Chapter 7

100 4 0
                                    

Hindi ko aakalain na hanggang paggising ko ay si Axel parin ang nilalaman ng utak ko.




Inis akong bumangon at nilingon ang alarm clock ko na hindi pa tumutunog.



Alas sinco palang pero gising na ako. Parang hindi nga ako nakatulog dahil hindi maalis sa isip ko ang muntik nang paghalik ni Axel sa akin kagabi.




Bumaba ako sa kama at agad narin na dumiretso sa banyo para maligo.



Mabuti nalang at malamig ang tubig kaya nahimasmasan ako doon. Hindi ko nga alam kung bakit pati sa pagtulog ay napunta sa panaginip ko ang mga labi ni Axel.




Pinokpok ko ang sarili kong ulo ng maalala muli ang panaginip na iyon. Agad akong naghugas ng katawan bago ako nagpatuyo at lumabas na ng banyo.



Napamura pa ako ng pagbukas ko sa pinto ay nakaupo sa aking kama si Dane na prenteng nagbabasa ng comics.




"Ano'ng ginagawa mo dito?!" Hinigpitan ko ang hawak sa twalya ko. Umangat ang tingin niya at tumaas ang kilay. Itinabi niya ang comics na hawak niya sa kama at ngumisi.




"Umagang umaga nagbobold star ka?" Tumawa siya pero agad ding itinikom ang bibig at parang natahimik na may narinig. Magsasalita sana ako ng bigla siyang tumayo at tumalikod.




"Babalik ako mamaya, Anvi!" Aniya. Isang iglap ay nawala na siya na parang bula. Kumunot ang noo ko at nilingon ang bintana.



Nakita ko si Dane sa may gate kausap si Axel. Kumabog ang puso ko ng lumingon siya. Nanlaki ang mga mata niya ganoon din ako. Agad akong nagtago sa gilid ng bintana at mabilis na huminga.



Lumunok ako ng maalalang nakatapis pala ako. Shit Agad akong tumakbo papunta sa aking cabinet para kumuha ng damit. Kinuha ko ang jeans at shirt ko. Pati ang mga underwear ko. Agad akong nagbihis.



Nang makapagbihis ako ay sumilip akong muli sa bintana para tignan kung nandoon pa sila pero wala na. Bumagsak ang balikat ko. Napaisip tuloy ako kung hanggang pagtulog ko ba ay binabantayan nila ako?



Bumaba na ako ng makapag-ayos ako sa sarili. Nagluluto na si mama ng makarating ako sa kusina.



"Ang aga mo naman." Lumingon siya sakin hawak ang palayok. Isinalin niya ang mga linutong hotdog sa plato.



"Maaga po kasi akong nagising." Sagot ko umupo ako sa hapag at kumuha ng plato at kubyertos.



"Huwag ka munang masyadong gumagala dyan sa labas ha? Hindi pa nakikita ang hayop na sumugod kay Darwin." Ani mama habang nagtitimpla siya ng kape. Tumango ako at tumayo para magtimpla din ng gatas.



"Nakausap niyo na po ba si Darwin, ma? Kamusta ang lagay niya?" Umupo si mama at napailing.


"Sabi niya malaking hayop daw iyong sumugod sa kanya. Mabuti nga at biglang may pumigil sa hayop na iyon e. May lalaki daw na tumulong sa kanya noon hindi lang niya mamukahan kasi gabi na." Tumango ako bago umupo sa silya. Pinagmasdan kong humigop ng kape si mama.


"Ma, hindi po ba delikado sa inyo ang magronda gabi gabi?" Tanong ko sa kanya. Tumusok siya ng hotdog gamit ang tinidor at inilagay sa kanyang plato.


"Marami naman akong kasama. Huwag kang mag-alala. 'Tsaka ako ang kapitan dito sa lugar natin. Tungkulin ko iyon, nak." Tumango agad ako. Alam ko naman iyon pero talagang natatakot ako para kay mama.

Ayokong pati siya ay mawala sa amin.


Nang matapos akong kumain ay hinandaan ko ng pagkain ang dalawang alaga kong aso. Hawak ko sa magkabilang kamay ang pagkain nila. Lumabas ako sa bahay at nadatnan doon ang dalawang naglalapungan.



Different ways to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon