'di ba? Tsaka, sino ba 'yang tinitingnan mo sa kabilang kalsada?" sunod-sunod niyang tanong.

Napakamot ako sa ulo at nilingon ulit ang babaeng nakakuha ng atensyon ko kanina. Nakita ko itong nakaakbay sa dalawa niyang mga kasama habang nginingitian ang mga taong bumabati sa kanya. Marami na akong nakitang mga babaeng magaganda, pero sa kanya lang ako natulala. Hindi ko rin alam kung bakit nagwawala ang puso ko sa tuwing tinititigan siya.

LYALL'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon