"Taray. May pagsalong naganap."
Salubong kaagad sa kanya ng kaibigan nang siya'y tuluyang makaakyat sa barko."Hilom diha. Sipaon tika ron."
"Tumahimik ka diyan. Sisipain kita."
Asik niya kaagad rito pero hindi padin siya maka get over sa nangyari.Magpapasalamat ba siya dahil sa pagsalo nito'y hindi siya tuluyang nakapag swimming sa dagat together with nemo o magpapasalamat siya dahil natisod siya kaya nasalo siya ng matipuno nitong mga brasong ang sarap sabitan habang buhay?
Bala ng maging unggoy siya basta ba makasabit at manamnam niya ang mga maskels nito.
Pero teka lang. Nabalik naman siya agad sa realisasyon.
Pamilyar talaga sa kaniya ang tabas ng panga nito.
Natahimik lamang silang dalawa nang maramdaman nila ang presensya sa likod niya. Natahimik din ang ilang mga kasamahan nilang kasambahay doon, samantalang binasag naman ng baklang si jorge ang katahimikan.
"Okay, girls. Batiin niyo ang isa sa magiging amo niyo. Si señorito Trey Villafuerte, ang isa sa anak ni Don Gonzalo Villafuerte."
Anunsiyo nito kaya nama'y isa-isang umayos ang lahat ng mga kababaihan doon. Samantalang parang natuod naman siya habang dama padin ang init ng presensya nito sa likod niya."There's no need for that, Jorge. It's alright."
Ani naman ng nasa likod niya sa lalaking lalaki nitong boses.Ginoo ko. Nanginig ang kalamnan niya dahil sa buo nitong boses na nakakapanghina ng laman.
Chineck niya tuloy kung kumakapit pa ng mahigpit ang bra at panty niya.
"Hoy, isbog dre day."
Imik sa kaniya ng kaibigan saka siya hinila nito sa gilid dahil para siyang tangang nakaharang sa daraanan noong lalaking sumalo sa kaniya kanina na pamilyar na pamilyar sa kaniya.Sa tabas palang ng panga nito'y kilalang kilala na niya. Lalo na ang maganda at nakakapanindig ng balahibo nitong mala abuhing mga mata. Natitigan pa niya ito ng malapitan kanina, buti na lamang at hindi siya nangisay sa kilig saka umayos ng tayo at nagpasalamat rito. Mukhang hindi naman siya nito nakilala dahil tumango lamang ito sa kaniya at walang anumang sinabi tulad ng "Uy! Kilala kita! Diba ikaw iyong matiwasay na umiihi doon sa Villafuerte building na dinisturbo ko dahil may tinatakasan akong tigre?".
Buti nalang kamo dahil nakakahiya iyong tagpo na iyon dahil nasa nakakahiyang sitwasyon siya. Paano nalang kung nag lalabas siya ng sama ng loob noong mga panahon na iyon, edi mas lalong napahiya ang ganda niya? Giatay, buti nalang at naglalabas lang siya ng ilog ng kalikasan.
"Magandang araw po, señorito."
Natauhan lamang siya nang madinig ang sabay sabay na pagbati ng mga kasamahan niya. Sa pangunguna ng kaibigan niya na kulang nalang kuminang ang mga mata dahil nakakita ng gwapong madatung.Naramdaman naman niyang naglakad paabante ang lalaki ngunit nagtaka siya dahil huminto ito sa harapan niya. Dahan dahan naman niyang inangat ang ulo niya kaya halos mataranta siya nang makita itong nakatitig sa kaniya.
"You drop something."
Anito saka ipinakita ang kamay nito kung saan naroon ang malagintong clip niya.Nanlaki naman ang mga mata niya. Hala! Ang kanyang pinakamamahal na clip. Bigay pa naman ito ng mga magulang niya noong siya'y dalagita. Hugis butterfly ito na siyang paboritong paborito niya kaya kahit saan siya magpunta ay suot suot niya ito.
Atubiling inabot niya ito. Nanginig pa ang kamay niya dahil kitang kita ng malaki niyang mata ang ugat sa braso nito.
Hoooo. Akong pantay lord, mahulog.
"M-marami..."
Napatigil siya sa pagsasalita at akmang pagkuha ng clip niya sa kamay nito dahil sa isang iglap ay tumaas ang kamay nitong hawak hawak ang butterfly clip niya saka mito inilagay sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
The Art Of Love
Ficción General𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐅𝐔𝐄𝐑𝐓𝐄 𝐇𝐄𝐈𝐑𝐒 𝟏 𝐎𝐅 𝟓: 𝐓𝐑𝐄𝐘 & 𝐍𝐈𝐊𝐊𝐈 | 𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 | Nikki, a hardworking and humorous woman from San Gregorio, finds herself working as a maid for the prestigious Villafuerte clan. There, she crosses paths with Tr...