CHAPTER 20: Second Wish

871 25 12
                                    

Third Person POV

Sa ilang araw na nagdaan ay naramdaman na ni Angel at Ethan na may alam na si Calix kaya lahat ay ginawa nila para muling mapaamo si Calix, tinatagtag ni Angel ang shares nya sa kompanya nila Calix kaya walang nagawa si Calix muli nyang inamo si Angel.

Ang tusong babae humingi ng kapalit kay Calix ng sa ganun ay ibalik nito ang shares nya, hindi naman nakatanggi si Calix kahit na alam nyang masasaktan si Samantha.

Hindi lamang masasaktan dahil tiyak na kamumuhian sya nito. Kaya't pinangako nya sa kanyang sarili na pagbabayarin nya ang lahat ng mga taong pinaikot sya.

At hahayaan nya na din ang asawa na maging masaya, dahil alam nyang sobrang masasaktan ito sa binabalak nya, wala syang magagawa ito ang kapalit na hiningi ni Angel kailangan nya itong sundin kahit labag sa loob nya.

Ito ang napiling nyang solusyon sa problemang maaring dalhin ni Angel sa kompanya nila at sa buhay ng asawa nya. Mas maganda na ang saktan ito kaysa tuluyang mawala ng panghabambuhay, mas gugustuhin nya pang makita ang asawa na masaya sa iba kaysa pinagluluksaan.

Patungo na sila ngayon sa Palawan, balak nilang gamitin ang private jet na inihanda talaga ni Calix papuntang Palawan dahil matatagalan nga naman kung hindi sila gagamit ng private.

Tahimik lang ang naging byahe nila matapos ang pagtawag ng pinsan ni Samantha na si Max na talagang hindi masyadong kasundo ni Calix, sapagkat una palang ay tutol na ito sa kanilang relasyon noon.

Batid ni Max na may ibang babae pa noon si Calix at sinasaktan nya lang ang pinsan nito, kaya kahit noong maikasal na sila ay hindi parin sya kinikibo ni Max. Sa tagal ng byahe papunta sa kinaroroonan ng private jet ni Calix ay muli nanamang nakatulog si Samantha.

Hindi naman mapigilan ni Calix ang mapangite ng makita ang asawang himbing na natutulog, inayos nya ang pwesto nito at saglit na napawi ang ngite matapos maalala ang kasunduan nila ni Angel. Hindi nya gustong makita ang malulungkot na mata ni Samantha.

Sobrang laki ng pagsisisi nya noong malaman nya ang katotohanan tungkol sa pagtataksil ni Angel sa kaniya, kaya hindi nya maatim na muling bumalik sa asawa dahil masyado nya itong nasaktan at ayaw nyang muli nanaman itong lumuha.

Sa kabilang banda ay tahimik na binabagtas ng dalawa ang daan patungo sa lugar kung saan matutupad ang kahilingan ni Samantha, mabilis na dumaan ang mahabang oras nakarating na sa Palawan ang dalawa at mahimbing paring natutulog si Samantha.

Marahil dahil ito sa epekto ng inilagay na pampatulog ni Calix, ginawa nya iyon upang mas maging madali ang plano nyang sorpresa sa asawa nya.

Sobra ang sikap na ibinigay ni Calix para lang maisakatuparan ang huling hiling ng asawa, sisikapin nya parin itong maging espesyal at hindi malilimutan ng asawa.
_______________________________________________

Samantha POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko, ang gaan ng pakiramdam ko, pakiramdam ko nakalutang ako sa langit, langhap ko ang init ng hangin na nagmumula sa dagat, masyado atang humaba ang oras ng tulog ko at hindi man lang ako nagising sa byahe.

Luminga linga ako, at napagtantong wala na ako sa loob ng kotse kundi nakahiga na ako sa isang malambot na kama napapalilibutan ako ng mga unan, nakarating na pala kami dito bakit hindi man lang ako ginising ni Calix? andami kong gustong itanong, teka nga asan na ba ang lalaking iyon?

Bumangon ako sa kama at pilit na hinahanap ang bulto ng asawa kong si Calix, ngunit hindi ko sya mahanap sa bawat sulok ng kama hanggang sa pagbaba ng hagdan ay may naamoy akong mabango na nagmumula sa kusina, sa amoy palang nito ay tiyak na masarap na talaga.

The Secret Wife of Professor Calix Where stories live. Discover now