"Beshywaps, thank you sa chocolates pero wala ka bang nauwi kahit isang Chris Evans diyan o kaya Henry Cavill?" Tanong kay Sidd ng isa sa mga girl best friends niya na si Belinda or Billie as she prefers to be called.
"Hello! Kung meron man, akin muna bago ko ibigay sayo." Ganting sagot niya kay Billie sabay bato rito ng bubble wrap.
"Kung pag untugin ko kaya kayong dalawa? Maka-demand kayo ng Chris Evans at Henry Cavill akala niyo di kayo in love since time immemorial dun kay Mikko at Kaizer na mga mukha namang kulugo!" Litanya naman ni Ellie, ang pinakamatagal na niyang kaibigan bukod kay Kaizer. They became friends when they were 10, then they met Billie and Avrille when they were 12, and the rest as they say is history.
Narito ang dalawa sa bahay nila para salubungin siya and of course para kunin ang mga pasalubong niya sa mga ito. Dinalhan siya ni Ellie ng paborito niyang salad na specialty ng Mama nito, at nag takeout naman si Billie ng pizza burger doon sa paborito nilang tambayan noong high school sila.
"Grabe ka naman sa mukhang kulugo, Ellie! Kung mukhang kulugo si Mikko edi wala ng gwapo dito sa earth!" Pagtatanggol ni Billie kay Mikko na matagal na nitong gusto since elementary palang sila.
Natawa naman siya kasi lagi silang ganito. She and Billie are both hopeless romantic, and then there is Ellie with her realistic and sometimes cynical view in love who balances them out.
Ellie rolled her eyes. "Basta mga mukhang palaka ang members ng The Heartbreak Project para sa akin."
"Sidd, reto mo nga 'to kay Chase o kaya sa mga kasama mong male models para naman mabawasan ang pagiging ampalaya." Sabi naman sa kanya ni Billie.
"Sure, balita ko single si Chase ngayon." Pakikisakay niya kay Billie.
Inirapan sila ni Ellie. "Nasaan na ba kasi si Avrille? Kelan daw uuwi dito?" Pag-iiba ni Ellie sa usapan.
Avrille's their other close friend at isa ring tanyag na supermodel. She's half French, British, and Filipino. Diplomats ang mga magulang nito kaya bukod sa pagiging abala sa career nito ay abala rin ito sa pag-aattend sa iba't ibang society functions sa iba ibang bansa kaya di nila ito madalas makasama.
"Uuwi raw siya three days from now for the End of Year Philippine Fashion Week and dito rin ata sila magpapasko and New Year. Pumunta kayo ah? Support niyo kaming dalawa." Sabi niya sa dalawang kaibigan.
"May choice ba ko?"
"Nandoon ba si Mikko?"
Natawa siya sa dalawang magkaibang sagot ng mga ito.
"Yes, Ellie wala kang choice, and Billie, I'm not sure kung kasali si Mikko sa Fashion week sabi kasi ni Kaizer ginawa ng presidente ng The Elizalde Group si Mikko ni Tito Eduard." Sagot niya sa dalawa.
"Ang sigurado akong pupunta ay si Kaizer and his family. Tita Marianna and Tito Ben said they'll be there to support me, pati na rin sina Ate Kass, Kiara, and Keona." Nakangiti at kinikilig niyang sabi sa mga kaibigan.
"Edi sana all kilala ng buong angkan ng best friend. Samantalang ako Miss Invisible." Naiingit na sagot ni Billie.
"Hindi pa kayo ni Kaizer sa lagay na yan ah?" Sabi naman ni Ellie.
"Small things, ako lang 'to guys." She said shrugging.
"Anyways, sabi ko naman sayo Billie magpalit ka na ng crush. Ang yabang kaya ni Mikko at napaka playboy pa!" Sabi niya kay Billie.
Even though Mikko is Kaizer's male best friend, she somewhat hated the guy. Hindi niya makakalimutan na inasar siya nitong masakit ang tiyan porket pinagpapawisan siya kahit may aircon yung classroom nila.
BINABASA MO ANG
Waiting For Serendipity (The Heartbreak Project #2)
RomansaShe's a shy introvert. He can charm and sweep anyone off their feet. She's soft-hearted and kind. He takes no shit from anyone. She's a supermodel. He is destined to lead an empire. She's a hopless romantic. He doesn't have time for love. She's...