CHAPTER TWO
ROSETTE
"Goodmorning, Sarah." bati ko sa isa sa mga maids namin pagbaba ko ng hagdan.
Lumibot ang tingin ko sa dining area but Arlo wasn't there. Maaga akong nagising pero wala na siya sa tabi ko.
"Sarah, nakita mo ba ang sir mo?" tanong ko.
Agad naman itong tumango. "Opo, maaga po siyang umalis habang may kausap sa cellphone. Importante yata kasi nagmamadali."
"Ahh." tanging sagot ko.
"Pero ma'am nagbilin po siya na iluto daw namin ang mga paborito niyo." pahabol nito na siyang ikinangiti ko.
Kahit busy siya hindi niya talaga makakalimutang bumawi sa'kin kahit sa maliit na paraan. Siguro dahil na rin sa nangyari kagabi. It was hard for both of us. He must've felt guilty for not being able to control his emotions.
May mga pagkakataon kasi na ganoon ang nangyayari but he's a good man. Hindi ko naman siya papakasalan kung hindi.
Naudlot ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang doorbell. Pupunta na sana ako para tignan kung sino iyon pero nag prisinta na si Sarah na siya na lang daw. Kaya naman naupo na lang ako sa hapag kainan para makakain na ng almusal.
Nagsisimula na akong sumandok ng pagkain nang makabalik si Sarah. Rinig ko ang pagbungis-ngis kaya nilingon ko ito.
She's carrying a bouquet of red roses at shopping bags ng Louis Vuitton.
"Oh? Saan galing yan?" tanong ko.
"Eh kanino pa ba, kay sir Arlo po. Ipinadala raw dito."
"Ha?" pangiti-ngiti kong tanong ulit at kinuha ito.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pulang rosas at tsaka ito inamoy. Hindi ko tuloy mapigilan lumapad ang ngiti dahil sa paandar ng lalaking iyon.
Habang inaamoy iyon ay nahuli ng mga mata ko ang card na nasa gitna nito kaya agad ko iyong kinuha para basahin.
Hi baby,
About last night. I really regret it. I hate myself for making you cry and I'm sorry. Please accept these apology gifts from me. I took an inspiration from your closet before buying those so I hope you'd like them.
P.S. Even if I give you my card. I know you wouldn't buy anything for yourself. Kaya ako na ang gumawa. I love you, sweetheart.
Your Husband.
"Aww! Ang sweet naman ni Sir!" napalingon ako kay Sarah na kanina pa palang nakikibasa sa likod ko.
Natawa na lang ako at sinara ulit ang card. Kinuha ko ang mga shopping bags at binuksan iyon isa-isa. Merong shoes, bags and clothes.
Ganito ba talaga magbigay ng peace offering 'tong mayayaman? Luxury brands?
Napatawa na lang ako sa isip.
But kidding aside. Kahit noong nasa dating stage palang kami, he always buy me things like this. Kaya minsan ay napagkakamalan na siyang sugar daddy ko.
"Ma'am lalamig na po yung pagkain ninyo." ani Sarah.
Napatawa na lang ako. "Hay ikaw talaga ah. Sige na ilagay mo na 'to room namin. Paki-ingatan ah. Paki lagay na rin ang card sa drawer ko, thank you!" utos ko rito.
Kinuha niya naman agad ang mga ito at agad na umakyat sa hagdan. Umarte pa siyang malalaglag kaya muntik pa kong mapatayo t saluhin siya, hays!
Minsan ang extra niya talaga.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSIVE BILLIONAIRE'S ROMANCE (Ongoing)
RomanceRosette, a captivating actress, is married to Arlo, the youngest billionaire around. Their love story is a whirlwind of passion and excitement, but it's not all sunshine and roses. Arlo's possessive nature adds a thrilling twist to their relationshi...