Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari.
Lahat ng mga pagbabantay ng mga kaibigan ni Red sa akin. At kung bakit nila ako binabantayan na parang may ginagawa akong hindi maganda at kung bakit nila ako pinagbawalang makita siyang muli.
Maski ako ay ayoko naring makita siya dahil nakakatakot siya. Gusto ko na tuloy bumalik sa Manila para lumayo lang sa kanila.
"May nakakita sa iyo kahapon na parang nagkasagutan daw kayo ni Axel. Na parang pinipilit mo yata siya." Napailing nalang ako sa mga lumabas na tsismis tungkol sa akin. Nilingon ko si Bea na ngayon ay naghihintay ng kung anong paliwanag mula sa akin.
"Bea, hindi ako ganong klaseng tao. At sino si Axel? Ni hindi ko yan kilala." Sagot ko pero kumunot lang ang noo niya.
"Axel, siya ang anak ng may-ari ng university na pinapasukan mo. Iyong lalaking sinasabi mo ring humalik sa iyo." Kumunot ang noo ko dahil alam kong hindi ko pa nakwento sa kanya iyon. Bumuntong hininga siya at humilig sa upuan niya.
"Sinabi sa akin ni Daren. Magkaklase kami kaya nagtanong ako sa kanya at sinabi naman niya sa akin ang mga nangyari sa inyo. Kung hindi ko pa tinanong ay hindi ko malalaman mismo mula sa iyo." Umirap siya sa akin kaya napailing nalang ako.
Pinasadahan ko ang mga taong naglalakad at may makahulugang pagtingin sa akin na parang may nagawa akong hindi kanais nais.
"Sinabi niyang hindi ko daw sasabihin sa kahit na sino dahil baka..." Natigilan ako dahil kapag nalaman nilang sinabi ko sa kanyang kinidnap nila ako ay baka sa puntong ito ay talagang papatayin na nila ako. Tinaasan niya ako ng kilay na parang naiinis na dahil sa paglilihim ko.
"Anvi!" Banta niya kaya bumuntong hininga ako.
"Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanila pero ayaw nilang ipaalam na malaman ng iba na hinalikan ako ng kaibigan nila. Baka kung ireport nila ako na manloloko o ano na baka sinisiraan ko ang kaibigan nila." Tumango siya kaya huminga ako ng malalim. Mabuti nalang at madali siyang maniwala sa lahat ng sinasabi ko.
"Hindi ko sasabihin sa kahit na sino. Ganyan kasi sila. Ayaw nilang masira ang reputasyon nila. Kahit mga barumbado naman. Pasimpleng playboy pa." Iling niya kaya tumango nalang din ako. Ayoko ng pahabain pa ang lahat ng ito kaya agad akong tumayo mula sa inuupuan ko.
"Mauuna na ako. May klase pa ako." Sabi ko kaya tumango siya at hinayaan na ako.
Napapalingon ako sa mga taong napapalingon sa akin na pinapasadahan nila ako mula ulo hanggang paa. Ayoko ng ganitong atensyon. Gusto ko lang na maging normal ang buhay ko. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang ang mga mapanghusgang mga mata ng mga estudyanteng akala mo ay mga perpekto.
Pagpasok ko sa entrance ng building ay nagulat ako ng nagpakita si Greg sa akin.
Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Mabuti nalang at wala akong hawak kundi ay talagang matatapon iyon sa lupa.
"Shit!" Mahinang sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang creepy ang aura nilang lahat lalong lalo na itong si Greg na muntikan na akong patayin.
Sumabay lang siyang naglakad kaya napatigil ako at hinarap siya.
"Ano bang gusto mo?" Tanong ko. Tinitigan niya ako ng tamad na parang ayaw niyang nandito siya ngayon.
"Alam mo, hindi naman ako gagawa ng ikakasama ninyo. Wala akong pagsasabihan ng kahit na sino--" napatigil ako dahil nilingon niya ako na parang naiinis sa boses ko.
"H-hindi ko rin sinabi kay Bea na tinangka niyo akong patayin." Tamad na inirapan ulit niya ako at muling itinuon ang mga mata sa daan. Naglakad narin siya kaya sinundan ko siya sa kanyang likod.
BINABASA MO ANG
Different ways to love you
WilkołakiBeing loved and in love is one of the greatest feeling in the world. Akala ko ay kapag nagmahal ka at minahal ka rin niya ay sapat na. Pero hindi ko aakalain na hindi lang pala normal na pagmamahalan ang kakaharapin ko. Hindi ko alam na ang mundo a...