Art 5

14 0 0
                                    


Nikki

Peste, patawarin siya ng diyos sa kaharutan niya.

Oo nga at may pagkalukaret siya pero hindi naman pumasok sa isipan niyang manggahasa ng lalaking may.. Ehem.. Mala puto sa sarap na abs.

Sarap. Pwede kaya dilaan?

Sinapok niya ang ulo niya.

"Sige, kiat pa day." Saway niya sa sarili.

Mukhang hindi nga imposibleng mang rape siya sa kahalayan ng isipan at pinagpepyestahan pa niya ang pangangatawan ng lalaking tulog na tulog habang nakanganga pa ito. Samantalang nakapatong pa din siya rito.

Feel na feel mupatong ang buang.

Ayaw niyang makasuhan ng rape kaya naman kahit gusto pa niya ang pakiramdaman ang pagpatong rito at damhin ang mga maskels nito sa katawan lalo na't hubo't hubad ito maliban lamang sa maliit na saplot nito sa gitna na kanina pa niya damang nakasaludo sa bandang tiyan niya, dahan dahan siyang bumangon at umalis sa ibabaw nito.

Napaigik pa siya nang medyo gumalaw ito kaya naman pumikit siya para handa na sanang lumuhod rito at harapin ang nakasaludo este harapin ang hagupit ng galit nito pero wala naman siyang narinig na kung ano kaya naman ay nagpatuloy siya sa pagbangon.

Nasagi pa ng siko niya yong sundalo kaya naman mas lalo itong sumaludo.

Murag di sa niya hugasan iyang siko unya. Hihi.

Mukang hindi niya muna huhugasan ang siko mamaya. Hihi.

Sumaludo pa siya pabalik rito. Gaga talaga eh.

Sa wakas ay tagumpay siyang nakaalis sa ibabaw nito at napapahid pa ng pawis sa gilid ng mukha. Siguro dahil sa kaba na magising ito o dahil baka dulot ito ng kalasingan niya kagabi at mukhang lumalabas na sa katawan niya ang epekto o baka din dahil masyadong mainit ang lalaking ito kaya nag iinit din siya. Hihi.

Napahawak siya sa ulo ng sumigid ang sakit rito.

Harot pa gaga.

Hinilot hilot niya muna ang sintido habang inaalala kung hinalay niya ba talaga itong lalaking ito habang pinakatitigan ito. Wala namang pumapasok na kung anong alala kagabi na pwedeng maging ebedinsyang hinalay nga niya ang lalaki.

Mukhang hindi naman niya nilamutak ang masarap na katawan nito. Ninamnam at pinatungan nga lang. Hihi.

Kumunot ang noo niya nang gumalaw ito at matitigan niya ng husto ang mukha.

Ay wet, parang pamilyar sa kaniya ito ah?

Naka tagilid na ito sa pagkakahiga at tulog na tulog padin ngunit hindi noon mapipigil ang paglaki ng mata niya nang makilala niya ang tabas ng panga nito. Trademark ata nito yong perpektong panga nito na gusto niyang panggigilan at kagat kagatin magmula ng una silang magkita kung saan siya nasa trono.

Hala, giatay ka nikki. Imong boss pa jud imong gi rape, igatan ka!

Hala, giatay ka nikki. Ang boss mo pa talaga ang nirape mong malandi ka!

Sinapok niya muli ang ulo dahil sa kagagahan.

Hindi niya kasi naaninag ng mabuti ang mukha nito kanina dahil busy siya sa kakalaway doon sa dibdib nitong matipuno saka sa abs nitong parang puto sa sarap! Bwesit. Hindi pa nga sila nakakarating sa roosevelt, mukhang babalik agad siya sa San Gregorio. Di pwede iyon nangako silang mag kaibigan na magdadala ng tall, daks and handsome pag sila'y bumalik sa probinsya nila.

Pipikutin niya muna ang mamang masarap na ito para mabitbit niya sa bahay at maging manugang ng mama niya. Hihi.

Pero dahil ayaw niyang malusaw na parang bula ang 100k niya kaya habang himbing na himbing pa ito sa pagkakatulog ay kukunin na niya ang pagkakataon na iyon na lumayas bago pa niya tuluyang mahalay ito. Dahan dahan siyang umatras habang nakatingin rito. Baka magising mahuli pa siya at siguradong nasa likod ng rehas na siya wala pang isang minuto. Hindi bagay ang ganda niya don at baka maging mayora pa siya sa loob. Hindi pa sya handa mag meet and greet sa mga kusa niya sa loob ng munti. Sa susunod na buhay na niya siguro at isasama niya ang kaibigang mahilig sa daks tulad niya.

The Art Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon