Zhynia: nakow! si Kiefer nga! jusko! anong nangyari!?
hindi alam ni Kiefer na inilapag ang kanyang ulo sa mga hita ni Zhynia..
Zhynia: Naku naman, patay na yata to..Kiefer? Kiefer? gising... woii...anong nangyari sayo! Kiefer.. sorry na..sorry na talaga..hindi ko naman gustong mangyari sayo to eh...Kiefer woi gumising ka na..sorry na talaga..wag kang mamamatay Kiefer, please....T_T
tinapik-tapik ni Zhynia si Kiefer pero wala pa ring nangyari.
Zhynia: Kief...uhmmm, woii *sniff* gumising ka na. sorry na talaga.. *sniff* sorry sa ginawa ko. a-akala ko makakaganti na ako sayo *sniff* pero napahamak ka tuloy. Kiefer, wag kang mawala please.. Kiefer, alam kong hindi masarap ang popcorn pero hindi ko alam na ganito ang epekto sayo ng popcorn. nalason ka tuloy. woi, gising ka na *sniff* Kiefer naman eh.. huwag mo kong iwan, alam mo bang gustong-gusto kita.. crush nga kita eh...feeling ko nga mahal na kita..huhuhuuhuhuu. Kiefer gumising ka na oh, huwag kang mamamatay andito pa ako, mahal na mahal kita..T^T
nag-iiyak si Zhynia habang tinatakpan ang mukha niya ng kanyang mga palad. hindi niya namalayan ang pag-gising ni Kiefer at nakatitig sa kanya...
Kiefer: ano'ng iniiyakan mo?
Zhynia: hah? O_O
ganun na lamang ang pagkagulat ni Zhynia ng makitang nakatingin sa kanya si Kiefer. bumangon si Kiefer mula sa pagkakahiga niya sa mga hita ni Zhynia sabay titig sa kanyang mga mata...
Kiefer: okey ka lang?
Zhynia: hah...ah...eh..oo
Kiefer: ba't umiiyak ka?
Zhynia: ah, wala...natutuwa lang ako kasi waang nangyari sayong masama. akala ko kasi nalason ka na sa POPCORN!
Kiefer: ganun bah! hindi naman...
pagsisinungaling ni Kiefer..
Zhynia: ah...ano? okey ka na ba? hindi ka ba hinimatay or ano?
Kiefer: hindi naman..nagpapahinga lang ako.
Zhynia: hah? a-ang ibig mong sabihin? ah...uhmmm hindi ka natulog?
Kiefer: hindi
Zhynia: *gulp* kung ganun? na--narinig mo yung mga sinabi ko?
Kiefer: ang alin?
Zhynia: hah? ah...ah....wala wala...sorry nga pala...
Kiefer: okey lang yun.. kalimutan mo na,..
Zhynia: uhmm so peace na tayo? Friends? hehehe
Kiefer: Friends? tinangka mo nga akong lasunin..
Zhynia: huh? nag-sorry nga ako sayo diba? sabi mo okey lang yun. kalimutan mo na. akala ko ba peace na tayo? ano ba yan?
Kiefer: sa tingin mo basta-basta ko na lang tatanggapin ang sorry mo at ang pakikipag-friends mo sa akin?
Zhynia: grrrrrrr.....umandar na naman yang kasungitan mo. nakakainis ka talaga!
Kiefer: oh ba't nagagalit ka? akala ko ba peace na tayo?
Zhynia: niloloko mo ba ako? pinapaikot mo ko hah! bwisit! nakakainis ka talaga aaarggghhh...
Kiefer: relax lang.. masyado ka namang hayblad!
Zhynia: ikaw naman talaga kasi eh..grrr... ang sarap mong...ang sarap mong....
Kiefer: ano? halikan?
Zhynia: ang kapal mo! ang sarap mong tirisin na parang kuto!!!
Kiefer: bakit ayaw mo? akala ko ba sabi mo...mahal na mahal mo ko...

BINABASA MO ANG
Paranormal Academy
ParanormaleZhynia Gomez-an ordinary girl who wishes to have ESP. She wants to have a third eye to prove that she can see a ghost but she’s hilariously coward. Then she heard about Paranormal Academy and enrolled herself there. Find out what life awaits of Zhyn...