"Bakit di na sya sumasama sa 'tin? Lagi na lang nyang reason eh masama pakiramdam nya. Okay lang ba sya?", tanong ko kay Anthony.
"Hayaan mo na sya. Alam mo namang minsan di matimpla ugali at mood nun eh.", sagot naman sakin ni Stef.
Di ako sinagot ni Anthony. Umoo na lang sya sa sinabi ni Stef. Hayy ang hirap nang may kaibigang laging may moodswings. Kulang ang barkada. Medyo malungkot pero kaya naman.
"Nakakadami na sya. Lagi na lang tayong nag-a-adjust para sa kanya! My God!", biglang sigaw ni Kim, girlfriend ni Stef. Naiintindihan ko naman sya. Oo lagi na lang kaming nag-a-adjust sa kanya. Napupurnada mga lakad namin recently kasi ayaw sumama ng isa. Eh di ayaw na din ng lahat. Damay damay kumbaga.
"Di ko talaga siya maintindihan. Di naman sya ganyan dati.", nagtatakang sabi ni Anthony.
"Kausapin mo kaya Anthony? Nasa iisang apartment lang naman kayo di ba?", dagdag ni Stef.
"Lagi syang nasa kwarto nya eh. Pag kakausapin ko, sabi ng roommate tulog daw. Ewan.", sagot ni Anthony.
Wala nang umimik pagkatapos nun. Nabalot kaming lahat ng katahimikan. Awkward silence ika nga nila. Ako naman, gulong gulo pa din. Di ko alam kung san ako hahanap ng sagot sa mga tanong ko sa isip ko. If only nandito sya. Di sana kami ganto, walang maisagot sa isa't isa. Hayy.
BINABASA MO ANG
Bakit Ako?
Short StoryPara sa mga naguguluhan, nagtatanong, nag-iisip at naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan sa buhay..HINDI ITO PARA SA INYO. HAHAHAHA. Kagagawan ng aking malikot at maduming isipan(slight lang naman). Enjoy this short story for me. Nagmamakaawa ak...