Art 2

27 0 0
                                    


Hindi siya nakagawa ng ingay dala ng pagkakabigla dahil sa pangahas na lalaking to na biglaan siyang pinasok. Sa cubicle kung saan siya naroroon, hindi katulad ng iniisip niyong pinasukan, kasabot?

Nanlalaki ang mga mata habang nakatitig siya ngayon sa lalaking nakatingin din pabalik sa kaniya. Imbes na magpapapasag siya doon para makawala sa hawak nito, natagpuan nalang niya ang sarili niyang nalulunod sa mga mata nitong pagkaganda.

Grabi kung makatingin ito. Nakakapanggigil ng kalamnan!

Wow! Karon pako kitag gray nga mata! Grabiha, mata palang, lami na!

Wow! Ngayon palang ako nakakita ng gray na mata! Grabi, mata palang, masarap na!

Tapos ang kilay do! Baga kaayo, attractive kaayo tan awon, lami kaayo pang ibton!

Tapos ang kilay! Ang kapal, ang attractive tignan, ang sarap pagbubunutin!

Bumaba ang tingin niya sa mayabang sa katangusan nitong ilong. Pwede na kamo niya itong sabitan ng hanger sa tangos!

Tapos ay bumaba pa sa mga labi nito ang tingin niya at parang mas lalo ata siyang naglaway na gusto niyang tikman kung ano ang lasa nito.

Atay, naa pay lips makahubog bra ug panty! Lamia kitkiton uy!

Atay, merong pang lips na nakakalaglag ng bra at panty! Sarap ngatngatin!

"Trey! Show yourself kung ayaw mong magalit ako sayo!"
Rinig niyang nanggagalaiti na pagsigaw ng kung sinong babae doon sa labas ng cubicle kung nasaan sila.

Ay dili pa siya suko ana ha?

Ay hindi pa siya galit niyan ha?

At maya maya lang ay nadinig nalang nilang pinagbubuksan nito ang mga pintuan ng mga cubicle. Parang galit na galit ito habang pabalibag na pinagbubuksan ang mga kaawa awang mga pintuan.

Napatigil siya sa pagkakatitig sa lalaking nasa harapan niyang napakapogi habang takip padin nito ang bibig niya, sinisigurado atang hindi siya makakapag ingay nang mapatingin siya sa pintuan kung nasaan sila.

Narinig niyang huminto ang paglakad ng babae at ilang segundo lang ay nadinig niyang marahas na tinulak nito iyon. Buti nalang at nakalock iyon kaya hindi makikita nito ang sitwasyon nilang dalawa nitong lalaking ito na sigurado siyang pinagtataguan ito.

Kasi papasok ba naman itong lalaki tong dito kung hindi niya pinagtataguan iyong tigre sa labas diba?

"Shit. Why can't this open? Trey! Are you there? I swear to all heavens I'm going to slap you to death because of what you did to me!"
Galit nitong sigaw sa labas.

"Get out, trey! Lemme break you into pieces!"
Dagdag sigaw pa nito.

Base sa naintindihan niyang sinasabi nito'y mukhang pinapalabas ata nito ang lalaking ito na nakatitig padin sa kaniya at mukhang balak na siyang walaan ng hininga sa paraan ng pagkakatakip ng nalaking kamay nito sa bibig niya.

"Hmmp. Hmmp "
Mahina niyang ungol habang nakatitig padin rito.

Translation: ialis mo na ang kamay mo dahil sasakabilang buhay na ako.

"Shut up. Don't make any sounds or she will hear us."
Mariin naman nitong banta sa kaniya.

Pero dahil sa gusto na niyang huminga kaya mas lalo siyang nag iingay doon. Napapikit naman ito sa inis.

"Trey?! You're with a woman? I swear I'm going to slap you both so get out!"
Galit padin sigaw noong baliw na atang babae sa labas habang kinakalampag na ang pintuan.

"I will take my hand but don't shout, alright? Sabihin mo sa kaniyang umiihi ka lang at wala ako rito. Go."
Utos nito sa kaniya sabay inalis na nito ang kamay sa bibig at ilong niya kaya napabuntong hininga naman siya't parang ngayon lang muling nakahinga. Para kamo siyang namatay ng ilang sandali dahil sa pagkakatakip nito ng kamay sa mukha niya.

The Art Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon