5

284 10 1
                                    

CHAPTER FIVE

ROSETTE

Maaga kaming nagising parehas, sabay din naming ginawa ang morning routine namin. Ewan ko ba, sinabi ko lang naman sakanya na itutuloy na namin ang honeymoon trip, bigla na lang siyang naging extra clingy.

Nasa kusina ako ngayon at tinutulungan si Sarah na maghanda ng almusal habang si Arlo naman ay nagbibihis pa sa kwarto namin.

"Sarah, kumain ka na ba bago ka kumilos dito?" tanong ko rito, ang tahimik kasi niya at mahinhin masyado ang galaw. Eh hindi naman siya usually ganoon.

"Sarah." tawag ko ulit sakanya kaya doon na siya napalingon.

"Ma'am?" sagot niya naman habang hinuhugasan ang mga ginamit namin sa pagluluto.

"May problema ba? Ang lalim yata ng iniisip mo?"

Ngumiti ito na alam kong pilit.

"Wala po, ma'am."

Hinatid ko muna ang kapeng tinimpla ko sa lamesa para kay Arlo at tsaka ito binalikan.

"Sa tagal mo na dito, tingin mo papaniwalaan kita? Alam ko pag may problema ka, kaya sabihin mo na kung ano 'yon." kumbinsi ko sakanya.

"Eh ma'am, namomroblema po kasi ako kung saan ako kukuha ng perang ipang babayad sa perang inutang ni Mama. Pinambayad ko na po kasi yung natira sa sahod ko sa tuition ng dalawa ko pang kapatid."

"Pera? Yon ang problema mo?" tanong ko na ikinatango niya.

"Opo."

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na pagkailangan mo ng pera, magsabi ka sa'kin?"

"Eh ma'am, nakabali na po kasi ako sainyo noong nakaraan kaya nahihiya na po ako."

"Sarah naman, akala ko pa naman you treat me more than just a boss. Akala ko magkaibigan na tayo."

"Eh ma'am-"

"I'll transfer the money na lang sa account mo. H'wag kang tatanggi, magtatampo ako."

"Pero ma'am-"

"Hep! Okay na Sarah. H'wag ka mag-alala hindi 'yon utang. Let just say na bonus mo 'yon for being masipag." I smiled at her.

Nakita ko naman ang pagbabago sa mukha niya. Umaliwalas ito kesa kanina na siyang ikinatuwa ko naman.

Naiintindihan ko naman kasi siya. Ang hirap kayang maging breadwinner ng pamilya. I saw how my parents struggled noong hindi pa gaanong ka-succesful ang business namin.

Bumaling ang tingin ko sa pababang si Arlo. Sandali niya akong tinapunan ng tingin at ngumiti. May kausap kasi siya sa phone kaya hindi siya makapag-salita.

Tinapos ko na lang ang paghanda sa almusal at naupo. Kinuha ko muna ang phone ko para mai-transfer ko na ang pera kay Sarah at pagkatapos ay tinext ko na si Lea para masundo ako.

And she replied.

Hndi niya pa raw kaya dahil sa hungover from last night. Dati naman ay kahit anong sakit ng ulo niya pumapasok pa rin siya, hays.

But fine. Hindi naman ako magt-taping. Pupunta lang ako sa studio para kausapin si Direk.

"What's with the long face, sweetheart? Something wrong?" biglang sulpot ni Arlo at naupo sa harap ko.

Nag-angat ako ng tingin sakanya at ngumuso.

"Hindi ako masasamahan today ni Lea. May hungover daw siya." sagot ko sabay buga ng hangin.

Arlo took a sip of his coffee before glancing at me again. "Well, I can. Let me be your manager for today."

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Aren't you busy?"

THE POSSESSIVE BILLIONAIRE'S ROMANCE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon