Maybe he's not that bad after all.Napakagat ako ng aking ibabang labi habang pinagmamasdan ang binigay ni Red sa aking papel na bulaklak. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kahit na tipid lang ang pag-uusap namin kanina ay masaya na ako.
"Hoy!" Siniko ako ni Bea kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Ano 'yan? Sino nagbigay?" Tanong niya bago lumagok sa kanyang beer. Sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya. Halos hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil alam kong tutuksuhin niya ako.
"H-ha?" Napakamot ako sa aking leeg. "Kay Axel." Ngumuso siya na parang nanunuya kaya siniko siya.
"Tumigil ka nga!" Humagikgik siya at inakbayan niya ako.
"Gusto mo siya 'no?" Tanong niya kaya agad akong luminga linga at hinagilap kung may nakakarinig ba sa amin. Hindi ko makita ang iba.
"Hindi a! Bakit ko naman magugustuhan ang masungit na lalaking 'yon?" Umirap ako. Ngumiwi siya na parang hindi naniniwala sa akin kaya muli ko siyang siniko.
"Masungit pero binigyan ka niya ng bulaklak. Hindi nga lang totoo. Pero at least ikaw palang ang babaeng binigyan niya." Tumango tango pa si Bea. Bumuntong hininga ako. Kung alam lang niya kung sino ang lalaking iyon.
"Hindi niya ako gusto dahil may hinihintay siya, Bea. Alam ko 'yon dahil naikwento ni Jam sakin. May nakatadhana na para sa kanya at alam ko sa sarili kong hindi ko siya magugustuhan dahil iba siya." Kumunot ang noo niya. Sumimsim naman ako sa aking baso ng gin at muling tinitigan ang bulaklak.
"Anong ibig mong sabihin na iba siya?" Takang tanong niya. Umiling ako.
"Basta. Ayoko sa kanya. Nakakatakot siya." Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng lugar nakita ko siyang nakatingin sa akin kasama niya si Dane. Nang makita akong nakatingin sa kanila at agad na siyang tumalikod at umalis.
"Anong nakakatakot? Masungit lang naman. Ikaw talaga...."Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Bea dahil kay Axel lang ako nakatingin. Narinig niya ako. Narinig niya ang sinabi ko. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko naman alam kung bakit. Naiirita ako kapag nangyayari ito sa akin.
Bumuntong hininga ako ng makitang papalayo na siya kasama si Dane at wala man lang siyang lingon. "Anvi!" Pareho kaming napalingon ni Bea ng tawagin ako ni Jam.
"Umuwi na kayo ni Bea. Ihahatid namin kayo ni Daren." Aniya. Agad namang umangal ang kasama ko.
"Ni hindi pa nga kami nakakainom aalis na agad? Mamaya pa kami uuwi. Mauna nalang kayo. Nasaan na ba si Ruby?" Luminga linga pa si Bea at hinanap si Ruby ng mamataan niya na nasa isang lamesa si Ruby at nakikipagkwentuhan ay kinalabit niya ako.
"Doon lang ako kay Ruby, okay?" Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya agad. Napalingon ako kay Jam na nasa tabi ko.
"Ang kulit naman ng kaibigan mo." Umiling siya bago kumaway sa kung sino. Hindi ko nilingon at sa kanya lang ako nakatingin.
"Ngayon lang kasi ulit niya ako naisama. Kung gusto mong umuwi ay umuwi kana. Sabihin mo nalang kay Red na nakauwi na ako." Umirap siya.
BINABASA MO ANG
Different ways to love you
WerewolfBeing loved and in love is one of the greatest feeling in the world. Akala ko ay kapag nagmahal ka at minahal ka rin niya ay sapat na. Pero hindi ko aakalain na hindi lang pala normal na pagmamahalan ang kakaharapin ko. Hindi ko alam na ang mundo a...