Chapter 3

115 6 2
                                    

New life, new school, new environment.

Nakaka-excite man na pumasok muli sa pagaaral pero mukhang ngayon taon na ito ay nawawalan ako ng motivation. Hindi ko lagi nakakausap si mama dahil lagi siya sa hall. Naawa ako sa kapatid ko dahil mukhang hindi siya nasubaybayan ni mama ng maigi. Magkaiba sila ni papa. Lagi kaming nagbabonding ni papa, lagi niya akong binibigyan ng oras para makinig sa mga kwento at hinaing ko sa buhay. Pero si mama trabaho lang ang inuuna niya. Hindi ko naman iyon kinukwestyon pero gusto kong maramdaman na nandyan siya dahil kailangan din namin siya.

"Anvi, papasok kana? Akala ko ba ay alas nuebe ang unang klase mo ngayon?" Tanong ni mama ng makita akong nagliligpit ng gamit ko sa sofa. Luminga siya sa wall clock.

"Alas otso palang a. Maaga pa." Pagpapatuloy niya. Inayos ko ang sneakers ko bago tumuwid ng tayo.

"Gusto ko kasing pasyalin ang bagong school ko, ma." Sagot ko sa kanya pero mukhang hindi siya kontento sa sagot ko. Hindi ko alam na ganito pala siya kaistrikto.

"Hindi naman ako maglalakwatsa,ma e." Buntong hininga ko. Hindi ko alam na wala pala siyang tiwala sa akin. Noong bata ako ay gusto ko siyang sisihin sa pagkawatak ng pamilya namin pero pinaliwanag sa akin ni papa na walang kasalanan si mama doon dahil si papa mismo ang nagdesisyong umalis kasama ako.

"Ayoko lang naman na mabarkada ka anak. Alam ko lahat ng mga schedule mo. Hahayaan kitang lumabas kapag walang pasok para makasama mo si Bea. Pero kapag may nalaman akong hindi maganda Anvi, sinasabi ko sayo pagsisisihan mo." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Hindi ko aakalaing pagdududahan niya ako ng ganito. Buong buhay ko lahat ng sasabihin ni papa tinutupad ko at ganoon din ang gagawin ko sa kanya dahil ina ko siya.

"Opo, ma. Alis na po ako." Sagot ko nalang bago ko isinuot ang jacket ko at kinawit sa balikat ko ang backpack ko. Hindi na ako lumingon pa sa kanya at deretso nalang ang tingin ko sa labas. Nakaalis narin si Shaily dahil maaga ang klase niya.

Pagkarating ko sa parking lot ng unibersidad ay kinapa ko ang cellphone ko para itext si Bea na nandito na ako. Alam kong nandito narin siya.

Ibinalik kong muli sa bulsa ko ang phone ko at muling naglakad. May mga iilang estudyante narin akong nakikita. Most of them ay mga couple. Holding hands while walking. Napangiti ako. Naalala ko ang boyfriend kong walang ibang ginawa kundi ang lokohin ako. First year college ako ng manligaw siya sa akin at almost three months siyang naghintay at nagtyaga. Dahil sa nakikita ko naman ang determinasyon niya ay tinanggap ko siya sa buhay ko.

Masaya kami. Sobrang saya namin, kahit na ayaw ni papa sa kanya pero kasi noong una wala naman akong makitang dahilan para hiwalayan siya dahil kahit na playboy siya ay nirespeto at alam kong minahal niya ako, kaya lang nang magtatlong taon na kami at noong sobrang hirap ako sa pagaalaga kay papa. Doon na siya nagbago. Nawala na ang oras niya sakin. And the next worst thing I saw in his apartment? Is my one only friend whom I trusted for all my life in Manila. Pero sila pala ang loloko sa akin. Nakita ko sila sa kama niya mismo at ayoko ng idetalye pa kung ano ang mga malalaswang pinaggagagawa nila.

Mula noon ay hindi na ako naniwala sa kasabihang ang playboy ay mababago ng pagmamahal. Dahil para sa akin a jerk is always be a jerk.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagkamuhi ay tumunog na ang aking cellphone.

Caf. I'm with Ruby

Dali kong itinago ang aking cellphone at naglakad papuntang caf. Malawak ang unibersidad na ito. Maingay, nakaka kaba, nakakatakot sa paraang parang hindi ako nababagay dito. Hindi katulad ng dati kong paaralan na alam mong panatag ako dahil kahit wala akonv kausap ay mababait ang mga propesor.

Different ways to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon