Calix P.O.VAgad akong dumiretsyo sa parking lot ng school kailangan kong umuwi sa condo upang malaman ang totoo.
Dahil hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalaman ang totoo pagkakita ko sa kotse ko ay sumakay na ako at pinaharurut ito.
Malapit lang naman ang condo sa school mga 25 minutes lang ang byahe kung tutuusin nga ay pwedeng-pwede itong lakarin.
Kaso nga lang hindi nila afford mahal kasi ang isang unit dito siguro mga 1.2 million ang isang condo oh mas mataas pa.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa parking lot agad ko ng pinark ang kotse ko at dali-daling pumunta sa aking unit.
Ng makarating ako soon tumambad sa akin ang tahimik at malamig kong condo. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon.
It's really driving me crazy, I do feel nervous but I didn't know why, maybe I'm just hallucinating but I can't ignore the fact that I'm curious about that memory card.
Hinanap ng mga mata ko kung saan ko nilagay yung coat ko at nakita ko ito sa may ibabaw ng kama mukang hindi ko na talaga toh naayos kaninang umaga dahil sa pagmamadali.
Kinapa ko ang bulsa at doon ko nakita yung memory card na pinag-agawan namin ni Sam kagabi.
Mukhang ang alam nya talaga ay itinapon ko na ito kinuha ko ito at pinakatitigan ito ang susi para malaman ko ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng slacks ko at ikinabit doon yung memory card ng cellphone ni Samantha.
Naupo ako sa aking kama habang kinakabahang tingnan ang files. Pagbukas ko ng files tumambad sa akin ang mga stolen picture ko na tulog.
May isang tulog sa sofa, tulog sa mesa, at isa ang nakaagaw ng pansin ko tulog ako sa office at kinuha an nya ako ng picture ng kasama ko sya ngiting-ngiti sya dito sa picture na toh.
Pinagpatuloy ko lang ang pagbuklat sa files nya at nakita doon yung pictures namin sa Tagaytay may pangalan pa ang mga document na iyon " Our First Travel Together" hindi ko alam pero napangite ako sa mga pictures nya na nakikita ko dito sa files nya.
Ngunit may isang document na naka-agaw ng pansin ko sobrang mala drama ang title nito eh "The Mistress Secret" alam ko sa sarili ko na ito na yung ebedinsya kaya kinakabahan ako.
Walang alinlangan ko itong pinindot kahit na kinakabahan ako at napunta ito sa video kung saan pumasok si Angel sa lumang library at humarap sa lalaking nakaupo sa sofa.
Hindi pa masyadong makita ang mukha nung lalaki pero rinig na rinig ko naman ang usapan nilang dalawa.
Rinig na rinig ko na hindi ko anak ang dinadala ni Angel at pera lang ang habol nya sakin at balak nya ding sirain ang marriage namin ni Samantha, well magaling sya dahil sira na ang marriage namin matagal na. At sa tingin ko ay wala ng balak makipag ayos si Samantha dahil sa mga kag*guhan kong ginawa.
At ang buong akala nya pa mahirap lang si Samantha hindi nya ba alam na mayaman din si Samantha?
Palinaw ng palinaw yung kuha ng camera kitang-kita ko na ngayon kung sino yung lalaki sa video sya si Ethan Evangelista SSG Vice President ng school at kitang-kita din sa video ang ginagawang kababuyan ng dalawa.
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko halo-halo ang emosyon ko, galit ako galit na galit sa sarili ko dahil hinayaan kong maloko ako ng tulad nila.
Hindi ko man lang narealize na grabe na pala yung mga pagtitiis sa akin ni Samantha at hindi ko man lang sya hinayaang magpaliwanag kanina.
Pinarusahan ko pa sya sa Dark Jail ng hindi ko man lang nalaman ang totoo, hindi nya talaga ako deserve may mas bagay pa sa kanya at hindi ako yun.
Hindi ako na walang ginawa kundi ang paulit-ulit syang saktan, walang ibang ginawa kundi ang pagdudahan at husgahan sya. Walang ibang ginawa kundi ang itaboy sya at ipawalang bahala ang nararamdaman nya.
Ibabalik ko na sana sa exit pero may isang document pa pala ang akong hindi nabubuksan kaya agad ko itong binuksan baka may importante pa ditong papeles eh.
1 week before my birthday yun yung nakalagay sa files oo nga pala malapit na ang birthday nya sa susunod na martes na nga pala.
*My wish for my upcoming birthday
1.Gusto ko magkaayos na kami ni Calix
2. Gusto ko pumunta ulit sa Tagaytay kasama si Calix.
3.Gusto maligo sa Palawan kasama si Calix mga 4 days sana kami dun.
4. Gusto ko manood ng star kasama parin si Calix
5. Gusto ko maging masaya at memorable ang birthday ko na kasama si Calix .Ganito nya ba talaga ako kamahal na kahit sa mismong birthday nya ako parin iyong iniisip nya?
Na kahit ilang beses ko syang saktan ako parin yung mahal nya.
Kahit ilang beses ko pa syang ipagtabuyan ako parin yung gugustuhin nyang makasama. Ganito naba talaga ako kasama para hindi ko tuparin yung mga kahilingan nya.
Ito lang yung naiisip kong paraan para makabawi man lang sa mga pagtitiis nya sakin kahit ito man lang wish nya matupad ko.
Bakit ba kasi hindi ko sya magawang mahalin manhid ba talaga ako para hindi mapansin oh maramdaman man lang yung puso ko.
Tutuparin ko mga kahilingan mo Samantha pangako yan total wala namang klase starting Friday walang pasok hanggang mag Tuesday.
Okay na okay yung time na yun para hindi makasagabal sa pag-aaral nya dahil isang exam nya nalang pwede na syang magtraining at mag-take ng bored exam.
At pagkatapos nito sisiguraduhin kung hindi kana ulit masasaktan sakin huling saad ko bago ko binalik sa bulsa ng slacks ko ang phone ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/317029630-288-k380174.jpg)
YOU ARE READING
The Secret Wife of Professor Calix
CasualePrologue "P-please Calix, I'm begging you don't leave me!nagmamakaawa kong iyak dahil nagbabalot na sya ng mga gamit nya" "Samantha please! let's end this marriage it's not working good you know, j-just please sign those f*c*ing papers ng matapos n...