It makes you feel alive if you really mean to live.
Alam kong maraming bagay akong nakalimutan mula noong nawala si papa. Nawala ang kabataan ko. Mula noong nagkasakit siya iginugol ko ang sarili ko sa pagaasikaso sa kanya at sa pagaaral ko. Maging pagaaral ko naapektuhan. Nilayuan ko lahat ng mga kaibigan ko. Nawala ang saya ko. Puro lungkot at takot na hinihintay ko nalang ang araw ng pagkawala niya. Nawala ang pangarap ko. Ang pangarap ko para sa amin na sana balang araw maiisipan nilang bumalik muli sa isa't isa at maging buo ulit kami. Pero paano mangyayari iyon kung wala na ang papa ko? Hindi na kami mabubuo pang muli. Nakalimutan kong mabuhay ng normal na tao at estudyante dahil sa mga naging problema namin.
Pero ngayon, unti unti ay gusto kong mabuhay muli at maramdaman muli ang mundo na ginagalawan ko.
"Anvi!!! Ang tagal tagal mo talaga!" Inis na kinatok ako ni Bea mula sa labas ng pintuan ko. Umirap ako bago tumayo mula sa kama ko.
"Nagaayos palang ako!" Inis na sagot ko habang pinagbubuksan siya ng pinto. Pinagmasdan niya ako pataas baba bago ngumisi.
"Ang ganda! Nakaka inlove." Ngiti niya bago tumakbo papuntang higaan ko at humandusay doon. Umirap muli ako.
"Pwede bang 'di nalang ako sasama? Pagod ako--"
"Hep hep! Walang dahilan dahilan sa akin ngayon! Ang tagal tagal mong hindi nagpapakita saking bruha ka. Kung hindi pa namatay ang papa mo hindi kana--" natigilan siya ng makitang lumungkot ang mukha ko sa pagkarinig ko sa papa ko.
"Oops. Sorry bez." Tinapik niya ang kanyang bibig at nagmura bago bumaling ulit sakin.
"Sama kana kasi please? Ibabalik naman kita bago mag alas dose e." Makaawa niya kaya wala na akong nagawa kundi tumango.
"Yes!" Aniya niya bago tumayo.
Inayos ko narin ang combat boots ko bago siya senyasang umalis na kami.
"Ma! Alis na po kami!" Sigaw ko kay mama kahit na hindi ko naman alam kung nasaan siya.
"Wala siya ate. Pumunta ng barangay hall!" Sagot ni Shaily ng nadatnan ko siya sa sala at nanunood ng paborito niyang teleserye. Tumango nalang ako.
"Pakisabi nalang na idadaan ako ni Bea dito at hindi ko na kukunin sasakyan ko ha?" Sabi ko bago binalingan si Bea na ngayon ay nasa vanity mirror.
"Bea! Tara na!" Hinatak ko na siya at umalis na kami sa loob ng bahay papunta sa kanyang sasakyan.
"Aray naman Anvi! Makahatak ka akala mo pareho tayong naka combat a!" Reklamo niya. Umirap nalang ulit ako at pumasok sa passenger's seat ng sasakyan niya. Dali narin naman siyang umikot at sumakay.
"Excited ka na ba?" Kindat niya sa akin kaya natawa ako. Nakakapag bar din ako sa Manila dati pero hindi ko hinahayaan ang sarili kong malasing.
Mabilis ang naging byahe namin dahil wala masyadong traffic. Ipinarada ni Bea ang sasakyan niya sa tabi ng isang malaking bar at kita palang sa labas ay alam mong buhay na buhay na ito. Pagkababa ko ay huminga ako ng malalim.
Matagal narin akong hindi nakakapunta sa isang kasiyahan. Matagal akong nanatili sa bahay at ikinulong ang sarili. "Tara na!" Nabalik ang sarili ko ng magsalita si Bea at hinatak ako.
Kita mula sa kinatatayuan namin ang haba ng pila sa nay entrance ng bar. Pero dumiretso lang kami ni Bea sa harap at may ipinakita siya sa guard.
"She's with me." Sabi ni Bea sa akin, tumango ang guard at pinapasok kami ng walang kahirap hirap.
Pagpasok palang namin sa loob ay amoy ko na ang halong alcohol at usok na nagmumula sa sigarilyo sa buong bar. Luminga linga ako.
"Paano mo nagawa 'yon?" Tanong ko kay Bea ng naglalakad parin kami at nakikisiksikan sa mga tao sa loob.
BINABASA MO ANG
Different ways to love you
WerewolfBeing loved and in love is one of the greatest feeling in the world. Akala ko ay kapag nagmahal ka at minahal ka rin niya ay sapat na. Pero hindi ko aakalain na hindi lang pala normal na pagmamahalan ang kakaharapin ko. Hindi ko alam na ang mundo a...