4

325 9 2
                                    

CHAPTER FOUR

“TAMA NA! BITAWAN MO KO!” sigaw niya at tsaka pwersahang binawi ang mga kamay niya rito.

Nag-echo sa kasikipan ng iskinita ang malakas na paglapat ng palad niya sa pisngi nito. Gideon didn't even bother to move na para bang tinanggap niya na lang ito.

Her hands were shaking hinahabol niya rin ang hininga niya dahil sa matinding anxiēty na nararamdaman niya at that moment.

“If love for you means harassing someone, you're disgusting. Nakakadiri ka!” galit na sumbat niya rito.

Nanginginig ang boses niya as she said those words. Nanlalamig siya kahit na may namumuong butil ng pawis sa noo niya.

“I..I'm sorry Ros—”

“Don't you ever dare say my name again! You disgust me!” She tightly clenched her fist. “I can't believe na kaya mong gawin ‘to, Gideon. I thought so highly of you!” dismayado niyang saad.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad nang umalis sa harap nito. Leaving Gideon alone. Pinulot niya ang phone na nahulog kanina and that's when she saw Arlo's more than five missed calls.

“R..Rosette.”

Mula sa cellphone ay umangat ang tingin niya kay Lea.

“I was looking for you, pero hindi kita makita.” pahayag nito.

Hindi niya maiwasan ang mapatingin ng matagal kay Lea after hearing her question. Kase kung meron mang isang tao na magiging sobrang lungkot at disappointed kapag nalaman ang ginawa ni Gideon sakanya. It would be Lea.

Just like her, Lea thinks so highly of Gideon. She looks at him as someone who doesn't have any flaws. He's like a perfect prince in her eyes.

“Humaba lang yung usapan namin ni Arlo.” She forced a smile as she lied.

Nilagpasan niya ito at pumasok sa loob ng restobar para kuhanin ang handbag niya. Hindi naman napansin ng iba iyon dahil sa sobrang busy nila sa pakikipag-usap. Kaya mabilis lang din siyang nakalabas upang harapin ulit si Lea.

“U..Uuwi kana?” tanong nito.

She nodded. “Hm, you can stay here. Mag-ta-taxi na lang ako.”

As she was about to turn her back at Lea. Sakto naman ang paglabas ni Gideon sa iskinita. Humigpit ang hawak niya sa handle ng bag niya habang patago niyang pinapakalma ang sarili.

“Mauuna na ako.” tipid niyang wika at tsaka naglakad palayo.

Dahil na rin sa gabi na at halos wala nang dumadaan na sasakyan. Kaya naman almost 30minutes din siyang naglakad.

She didn't bother calling Arlo to pick her up dahil alam niya rin naman na naging busy ito buong araw. She just sent him a message na pauwi na siya.

Sinwerte naman siya at naka-tyempo ng taxi na pwedeng sakyan.

She heave a deep sigh as she frustratedly brushed her fingers through her hair. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang sinusubukang kalimutan ang lahat ng nangyari. Habang nasa byahe.

Hindi kailan man sumagi sa isip niya na kayang gawin iyon ni Gideon, lalo na sakanya. Maybe it was the alcohol that gave him the courage to do that pero mali pa rin kahit saang anggulo.

That won't justify anything.

••

It was exactly 11pm when she arrived. She was greeted by multiple securities since it's an exclusive subdivision.

Nang marating niya ang mansyon ay bumungad agad sakanya ang sasakyan ni Arlo sa driveway. She made sure na maayos siyang tignan at walang bakas ng nangyari kanina sakanya.

THE POSSESSIVE BILLIONAIRE'S ROMANCE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon