Nikkita"Nikki! Naas tasya, hinahanap ka!"
Sigaw ng ina niya mula sa labas. Andito si tasya.Kasalukuyang nagluluto kasi siya nang pananghalian nilang magpamilya.
"Sus, ipadayun ma! May mag wa nay tiil! Nagaluto pako dito!" Sus, patuluyin mo, ma! Kala mo naman walang paa! Nagluluto pa ako dito!
Sigaw naman niya pabalik habang busyng busy padin sa pagluluto."May paa ako, nikki kaya ako nalang mag a adjust. Baklang to."
Saad ni tasya na pumasok na nga nang bahay nila. Sa kusina kung saan siya naroroon."Eh bakit ba? Unsay sadya mo sakin?" Anong sadya mo sakin?
Takang tanong niya rito.Sukat namang mukhang naalala nito ang sadya nito sakanya dahil biglang nagtatatalon ito habang hawak hawak siya.
"Uy! Ano ba! Akong giluto!" Ang niluluto ko!
Saway naman niya sa kaibigan niyang parang kiti kiti."Sensya, na excite lang! Sige eto na, Kasi inday may nabalitaan ako."
"Ano?"
"May hiring sa Villafuerte, dae!"
Excited na anito kaya napataas ang kilay niya."Hiring ng ano? Ug kinsa or unsa man pud ng Villafuerte?" At sino or ano naman yang Villafuerte?
Takang tanong niya.Napaikot ng mata si tasya.
"Duh. Villafuerte gud dae, naalala mo. Yung isa sa pinakamayamang angkan sa buong lalawigan ng Roosevelt. Tapos hiring bilang maid sa isa sa mansyon nila."
"Sus, kang kinsa man pud na nimo nabalitaan?" kanina mo naman yan nabalitaan?
"Kay aling bebang, dae. Ana siya naghahanap daw ng magiging maid si jorge diri satong probinsya para ipadala didto sa roosevelt, sa Villafuerte."
Napataas naman ang kilay niya.
"Sure kaha kang maid gipangita atong bayota? Basin pug himoon tang hostes ato tapos ipa sayaw sayaw man diay sa mga bar or club didto sa roosevelt." Sure ka bang maid hinahanap nong baklang yon? Baka naman gawin tayong hostes tapos ipapasayaw sayaw tayo sa mga bar or club doon sa roosevelt.
Tinampal naman siya sa balikat nang kaibigan niya.
"Gaga. Hindi uy. Sure akong legit, dae. Didto baya nagtrabaho sa branch ng Villafuerte empire dito sa San gregorio si jorge kaya di ni scam. Ug naa ba diay hostes nga 100k to 200k a month ha?" At meron bang hostes na 100k to 200k a month ha?
"Sus! 100k to 200--- sus Ginoo! Hala totoo, dae?"
Gulat na napaharap siya sa kaibigan.Ngumisi naman ng wagas ang kaibigan niya.
"Oo dae. Tumataginting na 100k to 200k! Mura tag nag abroad ani!" para tayong nag abroad nito!
Tumitiling anito kaya napatili nadin siya habang para silang mga gagang nagtatalon sa maliit na kusina nila nikki."Hala, dapat mag adto ta kay bayot, dae!" hala, dapat pumunta tayo kay bakla, dae!
Excited na sabi niya."Naa nakoy scheduled sa hiring dae so sit back and relax. Mag apply ta ugma!" meron na akong schedules sa hiring so sit back and relax. Mag a apply tayo bukas!
Masayang saad naman ng kaibigan niya kaya nagtatalon sila lalo."Unsa bang gubat dire? Nganong sige man mog panglukso dha, mga bataa mo?"
Ano ba tong gulo rito? Bakit nagtatatalon kayo, mga bata kayo?
Biglang pasok ng mama niya sa kusina habang may dala dala itong bilao kung saan may mga gulay.Kunot noo itong nakatingin sa kanila. Nagtataka siguro dahil para silang mga kiti kiting nagtatalon doon.
"Kasi aling melissa may balita akong sinabi kay nikki na siguradong ikatutuwa niyo din!"
Masaya namang sabi ng kaibigan niya.

BINABASA MO ANG
The Art Of Love
Fiction générale𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐅𝐔𝐄𝐑𝐓𝐄 𝐇𝐄𝐈𝐑𝐒 𝟏 𝐎𝐅 𝟓: 𝐓𝐑𝐄𝐘 & 𝐍𝐈𝐊𝐊𝐈 | 𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 | Nikki, a hardworking and humorous woman from San Gregorio, finds herself working as a maid for the prestigious Villafuerte clan. There, she crosses paths with Tr...