Werewolves may look different from people but they are kind and beautiful.Napapangiti ako habang binabasa ang mga naisulat ko sa journal ko. Ito ang una kong naisulat. Hindi man ito sinabi ni Jam sa akin pero ito ang nalaman ko tungkol sa kanila.
Hindi nila alam iyon pero ramdam ko naman.
Napakagat ako sa ibaba kong labi ng maalala ang nangyari kagabi. Si Axel ay pumasok ng aking kwarto na hindi ko alam kung bakit. Sabi naman ni Daren noon ay walang sinomang lobo ang makakapasok kahit sa gate lang namin pero hindi ko alam kung paanong nakapasok si Axel.
Noong una ay nakakatakot siya. Pero ngayon ay gustong gusto kong nakikita ang pulang mga mata niya. It's so fascinating. It's so beautiful.
"Ano naman iyang isinusulat mo ngayon?" Tanong ni Daren ng makaupo siya sa tabi ko. Nasa bench kami kung saan lagi kaming tumatambay kung walang pasok. Dinungaw niya ang journal ko at binasa iyon.
"Werewolves never get drunk." Tumawa siya. Sumimangot ako pero alam ko namang tama ako.
"Sinabi ba ni Jam sa'yo 'yan?" Tanong niya.
"Oo. E, tama naman a!" Agad kong inilayo ang journal ko sa kanya bago nilingon si Greg ng magsalita.
"Pumasok kana sa classroom mo. May klase pa kami ni Daren." Magkasalubong ang kilay niya na parang nagbabanta. Alam kong hindi ko na mababago ang ugali ng isang ito. Sobrang sungit niya!
"Mauna na kayo. 28 minutes pa bago ang klase ko." Sagot ko ng nakita ang oras sa aking wrist watch. Nakita ko pa ang pag-irap niya na parang isa akong malaking pasanin sa buhay niya. Hindi ko nalang pinansin.
"Mauna kana, Greg." Sagot naman ni Daren bago niya muling dinungaw ang journal ko pero hindi ko na iyon ipinakita sa kanya. Tatawanan lang niya ako.
"Hindi ba ay kaklase mo si Jam ngayon?" Tanong ni Daren sa akin. Tumango ako.
"Oo. Malapit na sigurong matapos and klase noon." Napalingon ako sa iilang babaeng napapalingon sa gawi namin. Gusto ko mang patulan sila sa tuwing iniirapan ako ay hindi ko nalang pinapansin.
Masyado silang nagseselos sa mga atensyon na binibigay ng grupo ni Axel sa akin. Pero hindi nila alam na nakakatakot ang maging isang tulad ko.
"Bakit kaya napapaakit niyo ang mga babae? I wonder why." Ngumiwi ako ng humalakhak si Daren sa tabi ko.
"Ganyan nga kasi kayong mga mortal. Masyado kayong naaakit sa panlabas na anyo." Umiling siya. Sabagay ay tama naman siya.
"Pero napapaisip ako kung meron ba kayong kapangyarihang gawin iyon? I mean, paano?" Hindi ko talaga maintindihan. Humalukipkip si Greg sa sinabi ko.
"Wala. Natural na sa inyong mga mortal iyon. At para sa inyo ang unang tinitignan ninyo ay ang panlabas na anyo. Kahit hindi niyo man aminin ay iyon ang totoo." Ngumuso ako. Alam kong tama naman siya. Natural na iyon pero bakit parang ang hirap aminin? Minsan ay nakakabulag ang panlabas na anyo.
"Pero mas naaakit kayo sa amin kaysa sa ordinaryong tao dahil sa mga mata namin. You may not notice it but we do." Agad kong isinulat iyon sa aking journal. Pero napatigil ako ng may maisip.
"Naakit niyo ba ako sa mga mata niyo?" Tanong ko. Mahinang tumawa si Daren sa tabi ko pero si Greg ay seryoso parin ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Different ways to love you
WerewolfBeing loved and in love is one of the greatest feeling in the world. Akala ko ay kapag nagmahal ka at minahal ka rin niya ay sapat na. Pero hindi ko aakalain na hindi lang pala normal na pagmamahalan ang kakaharapin ko. Hindi ko alam na ang mundo a...