CHAPTER 17: First Wish

685 13 0
                                    

Samantha P.O.V

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng mag-sorry sa akin si Calix ngunit wala parin namang nagbabago sa pakikitungo nya.

Hindi ko naman hinihiling na magbago sya pero may part kasi sakin na umasa eh.

Well ano pabang inaasahan sa nagdaang dalawang araw nabuo nadin ang araw ko ng hindi ko hinahanap ang presensya nya.

Nabuo ang araw ko na hindi ko kinakailangang manlimos ng atensyon nya at magkandarapa sa paghahabol sa kanya.

Palagi narin akong nakatawa kasi naman
palagi kong kasama si Axe wala kasi si Dark mga dalawang araw na ang nakakaraan dahil sinusundo nya na ang girlfriend nyang si Max.

Saka magbabakasyon din daw sila ng girlfriend nya kaya baka sa martes pa sya makakabalik mahaba-haba ang bonding nila sa isat'isa.

May balak daw kasi si Max na magtake ng bored exam dito sa pilipinas actually medicine din daw ang  kinukuha nya, sobrang bait daw si Max kwento sa akin ni Dark medyo hawig ko pa nga daw eh.

Kaya masasabi kong swerte si Dark sa girlfriend nya dahil mabait daw ito at medyo hawig ko pa daw sasabay din daw mag board exam samin si Max this month ay mage-exam na din kasi ako upang matupad na ang matagal ko ng pangarap.

Since alam na nila Axe, Ellijah at Dark ang secret ko shinare ko na din sa kanila ang mga pangarap ko after kong mag-take ng exam.

After kasi ng board exam at kapag nakapasa na ako I will be a license Doctor after kung maging license Doctor I will take down my companies ako na muna ang mamahala ng lahat  ng aking kompanya.

Kasama na din dito yung iba kong mga resources na pinahandle ko muna sa katiwala ko.

Yun lang ang alam ko tungkol kay Dark  kaya simula nun si Axe at Ellijah na ang palagi kong kasama tinanggal ko na nga rin pala bilang SSG Vice President si Ethan noong una ay umaangal pa sya ngunit kalaunan ay pumayag rin.

Wala syang magagawa ako may ari ng school na to eh kaya ako ang may karapatan magtanggal at maghalal ng bago.

Nalaman ko din na mayaman din itong si Ethan at ayon sa private investigator ko nagsama daw ng shares si Ethan at Angel para pabagsakin ang  Hernandez Group Inc ang pinakamalaking kumpanya nila Calix.

Ito ang kompanya nila ng mga magulang nya at kung ito ang pababagsakin paniguradong malulugi sila dahil isa lang ang kompanya nilang kayang mag-import ng mga produkto.

At kung mawawala pa ito malaki ang kukulangin in short malulugi sila. Kumpanya ko lang naman ang nagbibigay suporta sa kanilang kumpanya eh.

Pero walang nakakaalam nun na ako ang may pinakamalaking shares sa kompanya nila kaya kung tutuusin kumpanya ko din yun.

Dumaan ang dalawang araw na wala kaming pansinan sa school, well ginusto nya yun eh kaya pangatawanan nya.

Saka hindi rin ako kampante sa sorry nya. Tulad nga ng paulit-ulit ko ng sinasabi tapos na akong maghabol sa kanya.

Sa dalawang araw na nakalipas pansamantala kong nalimutan ang masasakit na nangyari sa buhay ko. Dahil sa may dalawang kalog akong nakakasama.

Wala rin akong balita kay Angel ngayon dahil hindi na sya ang laman ng usapan masyadong maingay ngayon sa campus ay ang magaganap na bakasyon ng mga studyante.

Kanya-kanya sila ng suggestions kung saan magbabakasyon mahaba-haba daw kasi ang 5 days na bakasyon na iyon.

Swerte sa ibang studyante ang bakasyong iyon ngunit para sa akin isa yung sinumpang araw dahil malapit na pala ang aking kaarawan.

The Secret Wife of Professor Calix Where stories live. Discover now