6

8 0 0
                                    

We met at a not so crowded resto. Nauna pa nga akong dumating. So, ako na humanap ng place para samin. Ang cheesy nga e, para kaming may date. Umorder na din ako para di na sya mag-abala pa.

The moment na dumating sya, I had the urge na yakapin sya at sabihin sa kanya na miss na miss ko na sya. Nakaporma din sya. Kung di ko lang sya kilala, iisipin kong airport ang diretso nya pagkatapos naming mag-usap.

Kinawayan ko naman sya para makita nya ako then we both sat. Ang awkward, alam nyo yun? Pareho kaming walang imik. Nakayuko sya habang ako nakatingin sa kanya. Mukhang humuhugot ng lakas ng loob. Ganun na ba kalakas ang naging epekto ko sa kanya? All this time I knew matapang tong tao. After a few moments, I finally broke the eerie silence.

"Musta..pre?", pagtatanong ko. Napatingin naman sya sakin.

"Hindi mo ba ako kayang mahalin Mart? I know this sounds gay, which I really am, but bakit?", tanong nya din sa akin.

"I like you Ryan pero hanggang kaibigan lang yun. I can't give you what I don't have. I cannot reciprocate that love. And I'm very sorry for that. Sana maintindihan mo ako.", pagpapaliwanag ko sa kanya.

Natawa sya.

"I know that. I was just hoping. Tangina mo kasi e! Pa-fall ka. Hahaha. Ako naman tong tanga na umasa. Saklap.", pagsasalita nya.

"Hindi ako pa-fall gago. Hahaha. Mabait lang ako sa mga kaibigan ko kaya minsan namimisinterpret nila yun, the way I treat them..like way back in high school. Pero, bakit ako Ry?", pagtatanong ko uli sa kanya.

"I really don't know Mart, one day I woke up I'm into you.", sabi nya.

"Infatuation lang yan Ry. Marerealize mo din yan. It may not be now, but sa future. And tatawanan mo na lang tong experience mo na to.", pag-e-explain ko sa kanya.

Nag-smile sya at di na umimik pa. I know matagal sya bago makapag-move on pero I'm hoping for the best.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon