Chapter 18

63 0 0
                                        

(woah. Wait. You mean to tell me, you're in love with a... woman?)

"I don't know. Nako-confuse pa ko. Sobra akong nalilito."

(Kaibigan mo ba?)

"Yes. Roommate ko pa." then huminga ako ng malalim.

(Oh. Shooks, but tanggap kita. Kahit lesbian ka pa. haha)

"Ey! i'm not a lesbian okay?"

(Okay, okay. Anyway, maganda ba yung girl?)

"yep. Artistahin."

(Mabait naman ba?)

"oo, kaya nga ako nagkagusto dun. Mabait, masaya kasama, matalino, lahat na eh."

(So, you mean to tell me, gusto mo na talaga siya?)

"what!? uhmm, no.. papakiramdaman ko pa.. di ko alam. Tsk, nalilito talaga ako."

(Look, if you really like her, wag mo nang ideny pa. If you like or love someone, tell them. For hearts are often broken by words left unspoken.)

"You're right. But, pano kung girl crush lang diba?"

(Crush, okay. Ang crush, isip at mata lang. Eh pag Love? puso at kaluluwa.)

natameme ako sa sinabi niya. Alam kong sa sarili kong gusto ko siya. Pero pilit na dine-deny ng isip ko.

If my mom finds out about this, jusko baka mag ka world war III,

I really don't know what to do. Hays, bahala na nga! kung ano ang dapat mangyari, MANGYAYARI!

Yam's POV

What happened?? ughh!! why do I always feel this?

nung umalis siya, hindi na ko nakapag review pa.. puro siya nasa isip ko.

Ughhh, anong gagawin ko?

Bumili muna ako ng Ice cream sa labas. I need to relax my mind, masyadong magulo ang naiisip ko ngayon.

It's frustrating.

Nakatayo ako sa labas, enjoying my ice cream. Nang nakita ko Vina.

Eto nanaman heartbeat ko. Tsk.

"Vina!" out of nowhere bigla kong sinigaw pangalan niya.

Damn!

Tumakbo naman siya papalapit sakin. Tumawid siya.

Bumagsak yung Ice cream sa lapag. Bigla akong nanghina.

Nakikita kong papalapit na yung mga tao kay vina.

Bigla akong tumakbo kung san siya nakahiga.

Habang sorry ng sorry yung Driver na nakabundol kay Vina, iyak ako ng iyak.

Hawak hawak ko yung katawan niya.

Isinakay siya sa Van na nakasagasa sakanya.

Yung paligid ko nag blurred. Namanhid buong katawan ko, at bigla akong nahirapan sa paghinga.

No, vina, please. Wag ngayon. Please stay.

Kinakausap ako nung mga tao sa loob ng van, pero di ko sila maintindihan. Nakatingin lang ako kay vina na nakahiga sa lap ko.

Bakit naman ganto? bakit sa dami ng tao, siya pa? yung taong MAHAL ko pa.

Hindi ko alam kung pagsubok lang to, pero alam kong hindi siya papabayaan ni God.

Habang tinatakbo siya sa operating room ay tinitignan ko lang siya. Sobra kong nanghihinang makita siya. Puro dugo, na alam kong anytime pwede siyang mawala sakin..

Hindi pa ko handa dun.

Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang hina.

Tinayo ako ng mga nurse at pinaupo, binigyan nila ako ng tubig para pakalmahin ako.

Maya maya dumating sila Ezra, hiro, at Jhay.

Niyakap ako ni Ezra.

"Anong nangyari!?" tanong niya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Bigla nalang ako humagulgol ng humagulgol habang yakap ako ni ezra.

"She'll be fine. Trust me." Sabi ni jhay.

Hiro's POV

"Uy. May nasagasaan daw na estudyante dito ah?" -Girl 1

"Oo nga. Kawawa nga daw. Nakita nung pinsan ko yung pangyayari." -Girl 2

"Nakilala mo ba yung girl?" -Girl 1

"Mhm. Vina ata name nun. Tourism yung course." -Girl 2

What the?

Agad akong tumakbo kay jhay.

"Pre pre! Si vina naaksidente!?"

"Ano!?"

Tumakbo kami para tanungin yung guard kung saang ospital dinala si Vina, nang nakasalubong namin si Ezra.

"Hiro. S-si Vina." Manginig nginig na sabi niya.

Shet. Ano ba tong nangyayari ngayon. Bat parang ang bilis nang mga nangyayari. Ugh! Damn it.

Agad naming pinuntahan yung sinabing Ospital. At agad na bumungad samin si Yam dun.

Putlang putla at tila takot na takot siya.

*few hours later*

"Sino po ang kamag-anak ng dalaga?" Sabi nung doktor.

Pabilis ng pabilis ang tibok na puso ko. May takot parin na bumabalot saakin.

"Kaibigan po kami." Sabi ko.

"Well, mga ijo at mga ija...."

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon