"Paanong nangyaring nakuha ako dai? Alam mo ng wala baya ko ka interview kaya bakit at paanong nangyaring nakuha din ako?" Hindi ako nakapag interview.
Naguguluhang tanong niya sa kaibigan.Nagkibit balikat lang ito.
"Hindi ko alam dai basta sinabi lang sakin ni bakla atong ingon siya nga na hire ko apil daw ka lagi. Hindi ko naman alam kung paanong nangyari iyon pero hindi iyon ang big deal rito at least nakuha ka din! May pang shoppe na tayo dai!" Nong sinabi niyang na hire ako kasali ka nga daw.
Maligayang saad nito saka nagtatalon na naman habang ang hawak hawak ang mga kamay niya kaya napatalon nadin tuloy siya.Hindi niya alam kung anong himalang nangyari pero ipagsasawalang bahala na lang niya iyon baka ay naawa ang panginoon sa kaniya at gumawa ng paraan. Nagpapasalamat siya rito at nagbubunyi dahil sa wakas ay maisasakatuparan na niya ang pangarap niya sa pamilya niya.
Maipagtatayo na niya ng sariling super market ang mama niya. Super market agad para sosyal at maging madam na madam na talaga ang mama niya saka wala ng masasabi pa ang mga inggeterang mga tindera doon sa palengke.
At mapag aaral na niya ang kapatid niya sa kolehiyo pag dating ng panahon. Sisiguraduhin niyang makukuha nito ang gusto nitong kukunin sa kolehiyo dahil nais niyang wag ipagdamot ang edukasyon na nararapat rito na siyang ipinagkait sa kaniya. Pag aaralin niya ito sa mamahaling paaralan dahil siguradong mga ilang buwan palang siya doon sa mga Villafuerte na magtatrabaho bilang kasambahay ay makakalikom na siya ng ilang pera kung suswertehin pa ay baka umabot ng milyones kaya hindi niya hahayaag mawala sa kaniya ang oportunidad na ito.
"Sigurado ka na ba rito, nikki?"
Tanong ng mama niya habang nasa kwarto nila ito ng kapatid niya at tinitignan siyang nag aayos ng mga gamit at damit na dadalhin niya.Agad kasi silang sinabihan ni jorge na bukas na bukas din ay aalis na sila dahil kinakailangan na agad ang kanilang serbesyo roon sa Villafuerte. Tutungo silang Roosevelt dahil doon naman talaga nakatira ang mga Villafuerte at isa sila sa mga maswerteng makakapagtrabaho doon sa mismong mansyon ng mga kilalang taong mga ito doon.
Sa pagkakaalam niya'y sasakay lang sila ng barko pagmamay ari mismo ng mga Villafuerte patungo roon kaya nama'y excited din siya dahil first time makakasakay ng barko.
Napatingin naman siya sa mama niya.
"Opo, ma. Marami na pong mga pangarap na gusto akong tupadin sa ating magpamilya hindi pa man ako tuluyang nakakapag trabaho talaga. Alam kong nalulungkot kayo dahil wala na kayong magiging tinderang maganda doon sa palengke pero isipin niyo pong ginagawa ko po ito sa inyong dalawa ni chiquita."
Mahabang sabi niya rito.Oo nga't excited siyang makapagtrabaho pero sa Roosevelt iyon. Malayo rito sa San gregorio, Nirvania pero wala siyang magagawa kundi magsakripisyo para sa pamilya niya. Iyon ngang mga OFW nakayanan malayo sa mga pamilya ng mga ilang milyang karagatan siya pa kayang ilang oras lang ang layo. Pero hindi niya naman maiwasang malungkot dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na malalayo siya sa pamilya niya pero titiisin niya muna para sa kinabukasan ng pamilya lalo na sa nag iisa niyang kapatid.
"Sa kagandahan mo'y halos araw araw na naiirita satin iyong si aling berta mo dahil dinadaan mo daw sa ganda mga customer natin, hindi tuloy tayo iniimbita sa mga birthday nila kaya ngayong mawawala ka na baka makakakain na kami ng lechon sa wakas."
Turan naman nito na hindi niya alam kung nagbibiro o ano."Mama naman. Insekyura lang jud tong tiguwanga. Hindi bumibili sa kaniya ang mga customer dahil kitang kita palang sa mukha na nakakalamang tayo ng ilang paligo. Saka grabi naman kayo sa mawawala. Mangangabilang syudad lang ako ma, hindi mangangabilang buhay."
Aniya rito habang nakanguso saka ipinagpatuloy ang pag iimpake.

BINABASA MO ANG
The Art Of Love
Ficción General𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐅𝐔𝐄𝐑𝐓𝐄 𝐇𝐄𝐈𝐑𝐒 𝟏 𝐎𝐅 𝟓: 𝐓𝐑𝐄𝐘 & 𝐍𝐈𝐊𝐊𝐈 | 𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 | Nikki, a hardworking and humorous woman from San Gregorio, finds herself working as a maid for the prestigious Villafuerte clan. There, she crosses paths with Tr...